Kabanata 80

16.9K 346 57
                                    

KABANATA 80 :: MOTHER

Nagising ako habang papasikat ang araw kinabukasan, tulog na tulog si Kleindro sa aking tabi dahil nakatulugan na namin ang pag-iyak kahapon.

Yakap-yakap niya ako kaya dahan-dahan kong iniangat ang braso niya at nang matagumpay kong maalis iyon ay dahan-dahan din ang pagbangon ko sa kama.

Nagpalit ako ng damit dahil gusto kong mag jogging. Matagal-tagal na rin kase simula noong huli akong mag exercise, kampante naman akong iwanan ang mag-ama.

Nagpalit ako ng isang racerback shirt at matchy blue leggings. Matapos kong isuot ang sneakers ko ay sinilip ko muna si Kendi na payapa pa ring natutulog sa kanyang kama.

Bitbit ang earphone at telepono ay nagtungo ako sa harapan ng bahay.

Malamig na simoy ng pang-umagang hangin ang sumalubong sa akin at kesa manginig ay sinimulan ko nang mag stretching habang nakikinig sa rock music na mas lalo pang nagpataas sa aking dugo.

Marahan lang ang pagtakbo ko at malakas ang aking loob dahil papasikat na naman ang araw at may buhay na mga lamp post sa paligid.

Binati ako ng rumorondang guwardya na kinawayan ko lamang. Umikot ako sa subdivision kasabay ng iba pang home owner na gusto ding mag ehersisyo, sa park nga ng subdivision ay umalingawngaw na ang malakas na zumba music dahil maaga pa lamang ay nandoon na ang iba karamihan ay mga nanay.

Tagaktak ang aking pawis matapos ang apat na ikot sa park, naaliw kase akong panuorin ang pagkembot ng mga nagsisipag-zumba.

Halos mapapalatak ako nang maalalang nakalimutan ko pala ang aking tubig at bimpo, tanging cellphone lang ang dala ko.

Tumayo muna ako di kalayuan sa mga nagsasayaw habang pinapakalma ang aking sistema, hindi ako pwedeng umupo habang pagod baka magka-foot cramps ako.

Napapitlag ako ng may isang ginang ang maglahad sa akin ng bottled water.

"Here iha, kanina pa kita napapansin. Gusto mong sumayaw kasama namin?" nakangiti niyang sambit.

Tinanggap ko ang tubig at nagpasalamat.

"Ah hindi po natutuwa lang ako ang saya nyo pong panuorin," ani ko at sinundan iyon ng mahinhin na tawa.

"Last month lang ako nagsimula at talaga ngang nakakatuwa. Maaga kami para hindi masyadong mainit ang sikat ng araw," kuwento niya, "Anyway nakita kita at yung asawa mo kahapon, dumating na pala sya? Dati kase ikaw lang at yung cute mong anak ang madalas kong makita."

"Ah opo, opo... Galing po sa ibang bansa," sabi ko na lamang.

Ngumiti ang matandang ginang.

"Kuu... Swerte mo naman iha, hindi lamang guwapo ang asawa mo inaalagaan pa ng husto ang anak ninyo."

Pinanindigan ko ang kasinungalingan. Nagkwentuhan pa kami saglit. Kung hindi pa siya tinawag ng zumba instructor ay baka hindi kami natapos.

Masayang kausap si Mrs. Velasco, isa siya sa pinakamatandang home owner dito sa subdivision at iisang street lamang ang mga bahay namin.

Naikwento niya nag kanyang mister na tanging kasama niya sa buhay dahil ang tatlo daw nilang anak ay lahat nangibang bansa nang makapagtapos sa kolehiyo. Bukod pa doon ay tuwang-tuwa siya kay Kleindro na hindi pa niya name-meet personally, nakikita lamang niyang kasama namin ni Kendi.

Hindi natagalan ay umalis na ako sa park. Sumenyas ako kay Mrs. Velasco para magpaalam at naglakad pabalik.

I checked my phone as I turn the music off, alas syete pa lamang naman pala, sana ay tulog pa ang dalawa.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon