CHAPTER 67

71 4 0
                                    

JOHN POV

Tinitignan ko si Athena habang siya ay na natutulog.

Kinuha ko ang ilang hibla niyang buhok sa kanyang na nakatakip sa kanyang magandang mukha.

I'm sorry Athena pero kailangan kong itago ang mga anak mo kasi kapag nalaman mong buhay silang dalawa sigurado akong babalikan mo si Demon at iiwan mo ako.

Kaya dapat makuha kita!

FLASHBACK

"Deiven hindi ba may pupuntahan tayo ngayon? 1st anniversary natin kaya dapat kasama kita."malungkot na sabi ni Athena habang hinahawakan ang aking kamay.

Pero importante rin naman ang pupuntahan namin ng mga ka team ko.
Ano kaya ang gagawin ko.

"Promise mamaya pupuntahan kita hintayin mo lang ako sa park."sabi ko.

"Pero sure ba na pupunta ka?"tanong niya kaya tumango nalang ako sa kanya habang nakangiti.

Kaya ayon pumayag na siya hayyss ang bait talaga ng Girlfriend ko.

Maraming oras ang nakalipas hindi ko talaga na puntahan si Athena dahil importante talaga na nando'n ako sabi ng coach ko.

At mabuti nalang nando'n si Demon sa bahay kaya humingi ako ng favor sa kanya na puntahan si Athena sa park kaya ayon pinuntahan niya kaagad.

Pinagalitan niya pa nga ako dahil ngayon lang ako tumawag sa kanya baka mapano raw si Athena roon.

Bakit ganyan nalang siya makaprotekta kay Athena samantalang ako ang Boyfriend.

Kaya ayon isa sa mga dahilan kung bakit palagi kaming nag-aaway ni Athena na hindi ko siya sinisipot pero mabuti nga naman kasi mahal niya talaga ako kahit marami akong pagkakamali sa kanya.

END OF FLASHBACK

Hindi ako papayag na mapunta ka ulit kay Demon!
Kahit ikinasal kayo noon ako parin ang mahal mo!
Kaya dapat ako lang ang mamahalin mo hindi ang Demon na 'yon!

Kaya pasinsya talaga Athena kasi hindi ko talaga sasabihin sayo na nasa akin ang kambal mo.

CLAIRE POV

Andito ako ngayon sa labas ng Mansyon ni Demon kausap si Garrel.

Buw*s*t talaga ang lalaking ito napakatigas ng ulo.

"Pwede ba umalis kana muna baka makita ka pa rito ni Demon!"galit kong sabi habang pinagtatabuyan siya.

"Sumama kana sa akin! Malaki na ang tiyan mo kaya ako ang dapat na mag-aalaga sa'yo dahil anak ko 'yan!"galit niyang sabi sabay hawak sa akin nang sobrang higpit pero agad ko iyon kinuha sa kamay niya.

"Pwede ba Garrel umalis kana! Magkita nalang tayo sa condo ko! Doon tayo mag-usap!"galit kong sabi at tinalikuran ko na siya.

Haist!
Nakakainis ang lalaking 'yon!

Kailan pa kaya siya mawawala sa buhay ko para maging happy ending na kami ni Demon.

At mabuti nga na hindi na si Athena nagpaparamdam kaya heto ako ngayon maga-an ang kaluoban ko kasama si Demon.

ATHENA POV

Andito ako ngayon sa companya bumalik na ako sa trabaho.

Ayaw sana ni John dahil baka makita ko lang dito si Demon pero ang sabi ko sa kanya na pupunta lang naman ako sa companya upang magtrabaho.

Hindi ko alam kung ano kami ngayon si John pero parang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.

"Athena na miss ka talaga namin."masayang sabi ni Julius kaya ngumiti nalang ako sa kanya.

"Announcement!"sabi ni Trisha kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"11am pupunta tayo mamaya sa meeting room may sasabihin lang si Boss sa atin."sabi niya.

"Oh my ano kaya ang sasabihin ni Boss?"tanong ni Jessa.

"Malalaman natin 'yan mamaya."sabi ni Julius.

11am andito na kami ngayon sa loob kung saan kaming lahat nagmemeeting.

Nang makapasok na si Demon at Claire sa loob na aksidenteng nagkatinginan kami ni Demon kaya agad ko naman iniwas ang aking tingin sa kanya.

Pagkatapos ng meeting agad na kaming na si paglabasan.

"Akala ko si Athena ang asawa ni Boss iyon pala si Miss Claire kasi magpapakasal na sila."sabi ng isa kong kasama.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang nakita ko silang magkasama.

9:30pm na nang gabi kaya heto ako ngayon nag-aayos upang umuwi na.

Haist mabuti nalang andito si John kaya heto sumabay na ako sa kanya.

"Athena please doon ka nalang sa mansyon huwag ka nang magtrabaho."sabi niya.

Tama kaya siya?

Kasi sa tuwing nakikita ko si Demon at Claire nasasaktan ako at saka ayokong sabihin ni Demon na gumagawa lang ako ng paraan upang pansinin niya.
Kaya heto pumayag na ako sa gusto niya.

Naghahanap nalang ako ng ibang trabaho.
Kaya bukas na bukas aayusin ko ang mga documents ko upang magresign na doon.

Maaga akong gumising upang pumunta sa companya habang dala ako ang resignation letter ko.

Kaya andito na ako ngayon sa harap ng pinto sa office ni Demon.
Kumatok na ako at pumasok sa loob at agad kong nakita si Demon may kausap sa phone.

Nang binaba niya na ang tawag agad siyang napatingin sa akin.
Pero bakit parang natutunaw ako sa mga titig niya.
Pakiramdam ko kakainin niya ako ng buhay.

"Bakit ka nandito?"tanong niya kaya agad kong binigay sa kanya ang resignation letter ko upang permahan niya.

Hindi man kang siya nagdalawang isip o di kaya nagtanong sa akin kasi agad niya iyon penermahan.

"Ito! Umalis kana."sabi niya at bigla nalang may tumusok na karayom sa puso ko.
Simpleng salita pero bakit parang nanliit ako sa harap niya?

Wala na talaga siyang pakialam sa akin.

Tinalikuran ko na siya.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla nalang siyang nagsalita.

"Huwag ka nang magpapakita sa akin!"galit niyang sabi at doon na tumulo ang aking mga luha.

Kaya lumabas na ako roon at tumakbo palabas ng Companya habang umiiyak.

"Ang sama mo Demon Martinez."sabi ko sabay tulo ng aking mga luha.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now