CHAPTER 41

85 5 0
                                    

Hinawakan niya ang kamay ko sa pagkakahampas sa kanya habang nakikita ko na tumutulo ang mga luha niya na nakatingin sa akin.

"Sige, ano ang gagawin ko upang hindi kana magalit at hindi mo na gawin 'yon sa sarili mo?"mahina niyang tanong kaya napatingin ako sa kaiiyak.

Totoo ba itong narinig ko?
Kaya binitawan niya ang kamay ko at tumayo siya upang tumalikod sa akin.

"Layuan mo na ako at ang anak natin! Huwag mo na akong lapitan at lalong-lalo na tigilan mo na 'yang walang kwenta mong pagmamahal sa akin!"sigaw ko sabay tulo ng aking mga luha at nakita ko na napatango ang ulo niya.

Wala akong pakialam kung sinasaktan ko man siya ngayon.

Hindi niya nga na isip na sinasaktan niya rin ako!

At gagawin ko ito para sa kapakanan ng anak ko!

"Please! Kung totoong mahal mo ako layuan mo naman ako! Kasi hindi kita mahal! Niluko mo lang ako!"umiiyak kong sabi habang sunod-sunod na pagtulo ng aking mga luha.

"Kahit masakit na hindi kita makakasama gagawin ko ito dahil sa'yo at sa anak natin basta ipangako mo sa akin huwag ka nang magpakamatay, kasi makayanan kong lumayo sa'yo pero kapag mawala ka hindi ko 'yon kaya."sabi niya habang nakatalikod sa akin at rinig na rinig ko ang boses niya na umiiyak.

"Ibigay mo nalang kay Claire ang pagmamahal mo sa akin siya ang karapat dapat sa pagmamahal mong 'yan."sabi ko sabay yuko.

"Noon ilang ulit kita initindi ng paulit-ulit, binigay ko lahat ng gusto mo at ngayon kaya ko rin 'yon ibigay sa iyo ng paulit ulit kasi Athena mahal na mahal kita."sabi niya sabay alis kaya doon na ulit tumulo ang aking mga luha.

Bakit napakasakit?

Ano ang ibig niyang sabihin?

May nakaraan din ba kami ni Demon?

Hindi ko maintindihan!

Pero sinungaling siya!

Hindi na ako maniniwala sa kanya, okay na nakita ko ang album na 'yon at 'yon ang nagpapatunay na si John ang totoong magmamahal sa akin.

Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla nalang itong kumirot ng sobrang sakit na parang hindi ako makakahinga.

Para akong hinihika.
At pumasok ang Nurse kaya nilagyan niya ako ng Oxygen.

"Ma'am okay na po ba kayo?"tanong niya kaya tumango nalang ako.

Bakit ako kinabahan.

Hindi lang kasi ito ang time na nanghina ang puso ko.

No'ng buhay pa sina Mama at Papa nangyari rin ito sa akin.

DEMON POV

Andito ako ngayon sa kotse umiiyak.

"Demon! Hindi kana niya mahal kaya dapat mo lang siya layuan!"mahina kong sabi habang sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.

Pero bakit hindi ko kaya?

Mahal na mahal kita Athena pero bakit hindi mo kayang ibigay sa akin ang pagmamahal na binibigay mo kay John?

Ginawa ko naman ang lahat upang magustuhan mo ako noon pero ang kambal ko talaga ang palagi mong kinikwento sa akin.

Gano'n na ba talaga siya ka importante sa'yo?

Selos na selos ako tuwing nakikita kitang kasama siya pero nasasaktan ako kapag nakita kitang sinasaktan mo ang sarili mo.

Inaamin ko Athena sinasaktan kita pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko magselos sa ibang lalaki.

Kasi bakit mo 'yon ginagawa sa iba, bakit napapangiti ka ng ibang lalaki samantalang ako galit na galit ka.

Kaya pipilitin ko nalang ang sarili ko na lumayo sa iyo.

Tama ka si Claire na siguro ang babaeng nararapat sa akin.

ATHENA POV

Nakalabas na ako ngayon sa Hospital at binayaran na si Demon ang lahat ng gastusin ko.

Tatlong araw na ang nakalipas andito na ako nakatira sa bahay namin dati.

Napatingin ako sa tiyan ko na malaki na at bigla ko nalang naalala si Demon.

Bakit parang namimiss ko siya?

Bakit hindi na siya nagpapakita sa akin?

Kamusta na kaya siya?

"Athena ano ba itong iniisip mo!  Syempre hindi na iyon magpapakita dahil sa sinabi mo! Ang tanga mo talaga!"galit kong sabi sa aking sarili.

At hindi ko na pala namalayan na tumutulo na ang aking mga luha.

"Bakit hindi ako sanay na wala ka?"tanong ko sa aking sarili sabay pahid ng aking mga luha.

Ano ba ang ginawa mo sa akin?

Kahit hindi mo pa pinapakita ang mukha mo sa akin bakit parang mahal na kita.

Pwede mo namang ipakita sa akin ang mukha mo dahil nakita ko naman iyon sa litrato.

Ano ba ang meron sa mukha mo Demon?

"Athena tama na! Hindi kana mamahalin ni Demon kaya please tigilan mo na ito!"galit kong sabi sa aking sarili.

Nagulat nalang ako nang bigla nalang nagring yung phone ko na binigay ni Lola dahil kailangan ko raw ito sabi ni Demon.

Si Lola lang ang nagbibigay ng mga kailangan ko rito pero si Demon hindi na talaga siya nagpapakita sa akin.

Kaya agad kong sinagot ang tawag.

"Hello."sabi ko.

"Mrs. Martinez ako po ito si Doctor Michelle Alperez."sabi niya sa kabilang linya.

"Bakit po Doc?"tanong ko sabay kuha ng baso at ininom iyon.

"Mrs. Martinez gusto ko lang sana sabihin sa iyo na may sakit ka sa puso."sabi niya kaya bigla ko nalang na bitawan ang baso na hawak-hawak ko kaya nabasag iyon.

"Mrs. Martinez okay lang po ba kayo?"nag-alalang tanong ni Doctor Michelle habang ako naman ay tulala sa kanyang sinabi.

Hindi ako makapagsalita.

Meron akong sakit sa puso?

"Misis?"sabi ni Doc.

"Paano po nangyari iyon Doc?"tanong ko.
Nagpacheck up kasi ako bago lumabas sa Hospital at ngayon lang siya tumawag.

"Mrs. Martinez hindi mo ba alam na mayroon kanang sakit no'ng bata ka? At saka sigurado akong nakakaramdam ka lagi ng panghihina sa paghinga."sabi niya.

"Ano po ang dapat kong gawin?"tanong ko.

"Dapat mas lalong madaling panahon po maagapan natin ang pagamot mo dahil mas lalong lumalaki ang butas ng iyong puso."sabi niya.

"At hindi ko po maiipangako sa iyo Mrs. Martinez sa panganganak niyo dahil sigurado akong pwede itong ikapahamak niyo ng anak mo." Sabi niya kaya doon na tumulo ang aking mga luha.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now