Kabanata 10

21.2K 443 36
                                    

KABANATA 10 :: COMFORT ROOM

"Hmm.... Kase?"

Umilag ako pero walang silbi dahil madali nya akong nakulong sa mga bisig niya.

Nakasandal ako sa lamesang punong-puno ng mga make up tools at halos hindi makagalaw.

Malakas ang pintig ng puso ko dahil sa titig niyang tila kinakabisado ang bawat parte ng mukha ko.

"Tara na?"

Nalaglag ang panga ko nang kusa siyang lumayo sa akin.

Shit yakapin mo na lang kaya ako maghapon?

Kahit labag sa kalooban ay tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. Unang pagdadaiti ay ramdam ko na agad ang gaspang noon. Hindi pa siya nakontento dahil pinagsalikop pa talaga niya ang aming mga kamay.

Ngayon mukha na talaga kaming bagong kasal.

Halos irapan ko ang sarili dahil sa pangangarap ng gising. Anim na buwan lang at matatapos na ang lahat ng ito.

Inalalayan niya ako pasakay, gayon din pagbaba ng kotse at literal na nalaglag ang panga ko dahil sa bumungad na eroplano sa paningin ko.

"Private plane mo?" parang timang kong sagot kahit pa nakita ko na ang pagsaludo ng piloto sa amin nang makababa kaming pareho sa sasakyan.

Nagkibit-balikat siya at agad na inilingkis ang mga braso sa manipis na bewang ko.

Sabay kaming umakyat sa hagdan at kahit sanay sa karangyaan hindi ko maiwasang malula nang bumungad sa akin ang glamorosang kalooban ng sasakyan.

May walong upuan sa loob na parang lugar lang na pwedeng tambayan. Dalawang upuan magkatabi at may isang see through glass na lamesa lamang sa gitna at dalawa pang upuan. Ang makipot na pasiyo ang nagbubukod sa mga lamesa at upuan sa kabila na ganoon din ang ayos.

Sa bandang dulo ay may mahabang sofa na kakulay ng damit na suot ko at dalawa pang single couch.

"Nice plane," hindi ko mapigilang komento habang panay pa rin ang paninitig sa mga nakakamanghang bagay sa loob.

"Sa akin ang tingin..." napapaos niyang bulong at marahang hinawakan ang panga ko upang dahan-dahang iharap sa kanya.

"Hmm... Ang ganda dito," tanging nasabi ko para itago ang pagkailang.

Ang mukha namin ay malapit sa isa't-isa at kung dudukwang siya ay paniguradong maghahalikan kami.

"Nakakabaliw ka, Vanilla... Sobra..."

Nanlaki ang mga mata ko at sinulyapan ang apat na bodyguard na kanya-kanya nang iwasan ng tingin sa kanilang mga upuan.

Mukhang wala ngang pakealam si Kleindro. Pero nakakahiya sa mga bodyguard na kahit patay-malisya ay may nakikita ang bawat galaw naming dalawa.

Sakto naman na nag anunsyo ang piloto na lilipad na kami kaya inalalayan na niya ako para maupo. Magkatabi kami at ako ang nasa may bintana.

Abala ako sa pagtingin sa labas nang maramdaman ko ang kanyang kamay.

"Ikakabit ko lang seatbelt mo," aniya na para bang nababasa ang laman nang malisyosang isip ko.

Ilang saglit pa ay nasa himpapawid na kami at stable na ang paglipad ng eroplano.

"Excuse me, sir gusto nyo po ng wine?"

Marahas akong napalingon sa banda ni Kleindro.

Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang malanding tinig ng matangkad na flight attendant na siyang lumapit sa amin. May lalaki ding nag-aalok ng inumin sa mga bodyguard kaya bakit hindi na lang kaya sila magpalit?

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon