CHAPTER 56

73 4 0
                                    

DEMON POV

"Apo pagbuksan mo ng pinto si Athena!"kinakabahan na sabi ni Lola sabay lapit sa akin.

Kaya tumakbo ako sa taas at may narinig akong nagriring na phone.

"Baka ano na ang nangyari sa kanya."parang naiiyak na sabi ni Lola.

Bakit parang kinabahan ako?

Kaya agad kong binuksan ang pinto at nakita ko siyang nakahandusay sa sahig na walang malay.

"Apo!"sigaw ni Lola sabay lapit kay Athena kaya agad kong binuhat si Athena upang dalhin sa Hospital.

Napatingin ako sa kanya habang nagmamaneho ako ng kotse.

Parang tutulo ang mga luha habang nakatingin sa kanya na walang malay.

"Apo bilisan mo!"umiiyak na sabi ni Lola habang yakap yakap si Athena.

Nakaraan ang ilang minuto andito na kami ngayon sa Hospital at agad dinala ng mga Doctor si Athena sa Operating room.

Kasalanan ko 'to.

Hindi ko alam ang gagawin ko parang iiyak na ako.

Ang bilis ng kabog ng aking dibdib.
Natatakot ako.
Ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

After mga ilang minuto lumabas ang Doctor at lumapit sa akin.

"Sir malala ngayon ang kalagayan ng Asawa at ng mga anak mo kaya dapat pumili na kayo kung sino ang dapat mabuhay sa kanila kasi wala na tayong oras."sabi niya kaya bigla ko siyang sinuntok.
Wala siyang karapatan na sabihin sa akin 'yan!

"HINDI BASTA-BASTA HAYOP ANG MAG-IINA KO UPANG PA PILI-IN MO AKO SA KANILA!"sigaw ko.

"I'm sorry Sir pero malaki na kasi ang butas ng puso ng Asawa mo."sabi niya kaya doon na tumulo ang aking mga luha.

Hindi ko kaya!

"Apo."umiiyak na sabi ni Lola sabay lapit sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Parang binagsakan ako ng langit at lupa.
Hindi ko kayang mawala ang kambal ko at si Athena.
No'ng nalaman kong buntis si Athena sobra akong naging masaya dahil magkakaroon na kami ng anak para hindi na siya mawala sa akin.
Pero bakit naging ganito ang sitwasyon namin.

Sobrang hirap pumili kasi pareho ko silang mahal na mahal.

Ngayon lang ako umiyak ng ganito.

Hindi ako ito.

Hindi ako umiiyak pero ang sakit sakit.

"Apo alam kong mahirap pero kailangan mo ng pumili."umiiyak na sabi ni Lola.

"Sir i'm sorry pero wala na talaga tayong oras, kailangan niyo na pong magdesisyon."sabi ng Doctor.

CLAIRE POV

Nakaraan ang isang araw andito ako ngayon sa condo nakahiga sa kama katabi si Garrel.

"Tapos na ang Athenang iyon!"galit kong sabi sabay tingin kay Garrel.

"Para lang sa kanya na mawalan kaya dapat maramdaman nila iyon!"sabi ni Garrel.

Pasinsya kana Garrel pero ginagamit lang kita upang makuha ko si Demon!

At kapag na buntis mo na ako sasabihin ko iyon kay Demon upang tuluyan na siyang mapapa sa akin.

Haha isa ka rin kasing t*nga walang kw*nta!

"Pero Claire siguraduhin mong pagkatapos ng paghihigante ko sa Demon na 'yon lalayo na tayo."sabi niya kaya ningitian ko siya sabay halik sa kanyang labi.

Haha nagpapauto.

"Syempre."nakangiti kong sabi.

At bigla nalang nagring yung phone ko kaya agad ko iyon kinuha sa table at sinagot ang tawag.

"Ma'am ibibigay ko nalang po sa inyo ang kailangan niyo."sabi ng kausap ko sa kabilang linya kaya napangiti ako ng sarkastiko sabay tingin kay Garrel at ngumiti rin siya.

Haha tapos kana Athena!
Kaya magiging akin na si Demon!

"Mabuti! Magkita nalang tayo!"sabi ko at binaba ko na ang tawag.

"Ano na ngayon ang plano mo?"tanong niya kaya tumayo na ako sa kama upang magbihis.

"Ang plano ko ay dapat patayin ang taong dikit na dikit sa akin! Iyon ay si Demon haha."sabi ko sabay tawa na parang dem*nyo haha.

"Tama 'yan!"sabi niya at ngumiti rin.

D'yan ka nagkakamali Garrel kasi ikaw itong dikit na dikit sa akin kaya gagawa ako ng paraan upang gamitin ka bago kita patayin.

At doon ko na talaga makukuha si Demon at maging masaya na kami.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now