CHAPTER 86

57 3 0
                                    

"Jo..hn."nauutal kong tanong sa kanya.

Hindi ko alam ang gagawin ko tanging kaba lang ang nararamdaman ko habang siya naman ay papalapit sa akin.

Napatingin siya sa mga anak ko na natutulog.

Anong gagawin niya?

Nilapitan niya si Ice at Nic at kinuha niya ang baril mula sa kanyang likod.

"Anong gagawin mo?"kinakabahan kong tanong sa kanya.

Tinignan niya ako at ngumiti siya ng sarkastiko.

Natatakot na ako.

Baka patayin niya kami.

Nakakatakot ang mga bawati titig niya sa mga anak ko.

"Sasamahan ko kayo dito matulog, para kasing may pumupunta rito na hindi ko alam, at itong baril na ito gagamitin ko kapag merong pumasok d'yan sa terrace na 'yan!"galit na sabi ni John sabay tutok sa terrace.

Sobra akong kinabahan sa sinabi niya.

Alam niya kaya na pumupunta rito si Demon?
Hindi ko na pala namalayan na nasa harap ko na siya habang may dala siyang baril.

"Siguraduhin mo lang Athena na sa akin ang batang ito!"galit niyang sabi sabay tutok ng baril sa tiyan ko.

Dem*nyo siya!

"At kapag nalaman ko na sa iba ito o kay Demon! Boom!"galit niyang sabi at diniin ang baril sa tiyan ko habang siya naman ay nakangiti ng sarkastiko.

Para akong mahimatay dahil sa sobrang takot ko sa kanya.

Ibang-iba ang Deiven na nakilala ko noon.

Ngayon lumalabas na siya sa totoong balat niya.

"Matulog na ta'yo."sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Habang nakahiga ako sa kama hindi ako makatulog dahil nasa tabi namin si Deiven.
Natatakot ako na baka meron siyang gagawin na masama sa amin ng mga anak ko.

Naramdaman kong dumikit lalo si John sa akin kaya napapikit nalang ako.

Nakatalikod kasi ako sa kanya kaya hindi niya alam na gising pa ako.

"AKIN KA LANG ATHENA!"galit niyang sabi.

Nakakatakot ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya.

Ano na ang gagawin ko.

Dapat ko na sigurong makipag-usap kay Demon bukas.

Gustong-gusto ko na umalis dito kasama ang mga anak ko.

"KAYA DAPAT MAY MAWALA ISA SA INYO!"galit niyang sabi.

Hindi ako makahinga dahil alam kong nakatitig siya sa akin ngayon habang nakapikit ang aking mga mata.

Kaya dapat kumilos na kami upang makaalis na sa mga kamay ni Deiven.

Maaga akong gumising at mabuti nalang nasa companya si John kaya napagdesisyonan kong puntahan si Demon sa Mansyon niya habang ang mga anak ko naman natutulog pa.

Madali naman ako roon kaya dapat mapabilis ang pagtakas namin sa mga kamay ni Deiven.

Nang nando'n na ako agad kong nakita si Demon kaya nag-usap kami.

CLAIRE POV

Andito ako ngayon sa Mansyon ni Demon namiss ko kasi siya.

At mabuti nalang tinuro ako ng katulong kung saan si Demon ngayon at nakita kong nag-uusap sila ni Athena.

"Sige pupunta na tayo roon upang makatakas na kayo kay Deiven."sabi ni Demon at nakita kong niyakap siya ni Athena nang mahigpit kaya napayukom ang aking kamao.

Buw*sit ka talaga Athena!

"Anong ginagawa mo rito?!"galit na tanong ng matanda na si Lorna.

Haist!

Kaya tinalikuran ko na siya at pumunta na ako sa kotse ko.

"Bakit Claire?"tanong ni John sa kabilang linya habang ako naman ay nagmamaneho.

"Tulog ka ba John? Hindi mo ba alam na itatakas ngayon ni Demon sina Athena!"galit kong sabi haha tingnan natin Athena kung saan ka pupulutin.

"Paano mo nalaman? At saka sino ang nagsabi sa'yo n'yan?!?"galit niyang tanong sa kabilang linya.

"Nando'n ngayon si Athena sa Mansyon ni Demon at nakita ko silang nag-uusap tungkol d'yan kaya pwede ba John kumilos kana upang maabutan mo ang mga bata sa bahay mo!"galit kong sabi sabay ngiti ng sarkastiko.

Magsasalita na sana ako nang bigla niyang pinatay ang tawag.

Haist ang bastos talaga ng lalaking 'yon!

Haha big war na ito kaya Athena.

Goodluck!

JOHN POV

Binilisan ko ang pagmamaneho ng kotse kailangan kong maabutan ang mga bata.

"Buw*sit ka talaga Athena!"sigaw ko sa loob ng kotse sabay suntok sa manibela ng kotse.

ATHENA POV

"Lola aalis muna kami."sabi ko at niyakap ako ni Lola nang mahigpit.

"Dalhin mo rito ang mga anak niyo."sabi niya kaya ningitian ko nalang siya at umalis na kami ni Demon.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now