Kabanata 35

14.1K 273 24
                                    

KABANATA 35 :: KIDNAPPED

May isang staff na lakas loob lumapit at iginiya kami sa VIP room sa second floor, naroon daw ang ina ni Kleindro at si Chelsea.

May isang parihabang lamesa sa gitna ng silid. Tatlong unipormadong waiter ang agad kong namataan. Sa malayong gilid ay isang lutuan kung nasaan ang isang chef at dalawang assistant nito, ekspertong nagluluto ng kung ano mang ise-serve sa amin.

"I'm glad nakarating kayo..." anang ina ni Kleindro.

Si Chelsea ay pormal ang maamong mukha kahit nakangiti. A real sophisticated and fine lady.

Pero napaawang ang aking labi nang nakita ang ayos nang lamesa.

Sa rectangular glass table ay magkaharap sina Madame Perla sa lamesa kaya kung uupo kami ni Kleindro, magkaharap din kami.

"Ma, ano ito?" alarmang tanong ni Kleindro.

Napatayo agad ang ginang at sa kabila ng kabang nabanaag ko sa kanyang mukha ay nakita ko pa din ang kanyang walang kamatayang pag ngiti.

"Anak, calm down... Hindi ba't gusto mong makabonding ko ang asawa mo? Heto na..." hinarap niya ako. "Ayos lang bang katabi mo ang mama, Vanilla?"

Kabado akong tumango-tango dahil may pagbabanta sa kanyang mga mata.

"A-Ah... Hehe o-opo opo, ayos lang..."

Agad na lumipad sa aking direksyon ang mapanuring mata ni Kleindro kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Bueno, bueno... Kanina pa kami ni Chelsea dito, maupo na tayo."

Hinayaan ko na lamang na igiya ako ng ginang paupo sa kanyang tabi habang si Kleindro ay halos padabog na umupo sa kanyang silya, katabi si Chelsea.

Hindi ba't close sila? Nahuli ko pa nga siyang ngumingiti sa telepono.

"I'm sure chef prepared the best on the menu!"

Ang ginang ang madalas na nagsasalita habang naghihintay kaming iserve ang kasunod ng appetizer.

Ang canape nga sa aking harapan ay halos hindi ko malunok. Bukod sa mukha iyong tuna o kung anong kulay peach na may sili, nakamasid si Madame Perla sa bawat galaw ko kaya ingat na ingat akong magkamali.

"Tita, kamusta na ang ibang branch ng La Vaignia? I hope mabilis ang recovery ng hotels," si Chelsea.

Kung may contest siguro sa pinakamalumanay na boses, panalo na siya. Sa pakikinig pa lamang parang gusto ko na agad matulog, tanghaling tapat.

"Kleindro will took over fully, months from now kaya siya ang pinagkatiwalaan kong umayos ng problema."

"Hmm... Pero hindi ba," sumulyap siya sa akin. "Nag honeymoon sila?"

Ngumisi ang ginang, sarkastiko.

"Even with the honeymoon, Kleindro is working right son?"

Tumikhim si Kleindro.

"Anong pinapalabas mo, Mama? May oras pa din ako para sa asawa ko. Secretary ko ang umasikaso habang nasa Greece kami, the reason why our honeymoon is delayed."

"W-Wala akong ibig sabihin doon, Klein- Ah... Chelsea iha, tikman mo itong shrimp soup masarap..."

"No Tita thank you, I'm allergic po sa sea foods specially shrimps."

Natigilan ang ginang pero nakabawi din naman kaagad.

"Oo nga pala, sorry nakalimutan ko. Ganito pag tumatanda na..." sinundan nito iyon ng tawa kahit wala naman akong nakitang katawa-tawa doon.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Where stories live. Discover now