Kabanata 43

12.9K 292 2
                                    

KABANATA 43 :: DISGUISE

Matiwasay akong nakarating sa mall nang si Roy lamang ang kasama. Walang naging imik si Kleindro. Pinatay ko din ang cellphone ko para hindi ma-contact ng kahit na sino.

Napag-usapan namin ni Dairene na magkita na lang sa isang restaurant sa loob ng mall kaya doon ako dumiretso, syempre kabuntot si Roy.

"Hoy!"

Mula sa menu ay umangat ang tingin ko kay Dairene na mukhang intrigang-intriga na.

"May alalay ka?" tanong niya at inginuso si Roy sa kabilang table hindi kalayuan sa amin.

"Hayaan mo lang, ano kain na tayo?"

Nang dumating ang pagkain namin ay saka ko lamang naalalang simula dinner ay walang kalaman-laman ang aking tiyan.

"Ginugutom ka ba ni Kleindro?"

Nginisian ko na lamang si Dairene at binalikan ang pagkain kung bakit ba naman kase hindi ako kumain kagabi?

"Kamusta kayo ni Lawrence," I tried to open another topic habang kumakain kami ng dessert.

"Usual..."

"Ano ba ang usual?"

Yumuko siya at hinalo-halo ang multilayered ice cream.

"He's with someone else I think..."

"But... He picked you up last-"

Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang marinig ang mahina niyang hikbi.

"Inutusan lang sya ni Mommy, Vanna... Hindi nya naman talaga ako gustong pakisamahan eh, inutusan lang sya..."

Agad akong tumayo para ilapit ang aking upuan sa kanya. Panay ang hagod ko sa kanyang likod habang kinikwento niya kung paano niya sinabi kay Tita na gusto nya si Lawrence hanggang sa malaman niyang hindi naman pala genuine ang ipinapakita nito.

"I almost give my v card..." pabulong niyang saad habang walang patid pa din ang pagluha.

My jaw dropped.

"You mean..."

Mahina siyang natawa at binatukan ako.

"Aray! Mapanakit ka na ah!"

"Bagay yan sayo!" inilingkis niya ang braso sa braso ko at saka sumandal sa akin. "Kahit naman isang tambak ang boyfriend ko, hindi ako kaladkaring babae noh..."

"P-Pero nung college diba may kinekwento ka na mga dugyot na you know..."

"Aray ha! Dugyot talaga Vanna? Echos ko lang yun para maging cool ang tingin mo sakin."

Ako naman ang tumawa ng mahina at napaili g sa kalokohan nya.

"Cool ba yun? Akala ko talaga explorer ang best friend ko eh. My whole life was a lie pala."

"Nag eexplore naman ako, pero hindi pa sa part na yan."

"Bakit?"

"Ayoko lang," bumitaw siya at sumulyap muna kay Roy bago bumulong. "Kayo ba ni Kleindro?"

Kulang na lang masamid ako sa sariling laway.

"Dairene!"

"Nagtatanong lang," humagikgik siya.

Seems like the old Dairene is back.

Matapos mag dessert ay nag shopping naman kami at nagpa-massage. Libre ni Dairene kaya hindi na ako tumanggi, isa pa ayoko pa din namang umuwi.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon