Kabanata 38

12.8K 286 11
                                    

KABANATA 38 :: HOTEL

Pareho kami ni Claire na cluless sa nangyayari pero wala ding nagawa nang hilahin kami patungo sa kalapit na bar kung saan mas malumanay ang musika at hindi gaanong crowded.

"Salamat kuya!" ani Whiteney at nag flying kiss sa bouncer na nakapoker face.

Nakahanap kami ng table malapit sa dancefloor kaya naman sightseeing sa mga gwapong 'jowable' ang naging target ng mga kasama ko. Kanya silang hanap habang ako ay pasimpleng tiningnan ang phone ko para tingnan kung may mensahe bang bago.

"Kanina ka pa tulala..." untag ko kay Dairene na nakaupo sa aking tabi.

"A-Ah... May naisip lang..."

"Sino yung nakita natin sa dancefloor kanina sa kabilang bar- aray! Ang sakit mo sa atay babae ka!"

Sapo-sapo ni Bettina ang brasong kinurot ni Dairene.

"Sinong nakita nyo?"

"Sino pa edi yung... Ah hehe... Wala pala nakalimutan ko na," biglang bawi ni Whiteney.

"Sino?" ulit ko sa aking tanong.

Nagkibit-balikat si Claire habang pangisi-ngisi si Nariza.

"Kapag sinagot nyo kung bakit tayo lumipat ng bar, libre ko ang susunod na pitcher ng mojito-"

Hindi pa ako natatapos ay nakasagot na si Nariza.

"Yung Lawrence may kasayaw na iba kaya broken hearted si Dairene today! Opps..." madrama niyang tiningnan si Dairene na parang iritadong-iritado na sa aking tabi. "Sorry ses... Hindi kami tumatanggi sa libre..."

"Inuman na!"

Tinupad ko ang sinabi ko.

Nag order ako ng mojito para sa aming lahat. Pinasamahan ko na din ng nuts at barbecue.

"Hoy, okay ka lang?" kalbit ko kay Dairene habang abala ang iba sa pagkain na kadarating.

Nag order din sila ng pagkain dahil hindi pa daw nagdi-sinner si Nariza.

"Oo naman," ani Dairene at ngumisi pa sa akin.

Kahit hindi kumbinsido ay hinayaan ko na lamang siyang makisali sa kasiyahan.

Nang kalahati na lamang ang laman ng pitcher ay nagyaya silang sumayaw.

Sumama ako pero saglit lang dahil binalikan ko ang aking phone para tingnan kung may text ba si Kleindro pero gaya kanina, wala pa din. Baka abala sa mga kaibigan o hindi napansin ang phone.

"That mother fucking idiot! Lawrence shuta ka ang bobo mo talaga!"

Agad akong tumayo sa sofa para salubungin sina Claire at Whiteney na parehong nakaalalay kay Dairene habang naglalakad.

"Anong nangyari?" pabulong kong tanong kay Nariza.

"Hindi ko alam... Nakita namin humahagulgol na teh..."

Bumuntong hininga ako at naghanap ng tissue sa mga kasama.

Mayroon daw na dala si Bettina palagi kaya yun ng ibinigay namin kay Dairene na walang tigil sa kakamura kay Lawrence.

"Dai... Tama na, he's not worth it," pag alo ni Whiteney.

Ilang word of wisdom na ang binitawan namin pare-pareho pero panay lang ang inom ni Dairene ng alak, kasabay ni Bettina at Whiteney.

Tumigil na kami ni Nariza dahil parehong mababa ang alcohol tolerance namin habang si Claire ay may kasamang expat sa kabilang table.

"Shit sya! Pinagpalit ako sa pokpok! Look at me Whiteney! Look at me!"

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon