Kabanata 9

20.5K 468 50
                                    

KABANATA 9 :: BEAUTIFUL


"Nakaalis na si Kleindro?" tanong ko sa dalawang bodyguard na nakaposte sa ibaba ng hagdan.

"Maaga pong umalis. Pinapasabing may pupuntahan kayo mamayang hapon."

"Sinabi ba kung saan?"

Umiling siya kaya nagkibit-balikat na lamang ako.

Oh well... Pang ilang araw ko na ba dito ulit? Parang kelan lang at nakatulala ako sa fireplace habang nakasuot ng makapal na damit. Bihira akong lumabas lalo na kapag bagsak ang temperatura at heto ako ngayon sa napakainit na syudad. Hindi ko maimagine ang buhay na walang aircon.

"Nakahanda na po ang almusal sa garden," si Roy ang sumalubong sa akin nang akmang papasok na ako sa dining room.

"Sinong nagpalagay doon?" kunit noong tanong ko.

"Utos po ni Mr. Lavaigne."

Inikot ko ang mata at sumunod sa kanya palabas.

May stone pathway mula sa kitchen backdoor patungo sa gazebo na nakatayo sa mismong gitna ng garden.

Hindi ko pa pala nalilibot ang bahay.

Nagpasalamat ako kay Roy na agad namang dumistansya para hayaan akong kumain ng mapayapa.

Napatitig ako sa napakaraming pagkain na nasa aking harapan, pagkuwan ay sinulyapan ang damit kong parang hindi nababagay sa ganito kaengrandeng hapag.

Ang mga damit sa aking closet, kung hindi pormal ay sobrang init naman sa katawan. Hindi naman maaaring lingerie at nightgown ang suotin ko.

Oo nga pala nakalimutan kong magreklamo kay Kleindro tungkol doon.

Mukha ba akong nagsusuot ng turtle neck long dresses at sweatshirts?

Hinagilap ko ang cellphone matapos makailang subo.

Ako:

Nasa meeting ka pa?

Hindi pa ako nagdadalawang kurap ay nakatanggap na ako ng reply.

Kleindro:

Oo. Kumain ka na?

Ako:

Kumakain pa. Ang dami neto!

Kleindro:

Sinadya ko yan para magkalaman ka.

Napairap ako sa emoji niyang umiiyak habang tumatawa. Weird.

Ako:

Hindi ako tataba kahit isang letchon pa ang ipakain mo.

Kleindro:

Anong plano mo ngayong araw?

Ako:

Kahit ano. Uuwi ng Baguio.

Ibinaba ko ang cellphone at ang ubas naman ang pinagdiskitahan. Hindi ako sanay sa heavy breakfast.

Halos mapatalon ako nang biglaang tumunog ang aking cellphone.

"Oh? Diba may meeting ka?" salubong ko kay Kleindro.

Sa background ay dinig ko pa ang paghabol ng kanyang sekretarya bago pabalibag na isara ang pinto.

"Uuwi ka sa Baguio, Vanilla Leticia?"

Nailayo ko ang cellphone sa aking tenga dahil naninindig ang balahibo ko sa lamig ng kanyang boses.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon