CHAPTER 16

126 5 0
                                    

"Bakit ka nandito at saka gabi na."sabi ko.

"May dinala lang kasi ako dito at saka sinong kasabay mong umuwi?"tanong niya.

"Ako lang."sabi ko.

"Sabay na tayo."sabi niya.

"Hindi na at saka mauna na ako."sabi ko maglalakad na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay.

"Sige na at saka may sasakyan naman ako."sabi niya pero binawi ko agad ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Sorry pero kailangan ko ng umalis."sabi ko at nagsimula na akong maglakad palabas ng companya.
Natakot ako na baka may gagawing masama ang lalaking nakabonet sa kanya.

Andito ako ngayon sa loob taxi habang nakatingin sa bintana.
Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kanina.

Demon Martinez pala ang pangalan ni Mr. Bonet.
Pero bakit nagpapanggap si Garrel Lopez bilang siya?

Ano ang dahilan?

At saka narinig ko kanina na bukas siya pala ang pupunta sa companya.

Oh my ano na ang gagawin ko?

"Ma'am Andito na po tayo."sabi ni Manong kaya binayaran ko na siya bago lumabas sa loob ng taxi.
Habang naglalakad ako papunta sa Mansyon ng lalaking 'yon bigla nalang may tumawag sa akin.
Teka sino 'to?

Kaya agad ko sinagot ang unknown number na tumatawag sa akin.

"Hello? Sino 'to?"tanong ko.

"Ten si Joseph ito hehe."sabi niya kaya napatigil ako sa harap ng gate.

Paano niya nalaman ang number ko?

"Ten? Andiyan ka pa ba?"tanong niya.

"Bakit ka tumawag?"tanong ko at narinig kong tumawa siya ng mahina.

"Namiss kasi kita at saka pwede ba tayong lumabas bukas?"tanong niya at nagulat ako dahil bigla nalang may humalbot sa cellphone ko at napatingin ako sa taong may gawa no'n walang iba kundi si Demon.
Bakit kinakabahan na naman ako?
Matalim ang mga tingin niya sa akin na parang kakainin niya ako ng buhay.

"Sino 'to?"galit niyang tanong kay Joseph.

Naku Joseph please!
Huwag ka nang magsalita!

"Magsalita ka!"galit na sigaw ni Demon na kinagulat ko.

Nakakatakot siya habang nakatingin siya sa aking mga mata.

At bigla nalang binaba ni Joseph at tawag.
Mabuti nalang hindi siya sumagot.

Muntik na.

"Sino ang tumawag?"galit niyang tanong.

"Kaibigan ko."mahina kong sabi sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Babae ba o lalaki?"galit niyang tanong sa akin.

"Wala 'yan at saka akin na 'yang cellphone ko."sabi ko sabay kuha ng cellphone na hawak niya pero hindi niya pa rin iyon binigay.

"Sabihin mo kung babae ba o lalaki!"galit niyang sabi.

"Babae!"sabi ko kaya tinalikuran ko na siya.
Ano ba ang nangyayari sa kanya?

Bakit ganito siya sa akin?

Andito na ako sa loob ng Mansyon niya at hindi ko alam na sumusunod na pala siya sa akin.

"Kapag malaman ko lang na lalaki ang tumatawag sa'yo alam mo na ang gagawin ko!"bulong niya sa tenga ko sabay alis.

Kaya bigla nalang kumabog ang aking dibdib.
Dapat kong layuan si Joseph nanganganib ang buhay niya kapag makita siya ni Demon.

Andito ako ngayon sa kama nakahiga habang nakatingin sa kisame.

Hindi ako makatulog sa mga nangyayari ngayon.

Natatakot na ako dahil iisa lang ang lalaking kasama ko rito at yung Boss ko.

Hindi ko na pala namalayan na nakatulog na ako.

Nagising ako sa oras na 9:00Am.
Napalaki ang mga mata ko.
Buw*sit!
Bakit ba napasarap ang tulog ko.
Kaya dali-dali akong naligo at nagbihis.
Bahala na hindi pa ako nakakain.
May meeting daw lahat ng mga empleyado ngayon haist!
Late na ako!

FLASHBACK

"Athena huwag kang ma lelate bukas ha may meeting tayo."sabi ni Jessa.

"Okay."walang gana kong sabi habang tulalang nakatingin sa loptop.

END OF FLASHBACK

Kaya heto ako ngayon tumatakbo upang makahanap ng taxi.

After hundred years andito na ako sa companya at agad naman akong binati ni Manong Guard.

Andito na ako ngayon sa Meeting room pagbukas ko ng pinto lahat sila nakatingin sa akin.

Oh my late na talaga ako nakakahiya.

Napatingin ako sa harap nila at nakita ko ang Boss ko na nakasuit black lahat kaso may maskara siya.

"Good morning po Boss."nakayuko kong sabi at humanap na ng maupuan.

"Naku ikaw talaga babae ka!"galit na sabi ni Jessa kaya hindi ko nalang siya pinansin.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ