Kabanata 12

19.8K 474 92
                                    

KABANATA 12 :: FAVORITE

Dinaig pa naming dalawa ang nasa prayer meeting dahil nadala namin ang katahimikan hanggang sa makabalik kami sa hotel. Balak ko pa naman sanang mamasyal pero dahil may toyo ang utak ni Kleindro, magpapahinga na lang muna ako at mag-iipon ng lakas dahil bukas na bukas ay maglilibot ako.

Hindi ko pa pala alam kung ilang araw kaming mananatili dito.

Nilingon ko si Kleindro para sana magtanong pero napalunok ako nang makitang kinakalas na niyang leather belt.

Umayos ako sa pagkakaupo sa kama at tinanggal na rin ang strap ng suot kong high heels.

Nang makapaghubad ng pantalon at pang itaas ay naaninag ko sa aking peripheral vision ang paglapit niya sa kurtinang tumatabing sa dingding at binuksan iyon. Ngayon tanaw na namin ang mga ilaw ng syudad sa kaliwa at payapang dagat sa kanan.

Hindi ko maiwasang isipin ang kanyang katawan na hindi ko matingnan. Nasa tamang posisyon ang mga muscle, isang tingin alam mong maayos na inalagaan.

Tinanggal ko ang pagkakatali ng aking buhok at pinasadahan iyon ng daliri.

Sinulyapan ko ulit si Klein na nagbuhay naman ng tv bago ako pumasok sa walk in closet. Konektado rin iyon sa banyo kaya hindi ako nahirapang nagpabalik-balik para maghilamos at magpalit ng pantulog.

Bigla tuloy akong nagdalawang isip kung magsusuot ba ako ng bra o hindi. Manipis ang suot kong pajama top at alam kong kahit hindi kalakihan ay babakat ang aking dibdib pero hindi naman ako sanay matulog ng may bra pakiramdam ko ay nasasakal ako.

Nang marinig ko ang mahinang pagkatok ay natataranta kong hinubad ang bra at nag aalangan pa sa paglabas.

Mabilis ang naging hakbang ko nang maabutan si Klein sa pintuan ng closet. Agad akong humiga sa kamat at isiniksik ang sarili ko sa makapal na comforter.

Naglakad siya palapit sa kama at nagtungo sa aking tabi. Imbis na humiga din sa espasyong para sa kanya ay naupo siya at sumulyap-sulyap sa akin at sa malaking LED tv sa harapan.

"M-Matutulog na ako. Goodnight!"

Madali akong tumalikod sa direksyon niya at nagpanggap na inaantok. Napakahirap pa namang magpanggap lalo na sa gaya kong walang talento sa pag-arte. Nakailang ayos ako nang higa dahil hindi ako tinatamaan ng antok. Naiisip ko pa lamang na baka nakatingin si Klein sa akin ay para na akong sinisilaban ng buhay sa kinahihigaan.

Makalipas ang ilang minuto sa wakas ay dinalaw na rin ako ng antok.

Nagising ako kinabukasan bago pa sumikat ang araw.

May kung anong nakadagan sa aking tiyan kaya agad kong itinaas ang makapal na kumot para tingnan kung ano iyon at halos mapatalon ako ng mapagtanto na braso at hita iyon ni Kleindro sa aking tabi.

Nahigit ko ang paghinga ng matitigan ang maamo niyang mukha habang natutulog. Ang kanyang mapulang labi ay bahagyang nakaawang, dahil doon ay mas naging kapansin-pansin ang panga niyang may magandang hugis. Mas nadepina rin ang mahaba niyang pilik dahil sa pagkapikit.

Sa aming posisyon ay para akong nanliliit sa bisig niya.

Napanguso ako at agad na kumurap-kurap.

Ang aga pa para tumulo ang laway mo Vanna!

Hindi ako makagalaw dahil natatakot akong magising siya kaya pumikit na lamang ulit ako at hindi namalayan ang muling paghila ng antok sa akin.

Parang nagulat pa ako nang sa muling pagmulat ng mata ay umaga na at mag-isa na lamang ako sa kama.

"Magandang umaga," nakangising bati ni Kleindro.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon