Kabanata 21

17.2K 341 23
                                    

KABANATA 21 :: OCEAN

Nakailang balikwas na ako sa kama pero mailap pa din ang antok kaya bumangon ako para silipin ang kalagayan ni Kleindro. Nakahiga siya sa sofa, bagaman at malapad iyon ay hindi sapat ang haba para sa kanya.

I told him na puwede naman siyang matulog sa kama, sa tabi ko tutal kasya kami, pero tumanggi sya. Natatakot na baka magalaw na naman ng sugat ko.

Ang sabi ng doctor maghihilom din naman daw in one to two weeks. Malalim ang sugat at dahil huli na nang madala sa ospital ay mas mabagal daw ang paggaling niyon.

Tinitigan ko ang payapang mukha ni Kleindro habang natutulog.

Ang matapang niyang itsura kapag gising ay kabaligtaran ngayong natutulog siya. Gusto kong lumapit at haplusin ang kanyang pisnging may kaunti nang stubbles pero pinigilan ko ang aking sarili at nakontento na lamang sa pagtanaw sa kanya.

May kung anong mabigat ang biglang dumagan sa aking dibdib.

Malapit sya pero parang ang layo-layo nya na.

Yun ang laman ng aking isipan hanggang sa makatulog ako at magising kinabukasan.

Sabay kaming kumain ni Klein at pagkatapos ay saka dumating ang nurse para sa mga gamot na kailangan kong inumin.

Pumayag na silang idischarge ako matapos ang tatlo pang araw dahil hindi na kumikirot ang balikat ko at kundi dahil sa benda baka normal na ulit iyon.

"Dahan-dahan... Baka madapa ka," ani Kleindro na animo'y tatay na nagbabantay sa tatlong taong gulang na anak.

Wala akong narinig kundi ang pananaway niya at pagsusungit.

Vanilla wag kang tumalon-talon. Vanilla wag kang magmadali paglakad. Vanilla tingnan mo dinadaanan mo.

At sa di maipaliwanang na dahilan, ibis na mapikon ay naha-hypher ako.

Punong-puno ng saya ang puso ko. Dahil sa wakas matapos ang halos isang linggong pananatili ko sa ospital, makakalabas na din ako.

Kahit nakasimangot ay nagawa pa din akong pagbuksan ni Kelindro ng upuan. Siya din ang nagkabit ng seatbelt ko at hindi na ako umangal.

"Vanilla!"

Humagukgik ako at iwinagayway sa harapan nya ang isang sealed pang box nang condoms.

"Uy... Di ginagamit..."

Kita ko ang pangungunot ng kanyang noo habang pilit napopokus sa kalsada.

Siya ang nagmmaneho ng kanyang BMW, habang may dalawang itim na kotse png naka convoy sa amin- ang kanyang mga alagad.

"Gusto mo gamitin natin?" patuloy kong pang-aasar saka iyon sinundan ng pagtawa.

Kung ano-ano ang nakita ko sa dashboard kaya mas natuwa akong maghalughog. Si Kleindro naman ay walang magawa dahil nagmamaneho.

"Ano to?- Lubricant-"

"Vanilla Letecia Lavaigne!"

Nangilabot ako bigla hindi dahil sa takot kundi dahil sa kung anong naglulumikot sa tiyan ko patungo sa aking puso na hindi na naman mapakali sa pagdagundong.

Tumikhim ako at itinago ang nararamdaman sa isang ngisi.

"Para saa ba ang lubricant- Wag mong agawin Klein mababangga tayo!"

Nagtitili ako dahil isang kamay lamang ang ginagamit niya sa manibela ang isa ay inaagaw ang lubricant na pilit kong inilalayo.

Napanguso na lamang ako nang maagaw niya iyon. Hindi kase ako makagalaw ng maayos dahil sa sugat ko at seatbelt. Higit ding mas mahaba ang kanyang braso kaya madali niyang nahablot iyon sa kamay ko.

Six Months Agreement with Mr. Arrogant (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon