CHAPTER 3

179 8 0
                                    

Hindi ko namalayan na andito na pala kami ngayon sa isang madilim na mansyon.

Bakit dito niya ako dinala?

Dinala niya ako sa kwarto na sobrang dilim at pinaupo niya ako sa kama.

"Gusto kong umuwi."kinakabahan kong sabi kaya napatingin siya sa aking mga mata na walang emosyon.

Hindi niya ako pinansin at pumunta siya sa terrace kaya sinundan ko siya.

Kinuha niya ang bonet at sombrero niya.
Hindi ko parin siya makilala dahil nakatalikod siya sa akin ngayon.

Ayoko siyang makita.

Natatakot ako.

Baka hindi siya tao or ano.

Kaya bumalik ako sa kama at doon na ako umiyak ng umiyak.

"Uuwi na ako."iyak kong sabi.

At hindi ko na pala namalayan na nakatulog na ako dahil sa sobrang iyak ko.

Nagising ako sa isang malawak na kwarto.

Ngayon nakikita ko na ang kabuuan ng kwartong ito.
Tumayo ako sa kama upang hanapin ang lalaki.

Wala na siya rito.

Kaya dali-dali akong bumaba sa isang mahabang hagdan.
Grabe sobrang laki ng Mansyon na ito.
Maluma ang pagdedesenyo pero ang ganda parin.

Bubuksan ko na sana ang pinakamalaking pinto nang biglang may nagsalita mula sa aking likuran.

"Saan ka pupunta!"galit na sabi ng lalaki kaya napatingin ako sa kanya.

Nakabonet parin siya habang nakatingin sa akin at alam kong galit na galit ang lalaking ito.

"Aalis na ako."kinakabahan kong sabi.

"Simula ngayon dito kana titira!"galit niyang sabi sabay lapit sa akin.

"Hindi pwede! Layuan mo ako!"sigaw ko sa kanya kaya buksan ko sana ang pinto nang bigla siyang nagsalita na kinatahimik ko.

"Sige! Umalis ka at umuwi sa mga magulang mo kung gusto mong mawala sila sayo!"

Hindi ako makagalaw sa kanyang sinabi.

Ano ang gagawin ko?

Natulala akong nakatingin sa door knob ng pinto.

Lalabas ba ako sa Mansyon na ito o hindi?

Napatulo nalang ang mga luha ko.

Napatingin ako sa lalaki kung saan siya naroroon pero wala na siya.

Kaya umiyak nalang ako ng umiyak.

"Mama!"umiiyak kong sabi sabay upo sa sahig.

JHON POV

Andito ako ngayon sa Companya ni Demon Martinez.

"Trisha nasaan ang Boss mo?"tanong ko sa secretarya ni Demon.

"Nasa Office niya po Sir."sabi niya kaya pumunta na ako roon.

Nang nando'n na ako agad kong binuksan ang pinto at nakita ko siyang nakaupo.

"Bakit ka nandito?"walang gana niyang tanong habang nakatingin sa laptop.

Alam nya agad kung sino ang pumasok.

Haist!

"Gusto sana kitang makausap tungkol sa-"hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita.

"Wala na dapat tayong pag-usapan! Ako ang may ari ng companyang ito kaya dapat ako ang masusunod!"galit niyang sabi kaya tumahimik nalang ako.

"Pwede ka nang umalis!"galit niyang sabi kaya lumabas na ako sa kanyang office.

Haist! Ano ba ang lalaking 'yon bakit parang palagi nalang siyang galit.

Kaya pumunta na ako sa office nina Athena nang nando'n na ako.

"Nasaan si Athena?"tanong ko kay Alex habang nag-aayos ng mga documents.

"Hindi pa nga siya pumapasok Sir kahapon pa."sabi niya.
Ano na ang nangyari do'n?

Nakita ko siya kahapon at sigurado akong may problema siya.

Kamusta na kaya siya?

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now