Kabanata 16

16.7K 351 3
                                    

KABANATA 16 :: CD

Napamulat ako nang mapagtanto ang ginagawa. Nahihilo pa rin pero nagawa kong agad na bumalikwas para makalayo sa kanya.

Gigil kong ginulo ang aking buhok at nagmartsya patungo sa banyo nang cycling shorts lamang ang suot.

Ini-lock ko ang pinto at sa hindi malamang kadahilanan ay tumulo ang luha ko.

Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin.

Dahil walang make up, mas litaw ang putla ng aking mukha. Nagmukha tuloy akong naglalakad na bampira.

Pinalis ko ang aking mga luha at naghilamos.

"Bakit ka ba umiiyak, Vanna?" mahinang tanong ko sa aking sarili.

Bakit? Hindi ko rin alam.

"Vanilla anong nangyayari sayo?" narinig ko ang pagkatok ni Klein sa pintuan.

Nanatili akong tahimik.

Anong nangyayari sakin? Aba malay ko. Baka yung whiskey? O baka dahil gutom na ako?

Sa walk in closet ako dumiretso dahil may pinto namang nagkokonekta doon at sa banyo.

Pumili ako ng isang flowy dress na sleeveless. Ang haba noon ay umabot sa taas ng aking tuhod. Hinayaan ko na lamang muna ang suot na tsinelas.

Ngayon gaga ka, paano mo haharapin si Kleindro?

Nakailang balik na ako sa pinto pero hindi ko iyon magawang buksan.

Pakiramdam ko ay nawala na ang tama ng whiskey sa sistema ko pero ang nararamdaman kong kahihiyan ay hindi na yata huhupa.

Akmang maglalakad ako para muling lapitan ang pintuan ay bumukas na iyon at pumasok si Kleindro na diretso ang titig sa akin.

"Sabi ko na nga ba at nandito ka."

Nag-iwas ako ng tingin. Kahit nanginginig ang tuhod ko ay sinikap kong humakbang para sana lagpasan siya pero maagap niyang nahawakan ang aking braso.

"L-Lalabas lang ako. Magbibihis ka ba?"

Kahit gustong-gusto ko siyang lingunin ay nanatili lamang na nasa kanyang sapatos ang tingin ko pabalik-balik sa akin. Mas gusto ko na yatang maglaho sa kinatatayuan o di kaya ay kumiripas ng takbo papalayo kung bibitawan niya ang aking braso.

"May problema ka ba?"

Mas lalong dumagundong ang kaba sa dibdib ko.

"W-Wala, bakit naman magkakaroon?"

Bumuntong hininga siya at binitawan ang aking braso. Doon ako nagkaroon ng lakas ng loob para tingnan siya pero nasalubong ko agad ang kanyang mata.

Magkasalubong na naman ang kilay.

"A-Ah sige lalabas muna ako, maghahanda lang ako para mamaya aalis na lang tayo."

Napasandal ako sa pintuan matapos kong isara iyon dahil habang naglalakad palayo ay ramdam ko ang titig ni Kleindro sa akin.

Mabagal akong naglakad patungo sa kama at doon naupo, paharap sa direksyon ng dagat.

Naengganyo akong silipin iyon kaya binuksan ko ang glass door na patungo sa teresa.

Agad na sumabog ang aking buhok sa hangin. Mainit ang sikat ng araw pero hindi ko iyon nararamdaman lalo pa at marahas ang paghampas ng malamig na hangin sa akin.

Ang kulay asul na dagat kumikinang sa bawat pag galaw dahil sa sinag ng araw.

Balang araw babalikan ko talaga ang lugar na ito at sisiguraduhin kong maliligo ako agad sa dagat.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon