CHAPTER 88

63 4 0
                                    

Bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok si Demon kaya sabay kaming napatingin sa kanya.

Nagulat nalang ako nang tumayo sa kama si Ice at tumakbo papunta kay Demon at niyakap niya ito nang mahigpit.

"Daddy."masayang sabi niya kaya napatingin si Demon sa akin.
Alam kong nagulat siya sa sinabi ng anak niya pero dapat na talaga nilang malaman ang totoo.

Napatingin ako kay Nic at alam kong hindi niya parin tanggap ang totoo.

Kaya niyakap ko siya nang mahigpit.

"He won't hurt you Nic, he loves you and your sister so much."sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

JOHN POV

Dalawang araw ang nakalipas andito ako ngayon sa Mansyon ni Demon at agad kong nakita si Lola Lorna ang dating nag-aalaga sa amin na nagtraedor din sa akin dahil si Demon lang ang mas mahal niya.

"Deiven bakit ka nandito?!"galit niyang tanong kaya umupo ako sa upuan at ngumiti ng sarkastiko sabay tingin sa kanya.

Kinuha ko ang baril na nasa likod ko at nilagay iyon sa table na nasa harap ko upang makita niya.

"Nasaan sina Demon?"tanong ko at nakikita ko sa mga mata niya ang takot.

"Hindi ko alam."kinakabahan niyang sabi kaya tumayo na ako sabay kuha ng baril at lumapit sa kanya.

"Alam kong alam mo! Kaya sabihin mo na sakin kung nasaan sila kasi ikaw din naman ang masasaktan kung ayaw mong sabihin!"galit kong sabi.

"Kahit patayin mo pa ako Deiven! Hindi ko sasabihin sa iyo!"galit niyang sabi kaya pinutok ko ang baril sa dingding.

"May natitira pa akong awa sa isang katulad mo! Kaya sabihin mo na!"galit kong sabi at bigla nalang siyang tumawa na kinainis ko.

"Sa totoo lang alam ko kung sino ang pumatay sa Lolo ni Athena at sa mga magulang mo Deiven! Nakakalimutan mo na ba na ako ang tumulong sa'yo! Kahit mabuting bata si Demon sa kanya mo lahat sinisi! Pero ngayon nagsisisi ako kung bakit tinulungan kita!"galit niyang sabi.

"Kailangan mo na sigurong mawala! Marami ka nang nalalaman tungkol sa akin!"galit kong sabi.

"Sige patayin mo ako Deiven! Devil ka nga talaga! At kahit lumuhod ka pa sa harap ko hindi ko sasabihin sayo! Kasi alam mo masaya nang nagsasama sina Athena at Demon! At kahit kailan hindi kana mamahalin ni Athena!"sabi niya kaya binaril ko siya sa ulo.

Gano'n din ang lahat ng mga katulong ni Demon.

DEMON POV

Andito kami ngayon ni Athena sa kwarto nakahiga habang ang dalawa naming anak natutulog.

"Salamat."sabi niya sabay ngiti kaya hinalikan ko siya sa noo.
Sinabi ko kasi sa kanya na aalis na kami next week.

At bigla nalang nagring yung phone ko kaya kinuha ko iyon at sinagot ang tawag ng Guard ko sa Mansyon.

"Bakit?"tanong ko.

"Sir Demon may masama pong nangyari sa Mansyon niyo."sabi niya at nakita ko sa mga mata ni Athena ang takot.

Dahil naka loudspeaker ang phone ko.

"Anong nangyari?"tanong ko.

"Boss binaril po ni Sir John ang mga katulong mo sa Mansyon pati si Lola Lorna, wala na po sila."umiiyak niyang sabi.
Hindi ako makapagsalita sa aking narinig habang si Athena naman napahawak sa bibig niya sa sobrang gulat.

"Boss i'm sorry hindi ko sila nailigtas, kasi may dala siyang baril at ang sabi niya papatayin niya ang mga anak ko."umiiyak niyang sabi sa kabilang linya kaya binaba ko na ang tawag.

Nakita kong napatulo ang mga luha ni Athena.

"Demon."sabi niya kaya niyakap ko siya nang mahigpit sabay tulo ng aking mga luha.

Mabait si Lola sa akin.

Pero hindi ko maisip na ginawa iyon ni Deiven sa kanya.

Dahil no'ng highschool kami palagi siyang dinadalhan ni Lola ng tubig at tuwalya sa school dahil naglalaro siya ng Basketball.

Hindi ko makapaniwala.

"Aalis muna ako."sabi ko sabay tayo sa kama.

"Mag-iingat ka."sabi niya sabay yakap sa akin.

"Dito lang kayo."sabi ko at tumango naman siya kaya umalis na ako.

Kailangan kong puntahan ang Mansyon ngayon.

JOHN POV

Kinuha ko ang phone sa Guard ni Demon upang tingnan kung nasaan sila ngayon nagtatago.

Haha akala nila maisahan nila ako.
At ayon nalaman ko ang location nila kung nasaan sila!

Haha nagkakamali sila!

Kaya Athena!

Maghanda kana sa pagkikita natin.

"Kung ayaw mong mawala ang mga anak mo! Tumahimik ka!"galit na sabi ni Claire sa Guard at agad na akong pumasok sa loob ng kotse ko upang puntahan kung saan sila ngayon ni Athena.

Alam kong nakaalis na si Demon doon kaya heto.

"Ilang oras nalang ang naiiwan sa'yo Athena at sa mga anak mo!"galit kong sabay sabay ngiti ng sarkastiko habang nagmamaneho ng kotse.

Tinignan ko ang baril na hawak ko kanina pa.

"Ito ang baril ang papatay sa inyong lahat! Haha!"sabi ko habang tumatawa na parang Demonyo.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now