Kabanata 78

16.1K 329 88
                                    

KABANATA 78 :: DREAM

BABALA PARA SA LAHAT

Ang kabanatang ito ay Rated SPG, hindi angkop sa mambabasa na edad 17 pababa. However kung makulit ka at hindi naniniwala sa babala gusto ko lamang sabihin na:

"Wag magpapahuli sa nanay, dahil paniguradong mapapalayas ka sa bahay."

Nagmamaganda,
Marya

***


"Selosa ka pa din pala?" pang-aasar ni Kleindro habang nagmamaneho pauwi.

Kung wala si Kendi sa kandungan ko ay baka kanina ko pa siya nasapak. Pasalamat siya at tulog na si Kendria.

Mula pa kanina sa grocery hanggang ngayon hindi siya maka move on nang tabigin ko ang isang babae, yung maputing babae na kausap niya.

"Shut up," I hissed in a low tone.

He grinned like an idiot and whistled happily.

Nababaliw na yata.

Nakarating kami sa bahay. Siya ang nag-akyat kay Kendi habang ako naman ay nanatili sa ibaba para maghanda ng hapunan.

I sniffed the arroma of onion and garlic and then smiled.

Hindi lamang pisikal na aspeto ang nag improve sa akin, pati na rin sa pagluluto. Kung dati ay disaster ang kusina kapag ako ang naroroon, ngayon ay nakakapagluto na ako ng hindi nasasaktan ang sarili.

It's a big improvement for me lalo pa at wala din naman akong ibang pagpipilian kung hindi matuto ng pwersahan. Sa pananatili ko sa orphanage, marami akong natutunan.

Speaking of orphanage, may mga fund raising event nga pala na inorganize sina Sister, halos makalimutan ko na.

Nakarecieve ako ng invitation kahapon, painting work shops para sa mga bata. Itatanong ko pa mamaya kung gusto ni Kendria, madalas naman kaming kasama sa mga events ng ampunan.

"Ang bango..."

"Ay anak ka ng singit na mabango!"

Sapo ko ang dibdib nang harapin si Kleindro. Dinuro-duro ko siya gamit ang mahabang sandok dahil abot-abot ang pintig ng puso ko.

For a brief moment I thought it stopped beating.

"Bakit ka ba naman kase nanggugulat? Paano kung inatake ako sa puso?" hindi napigilang bulyaw ko sa kanya.

He just chuckled at me.

"Galit kaagad? Gabing-gabi mainit ang ulo mo."

Iningusan ko siya at muling binalingan ang nilulutong adobo para mailagay na ang manok at iba pang rekado.

Kinailangan ko pa kaseng tunawin ang yelo sa manok, masyado iyong frozen kanina.

"Kamusta si Ken? Hindi ba nagising?"

"Don't call her that!"

Taas kilay ko siyang binalingan muli matapos takpan ang niluluto.

"Bakit naman? Ken, Kendi, Kendria. That's your daughter's nickname," kunot noong tanong ko.

Kaagad namang nagbago ang mapaglaro niyang ngiti. Nagsalubong ang kilay niya at madilim akong tiningnan na para bang may ginawa na naman ako kaya inis na inis siya.

"Basta."

"Okay. I'll call her whatever I want. For me she's, Ken," pang-aasar ko pa.

"Its sound like Kendrick damn it," he mutter under his breathe.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Where stories live. Discover now