Kabanata 18

16K 335 25
                                    

KABANATA 18:: PARK

Pinatay ko ang aking cellphone at ipinatong iyon sa aking hita.

"Wala yun, kaibigan lang."

Tumaas ang gilid ng kanyang labi at sarkastiko akong nginisian.

"Kaibigan ah."

Nanliit agad ang mata ko dahil sa iritasyon.

"Kaibigan nga! Bawal na ba akong makipagkaibigan-"

"Wala akong sinabing ganyan Vanilla Leticia."

"Pero bakit galit ka yata-"

"Ngumiti ka kase kapag kausap mo ang kaibigan mo!"

"Anong masama doon. Kaibigan nga eh, alangan naman na umiyak ako-"

"Nagseselos ako!"

Napipi ako sandali at hindi nakagalaw sa kinauupuan ko.

Marahas niyang inihilamos ang palad sa mukha at tinalikuran ako.

"A-Anong... H-Ha?"

Tangina nababaliw na yata ako. Hindi naman ako uminom ng alak?

"Wala. Tss..."

Dumaan ang ilang saglit na katahimikan. Napatitig lamang ako sa likod niya.

Tama ba narinig ko?

"N-Nagseselos ka?"

Hindi siya sumagot.

"T-Teka... Seryoso nga nagseselos ka?" di pa rin makapaniwalang tanong ko.

Namilog ang mata ko lalo pa at nagtalunan ang mga bulateng nasa tiyan ko. Pakiramdam ko ay susuka ako ng mga puso ano mang oras.

Malakas ang pintig ng puso ko kaya pinili ko na lamang huwag mag-usisa. Tuloy, napakatahimik namin habang naghahapunan.

"Papasok ka na sa trabaho bukas?"

Tumikhim siya at marahang tumango bago nagpatuloy sa pagkain. Ni hindi man lamang nag-abalang magsalita para sagutin ang tanong ko.

Napabuntong hininga na lamang ako at hinayaan ang katahimikan.

Nang matapos kaming kumain ay saglit akong nagpalipas ng oras sa terrace ng kuwarto habang si Kleindro ay sa opisina naman dumiretso.

Pumasok din ako sa loob bitbit ang wine na iniinom nang makaramdam ng lamig. Nagpasya akong hintayin si Kleindro pero nainip na ako at lahat sa kakascroll sa aking cellphone ay wala pang Kleindro na lumilitaw.

Kinabukasan, paggising ko ay siya rin ang una kong hinanap nang makalabas ng kuwarto. Ganon na lamang ang pagkadismaya ko nang malaman na nasa opisina na siya bago pa man lumiwanag.

Laylay ang balikat ko habang pababa ng hagdan.

Mabuti na lamang at hindi ako nagkapamali sa pagtapak ng makita ang nanay ni Kleindro na papasok ng bahay.

"Si Kleindro?" agad niyang salubong nang makitang pababa na ako.

"Magandang umaga po. Pumasok na po sa trabaho, maaga may aasyusin-"

"At hindi mo man lang naabutan dahil late ka na nagising?" taas kilay niyang putol sa akin.

Natigilan ako ng ilang saglit bago ipinagpatuloy ang pagbaba hanggang sa makarating sa harapan niya.

"Hindi naman po sa ganon... Sadyang maaga lamang po talagang umalis si Kleindro."

Umismid siya sa akin at nagtuloy ng paglalakad sa direksyon ng hapag.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon