Simula

46.8K 769 107
                                    

SIMULA

Ipinikit ko ang aking mga mata at bumalik sa simula, sa paraisong kinalakihan, kung saan ako bumuo nang mga pangarap bago pa naging bangungot ang lahat. Sa panahong maligalig ngunit masaya ang umaga, tahimik at payapa naman ang gabi. Sa panahong tanging bituin ang saksi kung gaano kadami ang mga pangarap na aking binuo.

Nakakainggit pero hindi ko maiwasang matuwa habang pinapanood ang mga batang masayang naghahabulan sa palaruang na katatayo lamang sa bahay ampunan. Ang iba ay nasa bakal na duyan at ang iba ay nagkukwentuhan sa kabilang banda.

Bakas ang katuwaan sa kanilang mga mukha kasabay ng hagikgikan at masayang tawanan sa tuwing maabutan nila ang isa't-isa. Palatandaan ng purong kaisipan. Ang kainosentehang inagaw ng mundo sa mga gaya ko.

Kung sana lang malaya ako noon, baka iba ang kinahinatnan ng lahat ngayon.

"Ate Vanna, anong iniisip mo?"

Kumurap ako nang ilang ulit saka ipinaskil ang ngiti sa aking mga labi.

Mapait man ang nakaraan, matamis naman ang kasalukuyan.

"Diba sabi ko sayo, kapag matanda ang kausap mo gagamit ka ng po at opo pakikipag-usap?"

Ngumuso ang paslit at ang singkit niyang mga mata ay kumikinang sa tuwing natatamaan nang sinag ng araw.

"Pero hindi ka naman matanda eh! Ang matanda, yung katulad ni Mother Eralda na masungit!"

"Aba, nangangatwiran ka na ngayon? Isusumbong kita kay Mother Eralda, naku papaluhurin ka nun sa munggo!"

Natawa ako ng mahina matapos manlaki ang singkit nyang mga mata at nagmamakaawang tumingin sa akin.

"Hindi na ako magsasalita ulit, Ate. Wag mo kong isumbong baka bugahan ako ng apoy."

Malambing siyang lumapit sa akin at nanguyapit sa aking leeg, parang nakayakap.

Nginisian ko siya at ginulo ang kanyang kulay tsokolateng buhok.

Si Ysa ay ulilang lubos. Sabi ng mga madre dito sa ampunan, halos anim na buwan pa lang sya ng iwanan sa may halamanan. Nakasuot daw ito ng damit na halos sira-sira at dahil walang impormasyong nakuha, pinangalanan na lang na Ysa at inalagaan.

Lumaki namang matalino, likas nga lamang na matabil ang dila kaya kinagigiliwan ng lahat kasama na ako.

"Pag iisipan ko."

Nalukot ang kanyang mukha bilang protesta pero hindi na nagsalita bagkus ay nagpaalam na makikipaglaro sa iba pang mga bata.

Sinulyapan ko ang orasan sa aking bisig bago nagpasyang tumayo.

"Mother mauna na po ako."

"Naku Vanna, salamat sa binigay mong mga damit at laruan tuwang-tuwa ang mga bata!"

"Wala po yun sister, minsan din po akong naging kagaya nila."

Lumambot ang ekspresyon ng matandang madre superiora at hinaplos ang pisngi ko.

"Proud kami sa narating mo, kahit ano pang ibato nilang masasama sayo tandaan mong nandito lang kaming lahat sa likod mo."

Ngumiti ako at niyakap ang matanda.

"Salamat po, Mother. Salamat po sa lahat. Kung wala kayo, wala din po ako. Utang ko po sa inyo ang meron ako ngayon."

"Wala kang utang, anak. Dun pa lang sa ginawa mo ang lahat para lumaban sa buhay, bayad na bayad ka na."

Isang mainit na kamay ang humaplos sa puso ko habang sinasalubong ang malamlam nyang mga mata.

"Sige po mother, hinihintay na ako ni Ken sa bahay."

"Aba, naku oo nga pala. Ang swerte-swerte ni Ken sayo."

"Swerte din naman po ako sa kanya."

Pagkalipas nang ilang saglit na paalaman ay lumakad na rin ako para hindi abutin ng sobrang dilim sa daan. Ang bagong bahay kase na nabili ko ay malapit lamang sa ampunan. Yun din ng gusto ni Ken para malapit lang kung pupuntahan.

Hindi ko na kailangang pumara ng jeep o taxi dahil tatlong kanto lang naman ang layo. Isinakto ko talagang magsuot ng racerback t-shirt at leggings para makapag jogging ako pauwi.

Hinubad ako ang hoodie na ipinantakip ko sa katawan para presko ang pagtakbo at nagsimula na sa malumanay na paghakbang.

May mga katulad ko ding nag jojogging sa paligid dahil maraming park sa paligid. Pinili kong dumaan sa mga parteng kaunti lamang ang tao hanggang sa makarating ako sa subdivision nang bagong bahay na binili namin.

Magalang na pagbati at ngiti ang isinalubong sa aking ng dalawang security guard kaya naman kampante ako habang papalapit sa bahay.

Isinuot kong muli ang hoodie pagkatapos ay dumiretso na sa pintuan. May mini garden ako sa harapan pero dahil walang gate ang mga bahay sa subdivision ay puwedeng sa pinto na agad kumatok ang sino man.

"Hi! Nakauwi na ako!" maligaya kong sambit nang makapasok sa tahanan.

"Ma'am Vanna, magandang gabi po!"

Nginitian ko si Erna, ang nag iisa kong kasambahay. Siya ang naiiwan dito sa bahay kaya tiwala ako sa kanya.

"Si Ken, nandito?"

"Nasa kuwarto nyo po ma'am. Nabored yata po paghihintay kanina sa sala."

Tinapik ko ang balikat ni Erna bilang paalam at dumiretso sa aking silid.

Ang pagod kong katawan mula sa ginawang pagtakbo ay biglang gumaan.

Ang makita ang taong kumumpleto sa buhay ko na nakahiga at payapang natutulog ay nagdulot sa akin ng hindi maipaliwanang na kasiyahan.

Umupo ako sa kama at hinaplos-haplos ang kulot niyang buhok.

"Salamat at dumating ka Ken..."

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon