CHAPTER 74

85 5 0
                                    

Andito na ako ngayon sa Airport hinahanap si Athena.

Lahat ng babae kasing puti at kasing tangkad niya tinitignan ko pero wala talaga kong Athenang nakita.

Hindi ko alam ang gagawin ko parang tutulo na ang mga luha ko habang hinahanap siya.

Hindi ko alam kung saan sila pumunta ni Deiven.

Kaya kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Yaya Esterlita pero ang sabi niya hindi raw sinabi sa kanila ni John at Athena kung saan sila pumunta.

Sobrang kaba ng aking dibdib habang iniisip ko ang mga sinabi ko sa kanya.

Hindi ko kayang mawala siya.

Mahal na mahal ko siya.

Sobrang dalawang oras ako naghahanap pero wala na hanggang naabutan na ako ng gabi.

Iniwan niya na ako.

Napatulo ang mga luha ko habang nasa loob ako ng kotse.
Sinuntok ko ang manibela ng kotse sabay tulo ng aking mga luha.

"Athena patawarin mo ako."umiiyak kong sabi.

"Sana mapatawad mo ako sa mga nagawa kong pagkakamali sa'yo, please balikan mo na ako."umiiyak kong sabi.

ATHENA POV

Andito na kami ngayon ni John  sa America.
Nilibot ko ang tingin ko sa isang bahay na sobrang laki.

Teka?

May bahay pala rito si John.

"Athena magpahinga kana."sabi niya at tumango nalang ako.

Habang nasa kwarto kami ng mga anak ko hindi ko maiwasang ngumiti ng mapait habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Mahal na mahal ko kayo mga anak ko."sabi ko at hinalikan ko sila sa noo.

DEMON POV

Maraming buwan at taon ang nakalipas heto ako ngayon hindi nagtitigil hanapin si Athena.
Pumunta na ako ng London, Korea at etc. Pero hindi ko parin sila mahanap.
Halos lahat ng lugar pinuntahan ko pero hindi ako susuko hahanapin ko siya kahit saan man siya magtago.

Wala akong pakialam kung ilang billion pa ang lalabas na pera basta mahanap ko lang si Athena.

Andito ako ngayon sa isang mall nag-iisa habang nakatingin sa bata kasama ang mga magulang nila.

Siguro kung buhay pa ang kambal na anak namin ni Athena siguro masaya na kami hanggang ngayon.

Bigla nalang akong may nakita na dalawang bata na nagtatalo  habang nag-aagawan ng toys.

"This is mine! Isusumbong kita kay Mommy!"sigaw ng batang babae.

Teka?

Magkambal silang dalawa?

Pareho kasi ng mukha.

"Sige isumbong mo, I'm not scared! Nand'yan naman si Daddy!"sigaw ng batang lalaki kaya napangiti ako ang cute nila haha.

"Daddy loves me too kaya akin na 'to!"parang naiiyak na sabi ng batang babae habang hinihila ang teddy bear.

Kaya lumapit na ako sa kanila at kinuha ang teddy bear kaya sabay silang napatingin sa akin na sobrang galit na galit.

Haha ang cute nila.

Kaya kinurot ko ang pisngi nila.

"Ouch! Isusumbong kita sa Mommy namin!"galit na sabi ng batang babae.

"Oo nga! You're bad!"sigaw ng batang lalaki.

Haha ang cute nila.

Kaya pumunta ako sa cashier upang bayaran ang toys at napalingon ako sa kanilang dalawa sumusunod sa akin.

Haha galit na galit grabe.

"Mang-aagaw ka! Kami nakauna 'yan eh!"galit na sabi ng batang lalaki.

Kaya umiyak na ang batang babae.

Naku nakakahiya marami na ang nakatingin sa amin.

"Bata huwag ka nang umiyak."natataranta kong sabi.

"Hala ka, I will tell Mommy and Daddy that you made my sister cry!"sabi ng batang lalaki kaya napatingin ako sa kanya.

At bigla nalang akong may narinig na isang familiar na boses.

"Ice."

Napatingin ako kung sino.

Si

Athena kasama si John.

At nakita ko sa mga mata ni Athena ang pagkagulat nang makita ako.

"Demon."sabi ni John.

"Mommy, he took that teddy bear from us."sumbong ng batang lalaki sabay lapit kay Athena at lumapit din ang batang babae sa kanya.

"Athena mauna kuna kayo sa kotse."sabi ni John at tumango naman si Athena at umalis na sa harap namin kasama ang dalawang bata.

Teka?

May anak sila?

Paanong naging kambal ang anak nila?

"Matagal ko ng hinahanap si Athena nandito na pala kayo sa Pilipinas."sabi ko at nakita kong napangiti ng sarkastiko si John.

"Hinahanap? Akala ko kasal na kayo ni Claire?"tanong ni John.

"Hindi ko siya pinakasalan! Kaya pwede ba John ibalik mo na si Athena sa akin!"galit kong sabi.

"Ako ang mas nauna sayo kay Athena kaya pwede ba Demon bumalik kana kung saan ka galing, kasi kami ni Athena at ang mga anak ko tahimik na kami na nagsasama!"galit niyang sabi at tinalikuran ako kaya napayukom ang aking kamao.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon