CHAPTER 38

90 6 0
                                    

Hindi ko nakayanan ang lahat ng sakit na naramdaman ko ngayon.
Mas masakit pa ito no'ng sinasaktan ako ni Demon.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Kaya agad na akong tumayo sa kama at iniwan ko na ang album sa kama.

Nang makababa na ako mabuti nalang wala si Lola kaya dali-dali akong pumunta sa gate habang umiiyak.

"Kuya lalabas muna ako."sabi ko.

"Ma'am okay lang po ba kayo?"nag-alala niyang tanong sa akin kaya pinahid ko ang aking mga luha gamit ang dalawa kong palad.

"Kuya please kailangan ko pong mapag-isa."umiiyak kong sabi.

"Pero-"hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang bigla nalang akong lumuhod sa harap niya.

"Please kuya palabasin mo ako rito parang-awa mo na."umiiyak kong sabi.

"Ma'am tumayo na po kayo mapapagalitan ako ni Boss sa ginawa niyo 'yan."sabi niya habang pinipilit akong tumayo pero ayaw ko talaga kapag hindi siya pumayag.

"Hindi ako tatayo kapag hindi mo ako pinayagan."umiiyak kong sabi.

"Oh sige basta babalik ka agad Ma'am."sabi niya at pinagbuksan niya ako ng gate kaya dali-dali akong tumayo upang makalabas.

Agad na akong pumara ng taxi upang makalayo sa mansyon na 'yon.

Manluluko ka Demon!

Niluko mo kaming lahat!

"Ma'am saan po kayo pupunta?"tanong ni Manong kaya pinahid ko ang aking mga luha.

Saan ako pupunta?

Kasi kapag uuwi ako sa bahay makikita ako roon ni Demon.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Dito na po ako Manong."sabi ko at bumaba na ako ng taxi.

"NAPAKAMANLULUKO MO DEMON!"sigaw ko habang umiiyak.

Napatingin ako sa tiyan ko na malaki na.

"Anak bakit ako niluko ng Papa mo! Anong ginawa niya sa nakaraan ko!"umiiyak kong sabi.

At bigla nalang ako nahimatay.

DEMON POV

Andito na ako ngayon sa Mansyon at agad kong nakita ang mga katulong ko at si Lola sa sala.

"Na saan si Athena?"tanong ko.

"Apo."sabi ni Lola kaya dali-dali akong pumunta sa kwarto at agad kong nakita ang album sa kama.

Napayukom ang aking kamao.

Ibig sabihin nakita ito ni Athena!

"L*TCHE!"sigaw ko dahil sa sobrang galit.

Kaya agad na akong bumaba at nilapitan si Lola.

"NA SAAN SI ATHENA!"sigaw ko sa kanilang lahat.

"Bo..ss"nauutal na sabi ni Guard sabay lapit sa akin.

"Hinayaan mo siya makalabas!"sigaw ko kaya napayuko siya.

Kaya bigla ko siyang sinakal ng sobrang higpit.

"Hanapin niyo siya!"sigaw ko.

Tinawagan ko na ang mga tauhan ko na hanapin si Athena.

Pinuntahan nila ang bahay nila Athena pero wala siya roon.

"BUW*SIT NA SAAN KA!"sigaw ko.

Napayukom ang aking kamao habang hawak-hawak ang bote.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now