CHAPTER 69

64 4 0
                                    

"Bakit Demon! May gusto ka pa ba sa babaeng iyon?!"galit kong tanong sabay tulo ng aking mga luha.

Buw*sit na babaeng iyon!

"Magsalita ka!"sigaw ko.

"OO!"sigaw niya kaya bigla ko siyang sinampal.

"Magpapakamatay ako kasama ang anak mo!"galit kong sabi habang umiiyak kaya bigla niyang hinawakan ang aking braso ng sobrang higpit.

"Sige magpakamatay ka!"sigaw niya.

"Ano ba Demon! Bakit si Athena nalang lagi!"sigaw ko habang umiiyak kaya binitawan niya na ako.

"Pinatira kita rito dahil buntis ka! Pero kapag may magawa ka ulit kay Athena sa basura ka talaga pupulutin kasama ang anak mo!"galit niyang sabi sabay talikod sa akin.

"Anak mo rin naman ito Demon! Bakit hindi mo kami kayang mahalin tulad ng pagmamahal mo kay Athena!"sigaw ko pero hindi niya ako pinansin at lumabas na siya ng kwarto kaya kinuha ko ang mga unan at tinapon ito dahil sa sobrang galit.

"BUW*SIT KA TALAGA ATHENA!"sigaw ko habang umiiyak.

ATHENA POV

Andito ako ngayon sa kwarto nakahiga sa kama.
Wala rito si John kasi ang sabi niya may pupuntahan siya at hindi siya dito ngayon matutulog.

Nakapagtataka dahil palagi siyang may pinupuntahan.

Hayss bahala siya.

Kaya tumayo ako sa kama upang buksan ang ilaw.
Hindi ako makatulog bakit kaya?

Nang buksan ko ang ilaw napatingin ako malapit sa terrace.

Teka?

May taong nakatayo kaya lumapit ako upang tingnan kung sino.

Nagulat ako dahil si Demon.

Anong ginagawa niya rito at saka paano siya nakapasok?

Kunsabagay noon nga sinusundan niya ako kahit saan ngayon pa kaya na alam niya kung saan ako nakatira.

Nagkatinginan lang kaming dalawa.

Ang tahimik niya at saka sabi niya huwag na akong magpapakita sa kanya tapos siya naman itong habol na habol sa akin.

Athena huwag ka nang assumera naku ikaw talaga!
Kaya ka laging nasasaktan kasi  iniisip mo na may gusto parin si Demon sayo.

Kaya tinalikuran ko na siya at siya naman itong sunod na sunod sa akin.

"Ano bang ginagawa mo rito!?"galit kong tanong sa kanya at nagulat nalang ako na nakatingin siya ngayon sa braso ko na mayroong bandage.

Kaya agad ko iyon tinago.

"Umalis kana nga!"galit kong sabi.

"Sumama ka sa akin!"galit niyang sabi sabay hawak sa kamay ko.

Teka ano ba ang nangyayari sa kanya hindi ko siya maintindihan.

"Bitawan mo nga ako!"galit kong sabi pero ang tigas-tigas talaga ng ulo niya.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong binuhat.

"Teka saan mo ako dadalhin?!"galit kong tanong at bumaba na siya nang hagdan habang buhat-buhat ako at mabuti nalang tulog ang mga katulong nakakahiya kung sumigaw ako baka ano ang isipin nila sa akin.

Hindi ko alam na sa Hospital pala ako dadalhin ni Demon.

Paano niyang nalaman na galusan ako?

"Okay na po Sir."sabi ng Nurse at umalis na siya sa harap namin ni Demon.
Syempre wala na siyang bonet pero kapag pumasok sa companya doon na siya nagbobonet.

"Dapat palagi 'yan linisin!"galit niyang sabi kaya napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

Okay lang ba siya?

"Bakit mo ako dinala rito at saka paano mo nalaman ang nangyari sa akin?"tanong ko pero hindi niya ako pinansin.
Kaya bumaba na ako upang umuwi na baka kasi maabutan pa ako ni John na wala roon.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla siyang nagsalita kaya napatigil ako habang nakatalikod sa kanya.

"Athena."sabi niya.

"Pumayat kana, hindi ka ba inaalagaan ni John ng mabuti?"tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano ba ang nangyayari sayo Demon? Sabi mo hindi na ako magpapakita sa'yo tapos ganito ka ngayon sa akin? Hindi kita maintindihan kaya sana lumayo kana sa akin kasi ako lalayo na talaga ako sayo!"galit kong sabi at napayukom ang kanyang kamao.
Alam kong galit na siya pero hindi na ako iiyak dahil sa kanya!

"Aalis na ako!"galit kong sabi at bigla niya akong hinalikan kaya tinulak ko siya at sinampal.

"Pwede ba lumayo kana sa akin! Nandiyan naman si Claire! Iyan lang ba talaga ang habol mo sa akin? Alam mo Demon hindi ka marunong magmahal! Bagay nga kayo ng Claire na 'yon kasi pareho kayo ng ugali!"galit kong sabi at tinalikuran ko na siya.

Buw*sit!

Bahala siya sa buhay niya.

At nandito ako ngayon sa labas.

Teka?

Ano na ngayon ang gagawin ko?
Wala akong pera ditong pamasahe.

Haist!

"DEMON!"galit kong sabi at nakita ko siyang pumasok siya sa kanyang kotse habang ako naman nakatingin sa kanya.

Nakakainis ano na ngayon ang gagawin ko?

Lalakarin ko ito gabi pa naman.

Kaya ayon pinahurot niya na ang kotse niya at iniwan ako.

"Buw*sit ka talaga!"sigaw ko.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now