CHAPTER 46

81 6 0
                                    

ATHENA POV

Andito ako ngayon sa tabi ng pinto.
At rinig na rinig ko kung paano nag-aaway si John at Demon.

Napatulo ang aking mga luha sa aking mga narinig mula kay Demon.

Ayaw ni John mawala ako pero si Demon ayaw niya ring mawala ang anak namin.

Pero ako?

Ayokong mawala ang anak ko.
Naaawa ako sa anak ko dahil hindi niya pa nakikita ang mundo at ayokong ipagkait ang buhay na dapat sa kanya.

Kasi isa akong ina na kahit hindi ko pa nakikita ang anak ko mahal na mahal ko siya.

"Mahal na mahal ko kayong dalawa anak."sabi ko sabay hawak sa tiyan ko sabay tulo ng aking mga luha.

"Anak tama nga ang Papa mo na dapat ikaw ang mabuhay kasi mas importante ka sa aming dalawa."umiiyak kong sabi.

Pakiramdam ko mamatay ako na hindi ko malalaman ang totoo tungkol sa pagkatao ko, mahal ko na si Demon pero hindi ako sigurado kung mahal niya rin ba ako.

Nang dahil sa akin nag-aaway silang dalawa ni John.

Napakasakit lang kasi isipin na  hindi ko man lang siguro makikita ang anak ko kapag mawala ako sa buhay nila ni Demon.

"Gusto ko kayong makasamang dalawa ng Papa mo pero malabo na anak, napakamalabo dahil may sakit ako eh, pero huwag kang mag-alala kasi babantayan kita hanggang lumaki ka."sabi ko habang sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.

Hindi ko na pala namalayan na bumukas na ang pinto at agad akong nakita ni John na umiiyak.

"Athena hindi ba sabi ko huwag ka nang umiyak."sabi ni John.
Lalapit na sana siya sa akin nang bigla nalang ako nagsalita.

"Totoo ba na kaya mong patayin ang anak ko?"umiiyak kong tanong.

"Bakit mo naman 'yon ginawa! Sana sinabihan mo ako! Kasi kaya ko namang tiisin ang sakit ko kahit ikakamatay ko pa iyon! Huwag mo lang sana sasaktan ang anak ko! Kasi sa ginawa mo 'yan John mas lalo akong nasasaktan!"umiiyak kong sabi habang sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.

"I'm sorry Athena kung naging selfish ako, kasi sa totoo lang naaawa ako sa'yo at pakiramdam ko importante ka sa akin kaya sana isipin mo rin ang sarili mo."sabi niya at doon na rin tumulo ang kanyang mga luha.

"Hayaan mo ako John kung ano man ang maging desisyon ko, ang gusto ko lang na huwag mong sasaktan ang anak ko."sabi ko.

"Umalis kana muna kailangan kong magpahinga."sabi ko.

Ayaw niya sana akong iwan pero wala na siyang magawa kundi sundin ang sinabi ko.

Dalawang araw ang nakalipas at andito ako ngayon sa Mansyon ni Demon.
Sinundo kasi ako ni Lola Lorna sa Hospital habang si Demon naman.

Haist Athena huwag mo nang isipin iyon.
Baka wala na talaga siyang pakialam sa iyo.

"Apo kumain ka muna."sabi ni Lola habang bitbit ang isang tray na may laman na mga pagkain.

"Salamat po."sabi ko.

"Apo okay na ba talaga ang pakiramdam mo?"nag-alalang tanong ni Lola kaya napatingin ako sa kanya.

"Okay naman po Lola."sabi ko.

"Basta sasabihin mo lang sa akin kung may masama sa pakiramdam mo."sabi niya at tumango naman ako sabay ngiti sa kanya.

Mabuti nalang andito si Lola.

"Apo andito kana pala."sabi ni Lola sabay lapit kay Demon ka kapasok lang.

"Athena."sabi ni Demon kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"tanong ko.

"Kailangan pumunta tayo palagi sa Doctor upang icheck si baby."sabi niya kaya tumango nalang ako.

"Lola punta muna ako sa taas."sabi ko at tumango naman siya.

Nang nando'n na ako sa kwarto agad na akong umupo sa kama sabay hawak sa tiyan ko.

"Dapat healthy ka d'yan palagi baby ha at saka malapit ka nang lumabas kaya dapat behave ka."nakangiti kong sabi.

"Mahal na mahal kita anak."sabi ko sabay tulo ng aking mga luha.

Ano ka ba Athena bakit palagi kana lang umiiyak!

Hindi ko na pala namalayan na nasa pinto na si Demon nakatingin sa akin.

"Bakit hindi kaman lang kumatok."sabi ko sabay pahid ng aking mga luha.

Haist nakita niya tuloy na umiiyak ako.

"Paano ako kakatok ibukas itong pinto."sabi niya kaya tumahimik nalang ako.

"Bakit ka umiiyak makakasama 'yan sa baby ko."sabi niya.

"Masaya lang ako."sabi ko kaya  sinarado niya ang pinto bago lumapit sa akin.

"Sana ingatan mo ang anak natin ayokong mawala sila sa akin."sabi niya sabay hawak sa tiyan ko.

Teka?

Tama ba ang narinig ko?

Ayaw niyang mawala sila sa akin?

Ibig sabihin?

"Tama ang iniisip mo, kambal ang anak natin babae at lalaki."sabi niya na kinagulat ko.

Parang tutulo ang mga luha ko sa sobrang saya na narinig ko.

Hindi ko alam na napangiti ako sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

"Masaya ako."umiiyak kong sabi at niyakap niya rin ako.

"Ako rin."sabi niya at hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang palad.

"Sobrang saya ko nang malaman na kambal ang anak natin, kaya sana sundin mo ang sinasabi ko para mga anak  natin."sabi niya at nakikita ko sa mga mata niya ang saya.

"I love you."nadulas kong sabi.

Teka?

Athena ano ba 'yan mahiya kana man kay Demon!

"Mahal din kita."sabi niya.

Ano?

Mahal niya rin ako?

Siguro para lang sa mga anak niya kaya niya iyon na sabi.

Basta ako totoo ang naramdaman ko.

Na mahal ko talaga si Demon Martinez.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now