Another |Page 147 of 365|

978 34 9
                                    

Dear Diary,

I hate going to school. Hindi dahil sa ayaw kong matuto o dahil sa ayaw ko sa mga prof ko. Sawang-sawa na kasi akong makita sila Charles at Sydney sa likod ng classroom na nagtatawanan at nilalanggam. Ang hard naman ng mundo sa akin.

Pagpasok ko sa room ang bungusngis agad ni Sydney ang narinig ko. Umiiwas ako ng tingin sa kanila. Ng makarating ako sa upuan ko may napansin akong pulang envelope sa may table.

"Ano ito?" tanong ko.

Sumagot naman si Sydney, "Malay namin? Busy kami sa isa't-isa."

Wala talaga akong maaasahang matinong sagot sa kanya. Ang bilis niyang magbago, dati ang sweet na kaibigan ni Sydney pero ngayon...

"To Ms. Cindy Maire Hazel Rodriguez," sabi sa sulat.

Hala! Nakakaba ito Diary! Ano kaya ito? Sana love letter kaso mukhanvmg hindi e. Mas mukha pa itong death letter. Nanginginig na talaga ako Diary, sana naman mali ako.

Dahan-dahan kong binuksan ang maliit na pulang sobre. Sa loob ay may kapirasong itim na papel nakasulat sa puting tinta ang mga salita...

Kamusta kana Cindy? Pasensya ka na kung tinakot kita sa style ng letter ko. I am just a random guy, no need to be scared. May utang ka lang sa akin that's why I need to talk with you in private. Meet me after your class. I will be at the old building of your school, you know what building right?

Remember, pumunta ka or you'll face the consequences :) Okay? See you Ms. Cindy!

"Oh my god..." bulong ko sa sarili ko.

Walang nakalagay kung kanino galing ang sulat. Sino ito? Bakit niya ako gustong kausapin?! Kailangan ko bang pumunta?

No... I don't want consequences. Diary, protect meee!

PS. Wala akong pera kaya paano siya nakautang sa akin?

Good Night Diary, XOXO.

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now