CHAPTER 17

115 6 0
                                    

Habang nagsasalita ang Boss namin hindi maiwasang kiligin ng mga katabi ko.
Ngayon lang kasi nilang nakita ang Boss namin kahit nakamaskara siya.

"Kahit may takip ang face ni Boss alam kong gwapo siya."kinikilig na sabi ni Sheena.

"Oo nga."sabi ni Jessa.

"Ikaw miss Robert anong masasabi mo sa ginawa niyong project?"tanong ni Boss kaya heto ako ngayon natulala na.

"Magsalita ka!"galit niyang sabi at bigla kong naalala ang boses ni Demon.

Siya ba ito o ang pekeng Boss?

"I'm sorry Boss hindi po kasi ako-"hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita.

"Baka iba yung inaatupag mo kisa sa trabaho! Hindi Mall ang companya ko kaya dapat alam mo ang mga sasabihin mo sa mga tanong ko BAGO ka humarap sa akin! At saka sana huwag ka nalang pumasok!"galit niyang sabi kaya yumuko nalang ako sa sinabi niya.

Okay na sana na ako lang mag-isa kaso marami kaming kasama.
Nahiya ako sa mga sinabi niya sa akin.

"I'm sorry Boss kasi si Athena ang nagtype ng mga documents kaya hindi siya nakapaghanda."sabi ni Trisha kaya napatingin si Boss sa kanya.

"Walang excuse sa akin! Umalis na kayo sa harap ko at ikaw miss Robert magpaiwan ka!"galit niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.

"Lagot ka talaga."bulong ni Jane at lumabas na sila.

After 2 minutes na katahimikan namin ng Boss ko.

"Nandito ngayon si Joseph Carpio."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit? Alam mo na pala?"sakastiko niyang tanong sabay talikod sa akin at nakita ko ang tattoo niya sa leeg.

Si Demon itong kaharap ko ngayon.

"Kilala mo naman siya hindi ba? At saka hindi ko na siya kailangan sa companya ko!"galit niyang sabi kaya napatayo ako sa upuan ko at hinarap siya.

"Aalis na ako Bo..ss."nauutal kong sabi.

Nakakatakot siya.

"Wait! May ibibigay lang ako sa'yo!"galit niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya at nagulat ako nang may kinuha siya sa kanyang bulsa at 'yon ang bracelet na naiwan ko sa loob ng cr sa office niya.

"Mukhang nagpaiwan ka pa talaga ng ikakapahamak mo!"galit niyang sabi sabay lagay ng bracelet ko sa mahabang table.

"Hindi akin 'yan!"madali kong sabi kaya tumawa siya ng sarkastiko.

Pumunta siya sa loptop niya at pinaharap iyon sa akin at may pinindot siya kaya nakita ko ang pagpasok ko sa loob ng office niya at kung paano ko pinakailaman ang mga gamit niya kaya bigla nalang kumabog ng sobrang lakas ang aking dibdib.
Nakakatakot.
Kaya lumapit siya sa akin habang umaatras ako papunta sa pinto habang siya naman ay nanatiling nakatingin sa akin.
Nagulat nalang ako nang bigla niyang nilock ang pinto sa likod ko habang kaharap ko na siya ngayon.

"Anong gagawin mo!"kinakabahan kong sabi habang pinipilit umalis sa harap niya pero ang mga kamay niya nakakulong sa akin.

"Kilala mo na ba kung sino ako?"tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi kita kilala at saka Boss kailangan ko nang umalis!"sabi ko at nakita kong tumawa siya ng mahina buw*sit Athena nakakatakot na talaga.

"Bakit ka pumasok sa office ko?!"galit niyang tanong.

"Wa..la lang po Bo..ss"kinakabahan kong sabi kaya bigla niyang nilalapit ang mukha niya sa leeg ko.

Anong gagawin ko.

Parang iiyak na ako sa takot.

"Alam kong kilala mo na kung sino ako! At alam mo ang resulta ng mga ginagawa mo!"galit niyang sabi kaya bigla nalang tumulo ang aking mga luha.

Bigla ko nalang naalala sina Mama at Papa baka may gagawin siyang masama.

Kaya agad kong pinahid iyon at tumingin siya sa akin.

"Aalis na po ako.."kinakabahan kong sabi at pinakawala niya ako sa mga kamay na nakaharang sa akin at doon na ako lumabas habang siya naman ay nakatingin sa akin.

Habang naglalakad ako papunta sa cr sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.

Ano na ang gagawin ko! Natatakot na ako baka may gawin siyang masama.
Nang nando'n na ako sa cr agad akong napatingin sa salamin habang umiiyak.

"Gusto ko nang umuwi ng bahay namin! Natatakot na ako!"umiiyak kong sabi.

"Mama, Papa namimiss ko na kayo!"umiiyak kong sabi.

Na bigla nalang ako nang biglang bumaliktad ang sikmura ko at parang nasusuka ako at mabuti nalang merong lababo sa gilid at doon ako tumakbo upang sumuka pero wala namang may lumalabas.

After ilang sigundo bigla nalang natauhan ang utak ko sa nangyari at gulat akong napatingin sa salamin.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora