Kabanata 20

16.8K 391 44
                                    

KABANATA 20 :: MOTHER-IN-LAW

Nagkunwari pa din akong tulog. Hindi ako dumilat hanggat hindi ko naririnig ang papalayong mga yabag. Nakarinig ako ng isang malalim na buntong hininga sa aking tabi kaya naman dahan-dahan akong nagmulat ng mata para tingnan kung sino iyon.

Ang madilim na mata ni Kleindro ang sumalubong sa akin. Matigas ang kanyang anyo.

"H-Hi..." sambit ko.

Nanunuyo na naman ang aking lalamunan.

Madali siyang kumilos at walang sabi-sabing inabutan ako ng tubig na isinalin niya mula sa isang pitsel sa lamesa di kalayuan sa hospital bed.

"Uminom ka muna."

Kinuha ko ang baso pero nakaalalay pa rin siya sa bawat galawa ko.

Inubos ko ang isang basong tubig at saka iyon ibinalik sa kanya.

"S-Salamat..."

Kinuha niya ang baso at tumayo para ibalik iyon sa mesa.

"Magpahinga ka muna, Vanilla."

Napanguso ako agad.

"Pero matagal na akong nagpapahinga..."

Ilang araw na ba ako dito at pakiramdam ko'y isang dekada na. Wala akong ginawa kundi matulog, sagutin ang doktor at kumain. Si Kleindro ay naabutan ko pag gising pero umaalis din.

Bumuntong hininga siya at bumalik sa aking tabi. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko kaya napatitig ako sa nag-iigting niyang panga.

Galit kaya sya?

"Si Roy, kamusta?"

Dumaan ang mahabang katahimikan. Nagtama ang aming paningin ngunit kataka-takang umiwas siya kaagad.

"Mabuti na ang lagay nya."

Muling bumalik ang malakas na kalabog ng puso ko.

"M-Marami bang nasaktan?"

Halos hindi ako makahinga ng maayos habang naghihintay ng sagot.

Saglit na lumamlam ang kanyang mata bago iyon naging blangko.

"May ilang sibilyan... Mga bodyguard at pulis."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi.

Ang sakit mula doon ay hindi matutumbasan ang sakit mula sa pinipiga kong puso.

"Klein... Sorry..."

Mas lalong tumindi ang paninikip ng aking dibdib nang tingnan niya ako gamit ang hindi mabasang ekspresyon.

Kahit nakahiga pakiramdam ko ay nanginginig ang aking tuhod.

"H-Hindi ko naman alam... Akala ko... Hindi kami magtatagal... Kaya..."

Hindi ko mahanap ang tamang salita.

Umamba ang butil ng luha sa aking mata lalo pa nang wala akong nakuhang reaksyon mula sa kanya.

I'm expecting him to tell me it's not my fault. Na biktima din ako gaya ng sinabi ni Jeff pero tama naman ang ina ni Klein. Kasalanan ko. Kahit itanggi ko, kasalanan ko. Kung hindi ako nagpumilit lumabas hindi mangyayari ito.

"S-Sorry Klein..." nabasag ang boses ko kaya tumingin ako sa puting pader para pigilan ang luha kong papatak na ano mang oras.

Alam kong wala akong karapatang mag-inarte.

"Hindi ko na uulitin, pasensya na... Palagi na lang kayong napapahamak dahil sa-"

Natigil ako sa pagsasalita. I was too stunned to speak.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Where stories live. Discover now