Toy Kingdom |Page 5 of 365|

8.6K 280 25
                                    

Dear Diary,

Pumunta ako kanina sa Toy Kingdom sa S.M pagkagaling ko sa school. Malapit na kasi ang birthday ng kapatid ko. Grabe Diary nakakatakot sa Toy Kingdom yung mga sales lady at men kasi nagkalat iniiwasan ko sila ayoko kasi ng kinakausap ako o sinusundan ako habang namimili ng bibilhin kaya naman pumupunta ako dun sa mga shelves na walang masyadong tao at sales lady. Pero Diary bigla akong kinabahan! Baka kasi akalain nila na nagshoshop lift ako! Malaki pa naman ang bag ko at nakajacket ako! Napatingin ako sa itaas at nakita kong may CCTV buti na lang pala meron nun pero agad din akong kinabahan kasi baka akalain ng nanonood ng CCTV shop-lifter nga ako at tiningnan ko kung may camera bago ako magnakaw! Kaya naman iniwasan kong humawak sa bulsa ko o sa bag ko at iniwasan ko mag mukhang di kaduda-duda! OH GOD! Di ko kaya! Haharangin ako ng guard mamaya!

Pero Diary sa awa ng Diyos walang guard na humarang sa akin pagkalabas ko.

Good Night Diary matutulog na ako xoxo.

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now