Kabanata 29

14.7K 337 23
                                    

KABANATA 29 :: VITALS

Isang magarang sasakyan ang sumundo sa amin at inihatid kami sa isang tower na may malaking simbolong LVGN. Pag mamay-ari ng pamilya ni Kleindro.

"May ime-meet ka dito?" tanong ko habang inaalalayan niya ako pababa sa sasakyan.

Inilingkis niya ang braso sa aking bewang at saka hinarap ang entrada ng gusali.

"This is our new home."

Laglag ang panga ko habang pilit pinaparehistro sa utak ko ang sinabi niya.

"Pero diba may bahay ka sa..."

"It's more convenient here, mas malapit sa trabaho. Hindi na kita kailangang iwanan sa bahay palagi, I can work from here."

Para akong nakalutang habang nilalagpasan ang mga empleyadong nadadaanan namin. Lahat sila ay panay ang pagbati sa amin.

Halos malula ako sa engrandeng disenyo sa bawat sulok ng pasilyong nilalakaran namin.

Napalunok ko ng makita ang repleksyon naming dalawa sa salamin ng elevator. Siya ay nakasuot ng button down gray long sleeves at kulay itim na pants habang ako ay nakasuot ng isang kulay pulang pant suit terno.

Mabuti na lamang at naisipan ko ding magsuot ng aviators gaya ni Kleindro kaya hindi ako naiilang kahit tumititig sa kanya.

Malaki din ang penthouse at may tatlong palapag. Ang master's bedroom ay nasa ikalawa kaya matapos akong itour sa unang palapag ay doon kami dumiretso.

"You'll come with me," aniya habang papasok kami sa silid.

Ako ay dumiretso sa isang malaking tukador doon kung saan nakapatong ang iba't-ibang makeup parephernalias para ipatong doon ang aking aviators.

Sa gilid ng aking mata ay naupo si Kleindro sa gilid ng kama habang hibububad ang suto niyang relo.

"Saan?"

"Sa charity ball."

Hinubad ko ang suot na pearl earings at inilagay iyon ng maayos sa maliit na drawer kung nasaan ang iba pang alahas.

"Formal?"

"Yeah."

Naupo ako sa isang upuan.

"Kelan?" tanong ko ulit habang inaalis naman ang strap ng suot ko na heels.

"Next Fiday."

"What?" muntik na akong mapatayo sa gulat, mabuti na lamang at naalala ko agad na iisang sapatos na ang aking suot.

Ibinaba ko ang parehong sapatos sa carpet at hinarap si Kleindro.

"Pwede bang ikaw na lang pumunta doon?"

Tumaas agad ang kanyang kilay.

"Bakit hindi ka sasama?"

Because my family is there, ayoko ng drama at eskandalo!

"W-Wala akong isususot," sagot ko na lamang habang pilit iniiwasan ang mapanuring tingin ni Kleindro.

Damn it sana pala nag enroll ako sa drama class. Sa lahat ng talento bakit pagsisinungaling ang wala ako?

"No problem, I already told my secretary to hire the best designer in town."

Oh shit.

"A-At wala akong alahas."

"Everything in this penthouse is also yours, we can shop more if you want-"

"Mapapahiya ka lang! Hindi ako magaling makisocialize Kleindro!"

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Where stories live. Discover now