Kabanata 51

13.4K 297 37
                                    

KABANATA 51 :: BAGUIO

Pinagsamang kaba at gulat ang dahilan kaya hindi ako nakagalaw kaagad dahil sumabog sa sahig ang mga bubog. Ni hindi ko matingnan kung nagkaroon ba ako ng sugat dahil sa labis na takot.

Hindi ako agad nakagalaw lalo pa nang tumaas ang emosyon ko kaya hindi ko napigilan ang paghikbi.

However the unkind woman just ordered her people to help me get up. Ni hindi sya nag-abalang tingnan kung ayos lang ba ako habang hindi mapakali ang mga inutusan niyang bodyguard para tingnan kung may sugat ba ako o ano.

I saw a small cut of glass in my palm dahil itinukod ko iyon sa sahig para makatayo. Naupuan ko rin yata ang ilang bubog at hindi ko alam...

"Wag ka nang mag-inarte dyan, itayo nyo sya baka magsumbong pa na inaapi ko," anang ginang sa walang amor na tono.

Sinubukan kong hanapin ang pag-aalala at simpatya sa kanya pero wala akong napala. Naupo siya sa mahabang na parang isang reyna at saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.

"I can't believe my so choose a bitch like you," aniya at binalingan ang mga tauhan. "Leave us alone. This is a sensitive matter."

Napalunok ako ng ilang ulit nang maglabasan sa pinto ang mga bodyguard. I even heard the door locked.

She stood up kaya naman sa takot ko sa presensya nya ay umatras ako kahit nanginginig ang tuhod.

Ang mata niya ay direkta sa akin dahilan para mas umigting nag kabang nararamdaman ko.

"Didiretsuhin na kita, Vanilla. Nalaman ko ang tungkol sa six months agreement ninyo ng anak ko at gusto kong iwanan mo sya."

Natulala ako sa narinig.

She what?

"You hear me? I want you to leave. Now," aniya na para bang hindi importante ang opinyon ko.

"H-How did you..."

Hindi ba at may non disclosure agreement ang...

"Importante pa ba yon? Ang mahalaga ngayon hindi ka naman pala totoong mahal ng anak ko kaya hindi ako mahihirapan sa pagpapaalis sayo."

"T-That's not true..." sambit ko sa nanginginig na boses.

Humakbang sya palapit sa akin kaya patuloy ako sa paghakbang papalayo hanggang sa maramdaman ko na lang ang malamig na pader sa likod ko.

"It's true dear. Akala mo ba lingid sa kaalaman ko ang pagkikita nila ni Mocha? Oh poor Vanilla, hindi naman nakakapagtaka na pinagpalit ka..."

I was taken aback by what she said.

So alam nya? Totoo nga?

I smiled bitterly. Of course!

Who wouldn't like Mocha? Don't be delusional!

"Do you think he will stop fucking other girls just because he's married to you?"

"S-Stop..."

"He won't. You can't tame him. This is not your fairytale"

"N-No... Stop Ma'am please..."

"Do yourself a favor. Get out of here before he throw you away like a garbage you are."

Sinubukan kong takpan ang aking tenga pero paulit-ulit na nag eecho ang sinabi nya. Nakadagdag pa sa aking kaba ang pagdaloy ng dugo mula sa palad ko.

"Do yourself a favor. Get out of here before he throw you away like a garbage you are."

"Get out of here before he throw you away like a garbage you are."

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon