CHAPTER 6

152 7 0
                                    

Tumakbo ako papunta kay Sandro habang bilis na pagtibok ng dibdib ko.

Akala ko hindi niya na ako guguluhin bakit sinusundan niya parin ako.

"Ten okay kalang?"nag-alalang tanong ni Sandro sabay himas ng aking likod hindi ko na pala namalayan na nakayakap na ako sa kanya.

"Nandiyan siya."kinakabahan kong sabi sabay tingin sa kanya habang tinuturo ang salamin kung saan ko nakita ang lalaking nakabonet.

"Sino?"tanong niya.

"May nakita ako r'yan kanina lumabas na tayo."naiiyak kong sabi.

Ayokong kunin ulit ako ng lalaki at natatakot ako na baka saktan niya kami ni Sandro.

Lalapitan na sana ni Sandro kung saan tinuro ko ang salamin dahil bigla ko siyang hinawakan sa kamay.

"Lumabas na tayo please."umiiyak kong sabi at mabuti nalang tumango siya at dali-dali akong lumabas habang siya naman ay sumusunod sa akin.

"Ten ano ba ang nangyayari sayo?"naguguluhan niyang tanong habang sumusunod sa akin.

"May trabaho pa tayo baka mapagalitan tayo ni Boss."sabi ni Sandro kaya napatingin ako sa kanya.

"May nakita ako kanina sa loob! Kaya maniwala ka sa akin huwag muna tayo roon bumalik dalikado!"galit kong sabi sa kanya.

"Baka guni guni mo lang 'yon Ten at saka imposible na mayroon ditong papasok baka ako 'yon naka reflect lang sa salamin."sabi ni Sandro sabay hawak sa kamay ko.

"Pero-"magsasalita na sana ako nang bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit.

"Huwag kang matakot andito naman ako hinding-hindi kita pababayaan."sabi niya sabay tingin sa akin kaya tumango nalang ako.

At lumapit sina Jessa at Julius sa amin habang nagtatawanan.

"Saan kayo galing?"tanong ni Sandro sa kanila.

"Wow magkayakap pala kayo ang sweet niyo naman haha."sabi ni Jessa.

"Oo nga."sabi ni Julius.

"Tara na sa loob."sabi ni Sandro kaya heto ako ngayon sumusunod sa kanila.

Hindi 'yon guni guni o malikmata ko.
Totoo yung nakita ko.

Binabantayan parin ako ng lalaking 'yon.

Gabi na at andito ako ngayon naghihintay ng taxi gabi na kasi natapos nagtrabaho nakakapagod nga.
Habang nakatayo ako sa gilid hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina.

Hindi ko maintindihan kung bakit ito nangyayari sa akin.

Hindi ko na pala namalayan na mayroon ng taxi sa harap ko.
Lutang na siguro ako nito ano ba 'yan Athena.

Kaya pumasok na ako sa taxi upang umuwi sa bahay.
Nang nando'n na ako agad na akong pumasok sa bahay.
Teka?
Nasaan sina Mama at Papa?

"Ma."sabi ko.
Bakit ang dilim?
Hindi naman ganito ng umuuwi ako tuwing gabi.

Nang buksan ko na ang ilaw bakit ang gulo ng bahay?

Teka?
Anong nangyari sa mga magulang ko?

"Papa! Mama!"sigaw ko at dali-dali akong pumunta sa kwarto, kusina at cr wala sila roon.

Kaya doon na sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.

Napatingin ako sa ding-ding namin at doon ako may nakita na nakasulat gamit ang dugo.

"Kung gusto mong puntahan ang mga magulang mo pumunta ka kung saan kita dinala! Huwag na huwag kang magsumbong sa mga Pulis kasi hindi mo ako kilala! Hinding-hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa mga magulang mo!"

Umiyak nalang ako ng umiyak.
Hindi ko alam ang gagawin ko.

Natatakot ako baka ano ang gawin niya sa mga magulang ko.

Kaya dumiretso ako sa Mansyon ng lalaking 'yon.
Malayo sa mga bahay ang Mansyon niya at parang kagubatan na nga iyon.

Nang nando'n na ako sa Mansyon niya agad kong binuksan ang pinto at nakita ko agad sa harap sina Mama at Papa nakaupo sa upuan habang nakatali ang mga paa at kamay nila sa isang pader.

"Anak!"umiiyak na sabi ni Mama.

Lalapit na sana ako nang biglang may nagsalita mula sa taas kaya tumingala ako at doon ko nakita ang lalaking nakabonet sa taas habang nakatingin sa akin.

"Bakit mo kinidnap ang mga magulang ko!"sigaw ko sa kanya sabay tulo ng aking mga luha.

Kaya humakbang na siya pababa ng hagdan at habang humahakbang siya papalapit sa akin mas lalong kumakabog ang aking dibdib.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon