Kabanata 71

15.2K 370 28
                                    

KABANATA 71 :: CRINGE

I rolled my eyes for the nth time. Nakailang labas at pasok na ako sa opisina dahil hindi ako makauwi. Kleindro is watching me like a crazy stalker.

Iritadong-iritado na ako dahil hindi hindi ako pwedeng umuwi, tiyak na susunod sya. Palagi pa namang nahihintay si Kendria sa doorway, tiyak na isang tingin ay malalaman nya.

At hindi ko hahayaang mangyari iyon. Over my drop dead gorgeous, sexy, awsome, brilliant, and all the good praises body

Napabalikwas ako sa pagkakaupo sa aking swivel chair nang makarinig ako ng tatlong sunod-sunod na katok mula sa nakasarang pinto.

"Bukas yan! Push the door," malakas kong sagot.

Sunod na lumitaw roon ang takang mukha ni Dallia. Kita kong nakapagpalit na siya ng damit dahil hindi na niya suot ang kulay baby pink na staff uniform.

"Miss? Naisara na po namin ang cafe magpapaiwan pa kayo?" tanong niya.

Oh shit! Ginabi na ako?

"N-No Dallia, naglilinis pa ba sa kitchen?" tarantang tanong ko.

"Patapos na din po sina Rara."

Tumango-tango ako habang hinahagilap ang mga gamit ko.

Muli kong isinuot ang blazer na suot ko kanina papasok, pantakip sa suot kong sweetheart neck tube top. I figured out na malamig pauwi dahil kagabi pa umaambon.

"Uuwi na ako, Dallia. Mauna na ako sa inyo naghihintay na si Kendi," paalam ko habang palabas sa opisina ko.

Ang mga staff na naglilinis at nagliligpit ng mga upuan at mesa ay kanya-kanyang paalam sa akin ganon din si Joryl na namataan kong nag mo-mop ng sahig.

"Bye everyone! See you tomorrow!" I cheered and left.

Halos mapamura pa ako habang nagdadrive pauwi dahil napansin ko ang isang Sedan na sumusunod sa akin. Ang mas nagpalakas ng kabog ng dibdib ko ay ang pamilyar na itsura niyon.

"Hindi sya yun, Vanna... Kalma ka lang baka kamukha..." I tried consoling myself.

Malapit na ako sa subdivision namin ay nakasunod pa rin ang pesteng sasakyan kaya dali-dali akong nag dial sa aking cellphone.

Nakailang ring iyon bago niya tuluyang sinagot.

"Erna? Erna hello?"

"Yes Ma'am?" parang antok pang sagot ni Erna sa kabilang linya.

"Erna nakatulog ka na? Sorry naabala yata kita."

"Wala yun Ma'am bakit po kayo napatawag? Hindi po ba kayo makakauwi? Uulan yata po."

Noon ko lamang napansin ang malalaking patak ng ulan sa salamin ng sasakyan. Halos hindi ko na yun napansin dahil hati ang atensyon ko sa kalsada at kay Erna.

"Pauwi na ako. Si Kendi gising pa ba?"

"Ay naku Ma'am tulog na po. Napagod kakalaro, gusto ngang maligo sa ulan eh. Bakit po?"

"A-Ah wala..."

"Ingat sa pagmamaneho Ma'am madulas na po ang kalsada."

"Yes Erna. And please kapag nagising si Kendi wag na wag mong papalabasin sa kuwarto, pauwi na ako."

I ended the call and focused on the road.

Tama nga si Erna, madulas na ang kalsada. Bago lumiko sa subdivision namin ay naipit pa ako nang bahagya sa traffic dahil may naaksidente raw na van sa parteng unahan.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon