Kabanata 82

15.7K 426 70
                                    

KABANATA 82 :: ELEVATOR

"Nag collapse ang La Vaignia Greece, the one Santorini. It's the reason why your husband is nowhere to be found. I don't know if he flew there but the news said there are five casualties habang nirerecue pa ang iba, pitong Filipino staff at dalawang guest pa ang nawawala."

Parang bombang sumabog iyon sa aking harapan.

He said it's all over the news, that incident is the headline of every newspaper today but how do I know? I don't read news nor watch television often.

I looked at him with disbelief.

The hotel what?! It's a six star hotel! Above every standard and... and that's impossible. Paano?

Bumangon kaagad ang pag-aalala ko kay Kleindro.

Disappointed ako na hindi siya umuwi gaya ng pangako niya o tumawag man lamang ngunit ngayong alam ko na kung bakit, mas nag-alala ako.

"M-Maraming sugatan?"

"Halos lahat ng nandoon nang mag collapse ang building. Unang nayanig ang function hall, may malaking international conference doon at sumunod naman ang left wing kung nasaan ang maraming VIP rooms."

Napahilot ako sa sentido dahil hindi ko na alam kung naiiyak ba ako o kinakabahan. Halo-halo ang nararamdaman ko na parang gusto ko na lamang mag shut down bigla sa mga nalaman.

Saglit kong ipinagpasalamat na matamlay si Kendria kaya imbis na ituloy ang pakikipaglaro kay Kuya ay nagkulong na lamang sa kuwarto, matutulog daw.

Natahimik kaming dalawa kaya napasandal ako sa sofa at kahit walang ginawa, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

Napakaraming tumatakbo sa utak ko ngunit pinakangibabaw ang kagustuhang alaming kung ayos lamang ba si Kleindro.

Pumikit ako nang mariin at saglit na sumigid sa aking ala-ala ang malungkot na ngiti ni Kleindro.

"Babalik ako. Kahit hindi mo ako hintayin uuwi ako sa inyo, sayo."

I want to cry because of frustration. I want to call him but I know I won't be contented with just his answer over then phone. Kahit sabihin niyang ayos lang, hindi naman ako makokontento. Hindi ako matatahimik sa salita lamang.

"Puntahan mo na."

Napadilat ako at saglit na dinungaw ang kapatid dahil parang bigla soyang nagsalita.

"Ako na ang bahala kay Kendria, I got this little sis," aniya na para bang nababasa ang nasa isip ko.

"A-Ano bang-"

"Punasan mo din pisngi mo, you I hate to see you crying," aniya at nag-iwas ng tingin sa akin.

Mabilis kong kinapa ang mukha at napamulagat nang makitang basa nga ang aking pisngi.

"Kuya... I'm not crying I just... Uhm..."

Nangangapa pa ako ng salita ay inirapan na niya ako.

"Nagbibihis ka ba o pupunta ka doon ng naka pajama?"

Yumuko ako para dungawin ang suot kong pantulog. Hindi pa talaga ako naliligo. Kung hindi niya sinabi, hindi ko maalala.

"Paano kung wala siya doon?"

"Paano kung nandoon?"

Natigilan ako bago mabilis na tumayo.

"Ikaw muna dito, Kuya."

Mabilis akong naghanda sa pag-alis. Naligo pa ako at nag blow dry ng buhok habang namimili ng susuotin.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon