Headphones |Page 106 of 365|

1.7K 76 7
                                    

Dear Diary,

Grabe Diary! Ang ganda! Sobra! May bago akong headphones! Bili sa akin ni Mommy! Ang astig talaga ang lakas ng sound! Ang sarap makinig! Waah! Sobra talagang saya ko! Habang naglalakad ako sa paligid ng bahay namin nakaheadphones ako ang saya magsound trip talaga! Hulaan mo kung anong pinapakinggan ko? Ayoko sabihin bleh! Pero secret lang natin ito Diary ha? Numb by Linkin Park, hihi! Naghehead bang pa ako habang nagwawalis ng buong kabahayan namin ng maisip ko na paano pag tinatawag ako ni Mommy? Paano pag may aksidenteng nangyari? Tapos, humihingi na siya ng tulong sa akin tapos eto ako head bang pa ng head bang?

Kaya ang ginawa ko tinanggal ko 'yung headphone at tumakbo ng mabilis sa kwarto ni Mommy habang sumisigaw ng:

"MAAAMYYYYYY! MAAAAAAAMMYYYY HUHUHUHU!"

Pagkarating ko sa kwarto kumatok ako tas agad na binuksan ni Mommy yung pinto.

At sa huli, walang aksidente pala na nangyari kay Mommy ang saya diba? :D

Good Night Diary!

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now