Kabanata 58

13.6K 328 2
                                    

KABANATA 58 :: CAKE

Saglit pa akong napatanga sa kinatatayuan bago tuluyang makabawi.

Kumurap-kurap ako at naglihis ng mata. Panay ang kalabog ng lintik kong puso.

Kendi, baby asan ka na ba?

Halo-halo ang nararamdaman ko habang patuloy na naghahanap ay napasulyap ako sa buffet table partikular sa isang bultong nakatayo malapit doon.

Halos apat taon... Napakaraming nagbago at siguradong isa na doon ang pangangatawan niyang kung noon ay sexy na, ngayon kahit yata may button down long sleeve, ulam na.

"Ate, nahanap na po ni Kuya Kendrick si Kendi, nasa kusina po kasama si Sir Rod," agad na saad ni Erna nang sumulpot sa tabi ko.

Isang sulyap pa at saka ako tumalikod para pumunta sa kusina.

Tiwala akong hindi nagkita ang mag-ama dahil kung nagkataon tiyak na kokomprontahin ako ni Kleindro. Pero wala siyang ginawa kundi bigyan ako ng blangko ngunit mariing titig.

Halos hapo pa ako nang makarating kay Kendria na kasama ni Tito Rod para kumuha ng ice cream sa ref.

"Ken, baby... Uuwi na tayo okay?" marahan kong sambit ng makarating sa kanya.

Si Kuya ang dumiretso kay Tito Rod. Agad na tumango-tango ang matanda matapos itong bulungan ng anak.

Nakakaintinding tingin at pagtapik sa balikat ang isinagot niya nang magpaalam kaming aalis na.

Kinailangan pa naming sumabay kay Kuya Kendrick pauwi dahil nagwawala si Kendria, ayaw pa niyang umalis sa party. Gumawa kami ng alibi na masama ang pakiramdam ko pero hindi sya natigil kakaiyak.

Ang kotse ko ay naka convoy sa amin, minamaneho ng taong inutusan ni Kuya.

Nakatulugan na nga ni Kendi ang pag-iyak kaya ng magpaalam si Kuya na babalik sa party at mapag-isa kami ni Kendi sa kuwarto ay nakaramdam ako agad ng awa para sa kanya.

Gusto nya lang namang mag stay sa party dahil marami siyang kalaro doon, taliwas dito sa bahay na kami lang ni Erna ang nakikita niya.

"Ipapaliwanag ko din sayo lahat anak, ah... Hindi lang muna ngayon..."

Nakatulugan ko ang paghaplos sa bahok ni Kendria at matamlay pa rin siya hanggang kinabukasan kaya naman yun ang iniisip ko habang nagtatrabaho sa shop.

Natutulala ako sa opisina, nakailang tawag na din ako kay Erna para mangamusta ng lagay nila sa bahay pero pare-pareho lang ang sagot niya. Tahimik daw si Kendi at hindi masyadong kumain ng lunch.

"Che, may problema ba?" tanong ko ng masalubong si Cheryl pagkalabas ko ng opisina.

Ang ngiwi niya ay bahagyang napalitan ng ngiti pero bumalik din at namimilipit siya habang sapo ang tiyan.

"Nag e-LBM kase ako Ma'am, kaso madaming costumer hindi ako makaalis. Uuwi na sana ako."

"Ako na ang bahalang tumulong sa kanila, sige na umuwi ka na...."

"Talaga ma'am? Naku thank you po!"

"Uminom ka ng tubig ah, baka madehydrate ka. At kung hindi pa maayos ang kalagayan mo bukas, magpahinga ka muna," bilin ko pa bago siya magtatakbo patungo sa staff room kung saan siya nag-iiwan ng gamit.

Simula ala una hanggang alas tres ay abala kaming lahat. Dalawa kami ni Sheila sa counter para kumuha ng mga order. Habang lima naman ang naghahatid ng order kada lamesa, at ang iba ay nasa kitchen.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon