CHAPTER 44

80 5 0
                                    

Maraming araw ang nakalipas andito parin ako sa bahay ni John at sa ngayon patuloy pa rin ang pag-inom ko ng gamot.

Namimiss ko na si Demon.

Kamusta na kaya siya?

"John."sabi ko habang siya naman ay kumakain.

"Bakit?"tanong niya sabay tingin sa akin.

"Pwede ba akong sumama sa companya?"tanong ko.

"Pero-"magsasalita na sana siya nang bigla nalang akong magsalita.

"Please."sabi ko at mabuti nalang pumayag siya.

Ang bait niya talaga.

"Kaya kumain ka rito ng marami."sabi niya kaya heto umupo na ako sa tabi niya at kumain.

Nakalipas ang isang oras andito na kami ngayon sa companya.

Habang naglalakad kami ni John.

"Akala ko si Boss Demon ang asawa niya bakit si Sir John na naman ang kasama?"gulat na tanong ni Lea isa sa mga empleyado rito.

"Baka hiwalay na sila at saka hindi mo ba alam magpapakasal na raw si Miss Claire at Boss Demon."sabi ni Danica.

Parang madagdagan ang sakit ng puso ko sa mga narinig ko.

At parang tutulo na ang mga luha ko.
Wala na talagang pakialam si Demon sa akin at sa anak ko.

Kung noong grabe siya magbawal sa akin pero ngayon ibang-iba na siya.

Hindi ko na pala namalayan na nakatingin si John sa akin.

"Athena hayaan mo na sila."sabi niya at tumango nalang ako.

"Tara na."sabi niya.

Nang nando'n na ako sa office namin agad kong nakita si Julius at Jessa.
Si John naman may meeting kaya dito ko lang siya hihintayin sabi niya.

"Athena namiss ka talaga namin ng sobra."sabi ni Jessa.

"Oo nga."sabi ni Julius.

"Pero Athena totoo ba na hiwalay na kayo ni Boss? Fiance na kasi niya si Miss Claire."sabi ni Jessa kaya pinilit ko nalang ang sarili kong ngumiti.

"Hayss so ano na 'yang baby mo?"tanong ni Julius.

"Hay naku Julius! Andiyan naman si Sir John."nakangiting sabi ni Jessa.

"Wow! Anak ni Boss Demon 'yan si Sir John magpapakain? Hindi ka ba nahiya Athena?"tanong ni Julius.
Tama siya.

At nakita kong siniko siya ni Jessa pero hindi ko nalang pinansin.

Dapat nga talaga akong mahiya kay Sir John.

"Jessa mauna na ako."sabi ko at tumango naman sila ni Julius.

Nang makalabas na ako sa office agad kong kinuha ang cellphone ko upang itext si John na mauna na ako sa bahay.

Kaya heto ako ngayon naglalakad.

Habang naglalakad ako parang   hindi ako makahinga.

Kaya agad akong umupo sa gilid na mayroong upuan upang kunin ang gamot sa bag ko.
Ito kasi ang sabi ni John sa akin na inumin ko ito kapag sinusumpong ako ng sakit ko.

"Nasaan na 'yon!"mahina kong sabi.

Ang sakit sakit parang may nakapatong sa aking dibdib na sobrang bigat.

Pagkatapos kong inumin iyon hindi ko na pala namalayan nang bigla nalang may nagsalita mula sa aking likuran kaya agad kong tinago ang white na maliit na bottle na may laman na gamot.

"Bakit ka nandito?"

Tanong ni Demon kaya napatingin ako sa kanya.

Teka?

Nakita niya ba ang ginawa ko?

"Bakit ka namumutla?"tanong niya.

"Wala."sabi ko sabay tayo.

"Sinong kasama mo?"tanong niya sabay hawak sa kamay ko.

Kaya napatingin ako sa kamay niya na nakahawak ngayon sa kamay ko.
Bakit namimiss ko siya?

"I'm sorry."sabi niya sabay bitaw sa akin.

"Mauna na ako."sabi ko at umalis na sa harap niya.

I'm sorry Demon kung tinago ko ang totoo na may sakit ako.

Isa lang ang gusto ko sa buhay ko ngayon na makasama kita.

Hindi ko na pala namalayan na tumutulo na naman ang mga luha ko.

"Namimiss na kita."sabi ko sabay tigil sa paglakad.

Hayss!

Ano ba naman itong mga luha na 'to!

DEMON POV

Nakapagtataka talaga.

Bakit siya namumutla?

At malaki na pala ang tiyan niya.

Malapit na siyang manganak.

Napatingin ako sa sahig at may nakita akong maliit na gamot na kulay white.

Kaya agad ko iyon kinuha at tinignan.

"Ano naman kaya ito?"tanong ko.

Sigurado akong galing ito kay Athena kaya dapat kong malaman kung ano ito.

At kung bakit siya may ganito.

JOHN POV

Andito ako ngayon kaharap ko na si Demon.

"Demon sino ka ba talaga?"tanong ko at nakita ko sa mga mata niya na napangiti siya.

Hindi ko talaga siya makilala.

Bakit siya ganyan sa amin!

May tinatago ba siya?

"Ibalik mo nalang si Athena sa Mansyon kasi feeling ko hindi mo siya kayang alagaan!"galit niyang sabi sabay lapit sa akin kaya ako naman ang napangiti ng sarkastiko.

"Bakit ko naman siya ibabalik? At saka gusto ni Athena na sa akin siya at ako ang gusto niyang makasama kaya pwede ba Demon doon kana lang sa Claire mo!"galit kong sab kaya bigla niya nalang ako tinutukan ng baril.

"Hindi mo kilala kung sino ako! Kaya hanggang may bisa pa ang kasal namin ni Athena kukunin ko siya!"galit niyang sabi at umalis na sa harap ko.

DEMON POV

Andito ako ngayon sa Mansyon kausap ang Private Doctor ko.

Pinapakita ko lang sa kanya ang gamot na nakita ko.
At sobra akong nagulat sa aking narinig.

Para lang daw ito sa mga taong may sakit sa puso.

Hindi ako makapaniwala.

Si Athena may sakit sa puso?

"Pero buntis ang asawa ko, pwedeng parin ba siyang uminom nito?"tanong ko.

"Hindi Boss kasi kapag palagi siyang umiinom nito unting-unti rin pong nanghihina ang bata sa sinapupunan niya at pwede rin pong makunan ang misis mo."sabi niya na kinagulat ko.

Si Athena may sakit sa puso?

Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa aking narinig.

Bakit siya umiinom ng ganitong klaseng gamot kung alam niyang ikapahamak ng anak namin.

"Pwede ka nang umalis!"sabi ko at tumayo na siya sa sofa at lumabas na ng Mansyon.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Basta heto ako ngayon sa loob ng kotse kailangan kong puntahan si Athena.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now