Kabanata 75

16.5K 356 31
                                    

KABANATA 75 :: CONFUSED

Gusto kong umangal pero hindi ko ginawa.

Somehow I got his point. We are technically 'still' married at kahit anong pilit ko hindi na mababago ang katotohanan na anak nya din si Kendria at may karapatan siya.

I don't wanna do that same mistake twice. Tama na ang tatlong taon na nagtatanong ang anak ko kung bakit wala ang tatay nya. Tama na ang tatlong taon na naghahanap ang anak ko ng kalinga mula sa totoong ama.

Pagod na akong maging immature.

"Ayokong tumira sa bahay mo kaya uhm..."

"I figured it out. Pinapadala ko na dito ang mga gamit ko," agap niya.

Napatanga ako sa kanya.

He what?!

So kahit pala pumayag ako o hindi anytime soon bubulaga na lamang sa pintuan ang mga gamit niya?

'Ah hindi rin prepared,' said a sarcastic part of my mind.

"Pero apat lang ang rooms dito sa bahay, yung isa kay Erna tapos sa amin ni Kendria. The last one was full of things, ginawa naming bodega," I paused, "Bakante yung left part ng wardrobe ko you can put your things there pero hindi ka pwedeng matulog katabi ako."

As if tatabihan ka nyan.

"What if our daughter wants a sleepover?"

A warm hand touched my heart causing ut to swell so bad.

'Our daughter,' I mentally echoed him.

"W-Well if that's the case we can. Pero in some days mag take turns tayo pagtabi kay Kendi. Ifi-figure out ko pa kung saan ililipat ang mga gamit sa bodega unless gusto mong matulog sa sala?"

His eyes lit in amusement.

"Still brutal aren't you?"

"Nag su-suggest lang Kleindro. Pwede rin naman na nandito ka sa umaga or-"

"No. Kung gusto mong wala ako dito, sumama kayo ni Kendria sa bahay ko."

"Okay dito na lang tayo," biglang bawi ko at hilaw siyang nginitian.

Why the hell I felt so comfortable? Parang mali eh. Parang hindi tama.

We had our lunch together na para bang madalas na naming ginagawa iyon.

Kendi loves the presence of her dad. Halos hindi ko nga sila mapaghiwalay kung hindi pa inantok si Kendi malamang ay naglalaro pa rin silang dalawa.

Medyo weird ang set up namin at hindi ko alam kung saan ba ito hahantong. He can't live in my house forever right?

Nakakatakot isipin na baka maisip ni Kleindro na bumuo ng sariling pamilya- bagong pamilya pero siguro naman lalaki din si Kendi at maiintindihan niyang hindi kami kagaya ng iba.

"Kape?" alok ko kay Klein nang makababa siya.

Siya kase ang nagbuhat kay Kendi paakyat nang makatulog ang bata sa sofa habang nanunuod kami ng noontime show. Naabutan kami ng ulan sa play house kanina mabuti na lamang at medyo huminto kaya nakatakbo kami pabalik sa bahay.

Tumango siya kaya agad akong nagpunta sa coffee maker para magtimpla.

Hindi ko alam kung iyon pa rin pero kabisado ko ang 'dating timpla' ng kape niya. The black and almost bitter coffee.

Sa sobrang tapang niyon parang gustong pumatay. Really. Nagtataka nga ako kung paano niya nakakayang hindi magpalpitate kapag umiinom niyon.

I'm not really a coffee person pero umuulan na naman sa labas at medyo malamig ang panahon.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon