No one knows|Page 116 of 365|

1.9K 81 10
                                    

Dear Diary,

Eto na Diary ang ikagigimbal ng mundo ko. Eto na Diary! Mayroon daw kaming swimming! Kaming buong magkakaklase. No Diary. Hindi ako sasama sa kanila! No way! Ayoko pang mamatay ng maaga! Pero, pinipilit talaga nila akong sumama sabi nila para naman daw mag enjoy din ako. Hmp, mas enjoy pa nga ako sa bahay 'e.

Diary? Wag ka ring magswswimming ha? Ay! Oo nga pala papel ka lang. Haha! Joke Diary! Pero basta wag kang magswswimming ngayong summer dahil... Una sa lahat paano kung may nagswswimming din pala doon na may H.I.V at AIDS? At siya dura ng dura sa pool ikaw naman si sisid sabay lunon, YUCKS! At 'yung mga ibang nagswswimming na bata doon na umiihi, kadiri 'diba? Tapos ikaw enjoy na enjoy mo pa ang wave pool 'e di nalunok mo na lahat ng wiwi nila? Minsan nga nung nasa kiddie pool ako (Wag mo akong husgahan!) may batang sa katatawa niya ayun sumuka! Kulay orange pa nga 'e! Tapos unti-unting kumalat 'yung suka niya sa pool. Kadiri talaga. At mag iingat ka rin Diary sa mga p*nyetang magkasintahan sa pool ha? 'Lam mo na Diary. Eew talaga. Sorry sa badword Diary ha? Pero kadiri talaga ayaw ko ng idetalye.

Ngayon, alam mo na Diary ha? 'wag ka ng magswimming kundi makakuha ka lang ng H.I.V/AIDS (at iba pang nakakadiring sakit), ihi ng bata/suka (isama mo na ang laway at sipon), at isang nakakadiring view ng magkasintahan sa pool. Okay, Diary? Gets?

- Isang paalala galing kay Cindy Maire Hazel Rodriguez kaakibat si Ms/Author/Ate Alice Bellerose -

Good night Diary! Sweet Dreams! xoxo!

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now