Kabanata 81

15.8K 351 95
                                    

KABANATA 81 :: FVCK BUDDIES

Hindi kami masyadong nagtagal sa sementeryo dahil mainit na. Dumaan kami sa ampunan bago umuwi kaya naman tuwang-tuwa ang mga bata. Wiling-wili din si Kendria habang proud na ipinagmamalaki sa lahat ang ama.

"Vanna, anak..."

A gentle smile creeped on my lips when I saw Mother Eralda lying on her bed.

Huli na nang ma-diagnose ang kanyang breast cancer, late ang symptoms kaya stage 3 na nang makita.

Chemotherapy ang inirekomendang treatment kaya hindi lamang panlalagas ng buhok ang epekto, pati na rin ang panghihina ng katawan.

Gone is her strong and powerful aura. Mas pumayat ang matandang madre at halos hindi na nga makakilos kaya kailangang alalayan talaga.

"Mother... Kamusta na po?" tanong ko nang makalapit.

Naupo ako sa monoblock chair malapit sa kanyang kama at sinenyasan si Kleindro na pumasok matapos magnano sa matanda.

Nasa labas si Kendria, abala sa pakikipagtakbuhan kaya iniwanan na lang namin doon. Nagbabantay naman ang mga madre sa palaruan.

"Eto, matanda na. Sa awa ng Diyos ay buhay pa rin. Ikaw kamusta? Matagal kang hindi nadalaw ah..." aniya kahit putol-putol at paos ang tinig ay naintindihan ko pa rin.

"Mother Eralda, This is Klein po. Kendria's father..."

Sa aking peripheral vision ay kita ko ang pagbaling sa akin ni Kleindro at biglaang pagdungaw ng ngisi sa kanyang labi.

"Aba ito ba iyon? Ka-gwapong bata ano? Kamukhang-kamukha ni Ken..."

"Oo nga po eh," pag sang-ayon ko dahil totoo naman.

"Nice to meet you po," ani Kleindro.

Pareho pa kaming nagulat ni Mother Eralda nang yumuko siya para gayahin ang pagmamano ko kanina.

"Pasensya na po, wala man lamang kaming kahit anong dala hindi ko po alam na dito kami pupunta," aniya sa marahang na tinig.

"Ayos lamang iyon, anak. Alagaan mo ang Vanna namin ha? Mumultuhin kita kapag sinaktan mo pa iyan."

"Mother! Huwag po kayong magsalita ng ganyan, mag aapat na taon pa lamang si Kendria."

Kumirot ang puso ko kahit pa ngumiti siya.

"Aba mahirap na... Dapat bago ako mawala masiguro kong ayos kayo ni Kendria."

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Klein sa aking kamay.

Mariin kong kinagat ang aking labi para pigilin ang pagpatak ng luha.

Kitang pinipilit lamang niyang ngumiti para magpanggap na malakas kahit ang totoo ay kita ko ang pagod sa kanyang mga mata.

Kleindro looked at me tenderly and squeezed my hand tighter na para bang sinasabi na kung magbe-break down ako ay manghihina ang loob ng matanda.

Pagkagaling namin sa bahay ampunan ay nakatanggap si Kleindro ng tawag. Emergency daw sa opisina kaya inihatid nya muna kami sa bahay.

"Anak babalik din naman si Dada eh," pang-aalo ko kay Kendi na humihikbi pa habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ng ama.

"Mimi what if bumalik sya after three years ulit po?" tanong niya at mas lalo pang humikbi.

I sigh and hugged her tight.

"Babalik sya anak. We won't have to wait and hope again, I know he will keep his promise."

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon