Kabanata 26

15.1K 319 12
                                    

KABANATA 26 :: MARKET

Dumating ang bodyguard dala ang isang maliit na first aid. Ointment ang inilagay ni Kleindro sa mga paso at nilinisan naman ng alcohol at cotton ang maliliit na cuts sa aking kamay.

"Palagi mo na lang ipinapahamak ang sarili mo," aniya ng matapos sa ginagawa.

Napanguso na lamang ako.

Gusto ko sanang ikatuwiran na wala kaming kakainin kung hindi ako magluluto pero alam kong hindi sya tatanggap ng ng kahit na anong rason.

"Charan!"

Sabay kaming napaligon sa pinanggalingan ng matinis na tinig at ganon na lamang ang pamumutla ni Paul. Ibinalik niya ang 'boyish' na tindig at saka balewalang naglakad patungo sa amin.

"Nandito na po ang almusal."

Inilapag niya ang niluto naming dalawa at halos mangamatis ang mukha ko ng maispatan ang ilang sunog na bacon doon, paniguradong ako ang may gawa.

Nang maayos niyang mailapag ang nga iyon sa harapan ay umayos siya ng tayo at kinindatan ako. Umangat ang gilid ng aking labi dahil alam kong nagpapaalam lamang siya para pagnasahan ang aking katabi.

Kleindro faked a cough kaya napasulyap kami sa kanya.

Ang mala agila niyang mata ay nakamasid kay Paul.

"Wala na kaming kailangan, makakaalis ka na."

Nanlaki ang mata ko bigla dahil para siyang robot na may switch. From caring to cold to brutal to arrogant.

Sa akin siya sumulyap kaya tumikhim ako at nagpakaabala sa paglalagay ng pagkain sa plato ko. Siya ang naglagay ng bacon bago inasikaso ang sariling plato.

"Wag mo nang kainin yung sunog..." maliit ang boses na pahayag ko.

"Bakit?"

"E-Eh kase..."

"Pinaghirapan mo ito. Kakainin ko."

Sumikdo ang puso ko habang pinapanood siyang punuin ng sunog na bacon ang kanyang plato.

Siya ang umubos ng sunog na ulam dahil ayaw nya nga daw na 'masayang' ang 'pinaghirapan' ko.

Matapos kumain akala ko ay didiretso siya sa opisina ngunit nagpunta siya sa kuwarto ni Manang kasama ko. Originally, ichecheck ko lamang ang matanda ngunit dahil kasama ko na si Kleindro ay isinuggest niyang magpatingin sa doktor ang matanda ngunit dahil wala palang check up sa ospital tuwing Linggo kaya ipinagpabukas na lamang.

"Ako na ang mamimili para sa bahay Manang, kulang din ang toiletries ko eh," agad kong presinta.

Nabanggit kase niya na kulang na ang supplies para sa bahay. Ngayon sana siya mamimili pero dahil masama ang kanyang pakiramdam ay hindi niya magagawa.

"Ha? Eh..." sumulyap si Manang kay Kleindro.

"Klein, isasama ko naman si Paul. Total busy ka, diba kahapon nagswimming tayo-"

"No. Sasamahan na kita."

Pasimple akong sumulyap kay Manang na nakamasid lamang sa aming dalawa, tila tinatantya din ang madilim na aura ni Kleindro.

"Ayos lang naman ako wag ka ng sumama, maababala ka pa- Hehe sige magbihis na tayong dalawa. Halika na," biglang bawi ko nang pangunutan niya ako ng noo.

Nagpaalam kami kay Manang at sabay na umakyat sa hagdan para magbihis.

Hindi natagalan ay pereho na kaming lulan ng kotse. May isang kotse na naka convoy sa amin ngunit nang makarating kami sa bayan ay nawala iyon sa likod.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon