Love Letter |Page 55 of 365|

2.4K 121 15
                                    

Dear Diary,

Waaah! Diary grabe kinikilig ako ngayon! Nakatanggap nanaman kasi ako ng sulat galing sa secret admirer ko Haha! Diary ang ganda ko grabe! Nakita ko kasi sa pinaka small pocket ng bag ko ang isang card at ayun na nga! Waah kilig haha! Ganito yung nakasulat:

Hi! Nakita nanaman kita. Nakakainis ako noh? Wala akong lakas ng loob na iapproach ka. Sayang nga e kasi kanina may pagkakataon na sana ako. Hindi mo ba ako napansin? Ako yung katabi mo kanina sa Library, ang dami kasing tao kanina noh? Kaya nga nung nakita kita na naghahanap ng upuan dali dali kong tinanggal yung bag ko sa upuan sa tabi ko para doon ka umupo at voila! Doon ka nga umupo! Ang saya saya ko nun di na nga ako nakapagfocus sa binabasa ko e. Ang saya sa pakiramdam ng katabi ka ang saya saya ang gaan sa pakiramdam. Oo nga pala! Nung minsan hinahanap kita kayalang di talaga kita makita ang dami kasing mga babaeng hunaharang sa dinadaanan ko e! Haaay pinaglalayo ba tayo ng tadhana? Sana wag naman. Sige hanggang dito na lang.

- Mr. Nobody

Oh My God Diary! Ang sweet niya noh? Sayang di niya ako nahanap. Haays ang torpe niya sana lapitan niya ako.

Good Night Diary :)

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now