Lost Part 2|Page 127 of 365|

1.5K 77 18
                                    

Dear Diary,

Huhu. Sobrang kabado talaga ako habang hawak hawak niya 'yung dalawa kong kamay. Gusto kong manglaban pero paano kung may patalim siya? E 'di nagilitan pa ako ng leeg! Mabuti na 'yung safe.

Ano kayang gagawin sa akin ng lalaking ito? Kanina pa kaya kami naglalakad! Hanggang sa...

"Nandito na tayo," sabi niya sabay tanggal ng piring ko at WOW!

Sand castle! Wow! Waaah! Sand castle Diary! Ang galing! Ang detailed! Tumakbo agad ako papalapit dito.

"Wag mong sirain 'yan, pinaghirapan ko 'yan," lumingon ako sa lalaking nagdala sa akin dito

At biglang nagdilim ang paningin ko... Charles. Si Charles... Bakit siya nandito... Anong ibigsabihin nito? Nangingilid na ang luha ko. Ano bang gusto niyang gawin? Nanumbalik lahat ng pinagsamahan namin. Nanumbalik 'yung panahong sinurpresa niya ako noong Valentine's day.

Bakit niya ito... Ginagawa?

Napatakip ako sa bibig ko at bago pa ako nakapagsalita ay may biglang sumapak kay Charles.

"Gago ka!" sigaw ng lalaking sumapak

S-Si Starbucks guy ito! Paano siya napunta dito?!

"What the fuck men?! Bakit mo ako sinapak?! Sinabihan mo pa akong gago! Sino ka ba?!" galit na galit na sabi ni Charles habang pinupunasan ang dumugo niyang labi

Hindi ko masyadong makita ang mukha ni Starbucks guy pero kitang-kita ko ang galit sa kanyang aura.

"Umalis kana dito," maikling sabi niya

"Tol, kaw ang gago! Pinapalayas mo ako dito?! Siraulo ka ba?! Sinurpresa ko 'yung mahal ko! Gago ka ha!"

Lumapit sa akin si Starbucks at hinila ang braso ko upang tumayo ako.

"Hindi ko na hahayaang makalapit ka kay Cindy. Mahal mo pala ha? Parang kailan lang pinaiyak mo siya. Gago ka 'tol. Ayusin mo buhay mo," sabi ni Starbucks guy, "Kung hindi puputulin ko na 'yang buhay mo at sisiguraduhin kong paglalamayan ka ng 'di oras!"

Pagkatapos non ay hindi na nakapagsalita si Charles. Si Starbucks guy naman hinila na ako pabalik sa cottage. Hindi na ako muling tumingin kay Charles. Tama na 'yung sakit na binigay niya sa akin.

Papunta sa cottage ay nakasalubong namin 'yung mga lalaking napag utusan rin at 'yun kasama na nila 'yung anim na nawawala.

Diary, salamat talaga sa Diyos at nandito si Starbucks guy.

Good Night Diary. Sweet dreams!

Diary ni Ms. ParanoidWhere stories live. Discover now