Kabanata 74

15.9K 373 8
                                    

KABANATA 74 :: SELFISH

Napabalikwas ako nang bangon kinabukasan. For a brief moment hiniling ko na sana panaginip na lang ang lahat kagabi- kaninang madaling-araw, bangungot perhaps. Pero alam kong hindi.

It was all real.

Bumukas bigla ang pinto at napakurap-kurap pa ako nang pumasok doon nang magkasunod ang mga taong laman ng isip ko.

Nakaayos na ang buhok ni Kendria, mukhang nakaligo na gayon din si Kleindro suot ang kulay puting v-neck shirt. Hapit iyon sa bandang dibdib at tiyan kaya't bawat galaw ay nagsusumigaw ang kanyang mga mucles.

Napaiwas ako agad nang tingin nang magtama ang mga mata namin.

"Mimi! Breakfast in bed!" magiliw na pahayag ni Kendi.

Sumampa ang bata sa kama at nagtatalon pa doon.

"Anak don't jump, matatapon ang pagkain."

Napapitlag pa ako nang marinig ang boses ni Kleindro.

It was sweet yet authoritive bagay na nagpasunod naman kay Kendria. Tumigil siya sa pagtalon at nakangising naupo sa kama paharap sa akin.

"Ano yan?" tukoy ko sa bed tray na dala-dala ni Kleindro.

At hindi iyon nag-iisa, sa likod niya ay kasunod pa si Edna dala ang mas marami pang pagkain.

"Good morning Ma'am, may nagluto na ng breakfast mukhang mawawalan ako ng trabaho."

Napamaang ako sa sinabi ni Erna at nang masulyapan ko si Kleindro ay nakita ko ang multo ng ngisi sa labi nya.

He cooked?

Sinulyapan ko ang orasan sa dingding at nang makita kong alas nwebe na ay para akong nasampal bigla.

Late na ako nagising!

Well it's because of the chaos last night. I tried defending myself but then again, puyat din naman silang dalawa lalo na si Kleindro na hindi ko alam kung paano milagrong nagkasya sa maliit na espasyo ng kama.

Tatlong tray ang nasa kama at lahat iyon ay pawang may mga American breakfast.

Sinulyapan ko si Kendria na kabulungan ni Kleindro. Hindi kase siya kumakain ng kanin sa almusal kaya baka ayaw nya hindi lang makapagsabi.

"Si Ken mismo ang nag request ma'am, himala ano? Oh sya lalabas na ako at makakaistorbo sa damily time ninyo. Hihi excited na nga ang alaga ko," ani Erna bago tumalilis palayo.

Nagbubulungan pa din ang dalawa at pagkuwan ay humagikgik si Kendi habang si Kleindro naman ay ngingisi-ngisi sa anak.

"Mag-aayos lang muna ako saglit sa kabilang kuwarto, dito lang kayong dalawa," paalam ko.

"No Mimi! You look pretty pa din naman eh," nakangising sambit ni Kendi.

"I don't mind if I'm ugly, 'nak. It's just that pag morning kailangang mag maintain pa din ng hygiene," I explained softly.

"Dada is Mimi pretty?"

Napaubo-ubo ako bigla nang masamid sa sariling laway.

Wth Kendria? Don't put us in this situation please.

Katahimikan ang bumalot sa buong silid dahil hindi sumagot si Kleindro.

Bumangon ang iritasyon sa dibdib ko.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon