CHAPTER 27

117 4 0
                                    

Nagulat nalang ako nang bigla niyang akong kinaladkad palabas ng kwarto roon.
At maraming mga katulong ang nakatingin ngayon sa amin.

"ANG TIGAS TIGAS TALAGA NG ULO MO!"sigaw ni Demon habang hinahawakan ako sa braso.

"Demon ano ba huwag mong saktan si Athena!"galit na sabi ng matanda kaya napatingin si Demon sa kanya.

"HUWAG KANG MANGIALAM DITO!"galit na sigaw ni Demon sa kanya at pinasok niya ako sa isang malaking kwarto na maraming nakasabit na kutsilyo, baril , latego at iba pa at nilock niya yung pinto.

"Bakit ka pumasok doon!"sigaw niya kaya napatulo nalang ang mga luha ko dahil sa takot sa kanya.

"MAGSALITA KA!"sigaw niya kaya humagulhol na ako sa iyak.

Takot na takot na ako sa kanya alam kong may gagawin pa siya sa akin.
Kinuha niya ang isang latego na nakasabit sa gilid at hinampas iyon sa akin ng buong lakas kaya napasigaw ako sa sobrang sakit.

Napatingin ako sa braso na may marka agad iyon ng latego.

"Parang-awa mo na."umiiyak kong sabi at bigla niya akong sinakal at parang hindi ako makahinga sa ginagawa niya sa akin ngayon.

"Ano pa ang ibang dapat na gawin ko sa'yo!" Galit niyang tanong habang nakatingin sa aking mga mata.

At bigla niya akong tinulak kaya napasubsob ako sa sahig.

"Aray!"sigaw ko dahil sa sakit.

Napatingin ako sa heta ko na mayroong dugo na dumadaloy at doon na ako nawalan ng malay.

LOLA LORNA POV

Nang nalaman namin na nahimatay si Athena agad kong tinawagan ang family Doctor ng mga Martinez kaya andito ako ngayon sa kwarto ni  Demon binabantayan si Athena habang si Demon naman ay nasa garden kausap ang Doctor.

Kahit si Demon ang inalagaan at mahal ko.
Hindi naman tama ang ginagawa niya sa babaeng mahal niya.

Awang-awa na ako nakatingin kay Athena.
Marami siyang pasa sa ginawa ni Demon.

"Patawarin mo ako kung bakit hinayaan ko lang si Demon na gawin 'yon sayo."sabi ko sabay tulo ng aking mga luha.

DEMON POV

"Boss mabuti po naagapan ang baby sa sinapupunan ng asawa mo."sabi ni Doctor Shi Barino kaya napatingin ako sa kanya.

Buntis si Athena?

Magiging ama na ako?

"Buntis siya totoo ba 'yan?"hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"Opo Boss 7 weeks na po siyang buntis."nakayuko niyang sabi.

"Okay."sabi ko kaya napangiti nalang ako.

Magkakaroon na kami ng anak ni Athena.

"Pero dapat po Boss iwasan niyo pong saktan ang asawa mo kasi mahina po ang kapit ng bata baka malaglagan siya."sabi niya.

"Umalis kana alam ko na ang gagawin ko!"galit kong sabi at tumango naman siya bago umalis sa harap ko.

Kaya agad na akong pumunta sa kwarto upang tignan si Athena.
Nang nando'n na ako agad kong nakita si Lola umiiyak.

"Bakit mo ito ginagawa sa asawa mo!"galit na sabi ni Lola.

"Lumabas na po kayo."sabi ko at mabuti naman sinunod niya ang utos ko.

Nang makalabas na siya agad kong nilock ang pinto at nilapitan si Athena.

"Magiging ama na ako at wala ng rasun na iiwan mo ako."sabi ko at napatingin ako sa braso niya na merong pasa ng latego kaya kinuha ko ang gamot sa drawer at pinahiran iyon.

"Hindi na kita sasaktan, pero sana huwag mo akong iiwan tulad ng dati mahal na mahal kita."parang baliw kong sabi at hinalikan ko siya sa labi.

ATHENA POV

Nagising ako sa isang malawak na kwarto.

Napatulo ang mga luha ko sa nangyari kanina.
Hinawakan ko ang tiyan ko upang damdamin kung buhay pa ang anak ko.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at nakita kong papasok si Demon.

"Gising kana pala."sabi niya.
Lalapitan niya sana ako nang bigla nalang akong umiyak.

"Huwag mo akong lapitan! Please! Lumayo ka sa akin!"sigaw ko habang sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.

Pero lumapit talaga siya sa akin.

"Huwag mo akong saktan! Natatakot ako!"umiiyak kong sabi at bigla niya akong niyakap nang sobrang higpit.

"Hindi na kita sasaktan, huwag ka nang umiyak makakasama 'yan sa anak ko."sabi niya habang nakayakap parin sa akin.

Napatigil ako sa iyak dahil sa aking narinig.
Alam niya na buntis ako?

"Mahal na mahal kita Athena kaya sorry kung sinaktan kita, ginawa ko naman iyon dahil mahal na mahal kita."sabi niya sabay tingin sa akin habang ako naman ay patuloy na umaagos ang luha ko sa aking pisngi.

Takot parin ako sa kanya.

Iba siya magalit.

Parang papatayin niya ako wala sa oras.

"Promise ko sayo aalagaan ko kayo ng anak natin."sabi niya sabay hawak sa tiyan ko.

Anong kinain niya?

Bakit naging mabait siya bigla?

"Huwag kanang umiyak."sabi niya at pinahid ang mga luha ko gamit ang palad niya.

JOHN POV

Andito ako ngayon sa companya.
Bakit hanggang ngayon wala pa rito si Athena?

Araw-araw ko siya pinupuntahan sa office nila pero wala akong Athena na nakikita roon.

Kaya napagdesesyonan ko nang umalis dito.
Gusto kong puntahan si Lola Lorna upang tanungin kung nasaan si Demon.

At andito ako ngayon sa labas ng gate nila pero hindi ako pinapapasok ng Guard.

Anong meron?

Kilala naman ako pero bakit?

"Sir pasinsya na talaga pero ayaw talaga ni Boss na mayroong papasok dito."sabi niya.

"Pero iba ba ako sa inyo? At saka kilala naman ako ni Demon at Lola Lorna."sabi ko.

"Pasinsya na talaga Sir pero iyan po talaga ang utos sa akin sana maintindihan mo, marami pa kasi akong binubuhay."sabi niya kaya tumango nalang ako naintindihan ko naman siya.

Kaya ito nagmaneho na ako papunta sa Mansyon ko.

ATHENA POV

Tatayo na sana ako papunta  ng cr pero pinigilan ako ni Demon.

"Huwag ka munang gumalaw baka makakasama sa anak ko!"galit niyang sabi kaya tumahimik nalang ako.
Ayan na naman kasi siya.

At nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ng maingat ang mukha ko kaya napatingin ako sa kanya.

"I'm sorry kung pinapagalitan kita pero para naman sa'yo at sa anak ko, sabihin mo lang kung gusto mong magcr, pumunta sa garden o kumain sasamahan kita baka mapano ang baby ko."nag-alala niyang sabi.
Teka?
Nilalagnat ba siya?

Kunsabagay hindi naman siya ganito kung hindi ako buntis.

Kaya Athena huwag kang assuming!
Inaalagaan at mahal kalang ni Demon dahil sa bata.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu