CHAPTER 55

73 2 0
                                    

Andito na ako ngayon sa Mansyon at agad kong nakita si Demon galit na galit sa mga katulong.

Kaya napatingin siya sa akin at nakikita ko sa mga mata niya nag-aapoy ito sa galit.

"Saan ka pumunta?!"galit niyang tanong sabay lapit sa akin pero hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa kwarto namin.

Habang siya naman sunod na sunod sa akin.

Nang nando'n na kami sa kwarto agad niyang nilock ang pinto.

"SAAN KA GALING?!"sigaw niya pero hindi ko parin siya pinansin kaya bigla niyang hinawakan ang aking braso ng sobrang higpit.

"BITAWAN MO AKO!"sigaw ko.

"NAGTATANONG AKO SAYO! SAAN KA GALING?!"sigaw niya kaya bigla ko siyang sinampal.

"KAY JOHN BAKIT? IKAW KAMUSTA KAYO NG CLAIRE NA 'YON?!"sigaw ko kahit masakit na ang dibdib ko na parang hindi ako makahinga.

"NAKIPAGKITA KA KAY JOHN!?"sigaw niyang tanong at mas hinigpit niya ang paghawak sa braso ko kaya doon na tumulo ang aking mga luha.

"BAKIT DEMON! ANO BA ANG KASALANAN KO SA'YO BAKIT MO AKO GINAGANITO! SIGE PATAYIN MO NA AKO! HINDI BA IYAN ANG GUSTO MO!"sigaw ko habang umiiyak.

"MALAPIT KA NANG MANGANAK KAYA KUNG GUSTO MONG LUM*NDI HINTAYIN MONG MAKALABAS NA ANG MGA ANAK KO KASI HAHAYAAN NA KITA SA MGA GAGAWIN MO!"sigaw niya at tama nga.

Anak lang talaga ang habol niya sa akin.

Wala talaga siyang pakialam.

"IKAW ANG NAKIPAGL*NDI-AN DEMON! AKALA MO HINDI KO ALAM NA NAKIKIPAGHALIKAN KA SA CLAIRE NA 'YON!"Sigaw ko habang umiiyak kaya bigla niya akong binitawan.

"Bakit? Nagulat ka kasi alam ko kung ano ang ginawa mo!? Alam mo ang malaking pagkakamali ko ay yung minahal kita na hindi naman sana!"sabi ko sabay tulo ng aking mga luha at bigla niyang binasag ang vase sa table.

"Minahal kita kahit pinatay mo sina Mama at Papa! Pero anong ginawa mo sa akin ha! Binuntis mo ako kahit alam mong may sakit ako para ano! Para mamatay ako! Mabuti pa nga si Claire nakikita 'yang mukha mo samantalang ako hindi! Sana si Claire nalang ang binuntis mo hindi ako!"umiiyak kong sabi at doon na ako umagulhol.

"Sana pinatay mo nalang ako noon kung ano man ang secreto na tinatago mo!"umiiyak kong sabi at lumabas na siya.

Wala na talaga siyang pakialam.

Alam kong maging masaya siya kapag mawala na ako sa buhay nila ni Claire.

DEMON POV

Andito ako ngayon sa sala at nagulat ako sa sinabi ni Athena.

Paano niya nalaman ang tungkol sa nangyari kanina?

Hindi ko alam kung bakit sinabi ko 'yon kay Claire kanina basta ang pumasok lang sa isip ko ang galit ko kay Athena noon at kung paano ako mahalin at suportahan ni Claire noon.

Nagulat ang mga katulong ko nang bigla ko nalang sinuntok ang dingding.

"BUW*S*T!"sigaw ko sa sobrang galit kaya napayuko nalang ang mga katulong ko dahil alam na nila kung paano ako magalit.

CLAIRE POV

"Mabuti nalang naglagay ako ng Phone sa Office ni Demon upang makita ni Athena ang Video namin haha." sabi ko habang tumatawa.

"At sigurado akong nag-aaway na ang dalawang 'yon!"sabi ni Garrel.

Haha ano ka ngayon Athena haha sige lang magalit ka para atakihin kana naman ulit.

Haha mas mabuti nga 'yon para mawala kana sa buhay namin ni Demon.

"Claire."sabi ni Garrel sabay tingin sa akin.

"Bakit?"tanong ko.

"Alam mo matagal na kitang gusto."sabi niya kaya nilapitan ko siya sabay upo sa heta niya at ngumiti.

"Kung gusto mo ako, dapat gawin mo ang mga bagay na nagpapasaya sa akin, tulad nito."sabi ko at ngumiti naman siya bago ko siya hinalikan sa labi.

ATHENA POV

Habang umiiyak ako parang bigla nalang sumikip ang aking dibdib.

Kaya hinawakan ko ito.

Hindi ako makahinga.

"Tu..long.."nauutal kong sabi habang hinahabol ang aking paghinga.

Kaya pumunta ako sa pinto pero hindi ko iyon mabuksan.

"De..mon.."nauutal kong sabi ang sakit-sakit ng dibdib ko para akong nalulunod.

At doon na ako nawalan ng malay.

JOHN POV

Andito ako ngayon sa Mansyon.
Napatingin ako sa phone ko upang tawagan si Athena.

Teka?

Bakit nagriring lang.

Busy ba siya?

"Athena sagutin mo naman."kinakabahan kong sabi.

As in kinakabahan talaga ako parang may naramdaman akong hindi maganda para kay Athena.

Nakapagtataka talaga kung sino ang nagsend sa akin ng video na 'yon.

Hindi naman si Claire.

Pero sigurado akong si Claire iyon at may inutusan lang siya.

"Sana okay kalang Athena."sabi ko.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now