CHAPTER 85

78 5 0
                                    

ATHENA POV

Gabi na at nandito ako ngayon sa kwarto nina Ice at Nic.
Nakahiga ako kasama ang dalawa kong anak na natutulog.

Napahawak ako sa tiyan ko sabay ngiti.

Alam ko kay Demon ang batang ito.
Dahil no'ng ginahasa ako ni John mayroon ako no'n.

Ang baboy niya!

Hindi man lang siya naawa sa akin.

Napatingin ako sa terrace at may nakita akong taong nakatayo roon.

Kaya tumayo ako sa kama upang lapitan kung sino 'yon.

Nagulat ako nang makita ko si Demon.

Naka hoodie jacket siya na itim .

"Anong ginagawa mo rito?!"galit kong tanong sa kanya habang siya naman masama ang tingin sa akin.

Tiningnan ko ang mga anak ko at mabuti nalang mahimbing ang tulog nila.

"Demon umalis kana! Alam mo namang nandito si John!"galit kong sabi sabay tulak sa kanya at bigla niyang hinawakan ang aking tiyan na kinagulat ko.

"Alam kong buntis ka at sigurado akong akin 'to."sabi niya sabay tingin sa akin.

"Hindi ba wala namang may nangyari sa inyo ni Deiven?"tanong niya.

Hindi ako makapagsalita sa kanya.
Kaya napayuko nalang ako sabay tulo ng aking mga luha.

Alam kong sa kanya ito ang bata na dinadala ko.
Pero nasasaktan ako dahil sa ginawa sa akin ni Deiven.

"May ginawa ba siya sayo?!"galit niyang tanong kaya pinilit ko nalang ang sarili kong tumango.

"BUW*SIT!"galit na galit niyang sabi.

Pupuntahan niya sana si Deiven mabuti nalang na pigilan ko siya.

"Please Demon huwag!"mahina kong sabi habang umiiyak baka kasi may maka rinig sa amin mahirap na.

"Bakit Athena! Bakit hindi mo sinabi sa akin na ginahasa ka niya!"galit niyang sabi habang hawak hawak ko naman ang kamay niya nang sobrang higpit.

"Please Demon maawa kana man sa akin at sa mga anak ko! Alam kong kapag may ginawa ka kay John magagalit ang mga anak ko sa akin at sayo! Kaya kong tiisin ang lahat ng nga pananakit ni John sa akin pero ang hindi ko makaya na makikita kong nasasaktan ang mga anak ko dahil sa sarili nating kaligayahan."umiiyak kong sabi at bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit.

"Sumama kana sa akin kayo ng mga anak ko."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Oo inaamin ko Demon anak mo itong dinadala ko kaya sana maintindihan mo naman ako."umiiyak kong sabi.

JOHN POV

Andito ako ngayon sa pinto at rinig na rinig ko sa loob na nag-uusap sina Demon at Athena.

Kaya napayukom ang aking kamao.

So anak pala ni Demon ang dinadala ni Athena!

At alam na ni Demon na anak niya sina Ice at Nic.

"Athena kaya kong patayin si Deiven! Kaya please sumama na kayo sa akin!"galit na sabi ni Demon.

Diyan ka nagkakamali kakambal ko!

Kasi ikaw kayang-kaya kitang patayin pati na ang mga anak mo!

"Huwag Demon! Alam mo naman malulungkot ang mga anak mo kapag ginagawa mo 'yon."umiiyak na sabi ni Athena.

Sige lang Athena!

Lumandi ka sa Demon na 'yan kasi tutuluyan na talaga kita!

ATHENA POV

"Athena mag-isip ka nga! Sinasaktan kana ni Deiven! Kaya please sumama kana sa akin!"galit na galit niyang sabi kaya tumango nalang ako.

Wala na akong magagawa.

"Magkita nalang tayo."sabi ko.

"Ngayon na tayo aalis."sabi niya na kinagulat ko.

"Demon hindi pa maintindihan ng mga anak ko ang mga nangyayari kaya hahanap muna tayo ng time."sabi ko.

"Pe-"magsasalita na sana siya nang bigla kong hinawakan ang kamay niya.

"Please sana maintindihan mo, huwag kang mag-alala magsasama rin tayo ng buo."nakangiti kong sabi kaya ngumiti rin siya sabay halik sa aking labi.

At umalis na siya.

Napatingin ako sa mga anak ko na natutulog.

"Patawarin niyo ako mga anak ko pero ginagawa ko naman ito para sa inyo at sa bago niyong kapatid."sabi ko sabay hawak sa aking tiyan at bigla nalang bumukas ang pinto na kinagulat ko.

Si John.

Nakatingin sa akin at hindi ko mababasa ang reaction niya.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now