CHAPTER 15

122 6 0
                                    

Andito parin ako sa cr nakatago habang si Boss naman narinig kong may tinatawagan.

"Opo Boss! Ginawa ko na at saka kailan po kayo pupunta rito upang palitan ako?"rinig kong sabi ni Boss.

Teka?

Boss din ang kausap niya?

Sino naman 'yon?

"Mas lalong naging malaki ang sales po natin Boss at saka huwag kang mag-alala kasi iniingatan ko po ang companya mo."sabi ni Boss o pekeng Boss.
Buw*sit ka Athena!
Kapag nakita ka rito sa cr patay ka talaga!

Binuksan ko ng mahina ang pinto na makatingin lang ako sa kanya upang tignan ang pekeng Boss at nakamaskara ito.

"Andito po siya ngayon Boss okay naman ang trabaho niya at saka huwag kayong mag-alala sa kanya."sabi ng pekeng Boss at napatingin ako sa leeg niya.

Teka?

Bakit wala siyang tattoo tulad ng nakita ko dati?

Nasaan na 'yon?

Kinuha niya ang maskara niya sabay ngiti.

"Opo Boss pumunta nalang kayo rito bukas."sabi niya na kinagulat ko.

Yung lalaking nasa I.D na nakita ko siya 'yon!

Yung pekeng Boss namin at siya lang ang inuutusan na magpanggap.
Naalala ko ang tattoo ng lalaking nakabonet sa kanyang leeg.

Siya yung nakausap ko at nagtanong kung kumain ako.

Mahina kong sinirado ang pinto sabay tulo ng aking mga luha.
Kahit dito sa companya sinusundan niya parin ako.
Siya pala ang totoong may ari ng pinagtatrabauhan ko.

Kaya pala ang mga lalaking lumalapit sa akin dito ay pinapatay niya at yung mga tao rito walang may naalala sa mga nangyari dahil sa kapeng binibigay nila tuwing umaga at ako lang ang hindi binibigyan.

Bantay sarado na talaga ako sa lalaking nakabonet na 'yon.

Kaya dapat gagawa ako ng paraan upang makita ko ang tunay niyang mukha.

Kung ano talaga ang balak niya sa akin.

Hindi ko siya dapat pagkatiwalaan baka gagamitin niya lang ako.

Pinunasan ko ang luha sa aking mukha.

"Niluluko niya lang pala ako!"galit kong sabi at sunod-sunod ulit na pagtulo ang aking mga luha.

Nakaraan ang ilang minuto nang tinignan ko ang pekeng Boss na si Garrel wala na siya roon kaya dali-dali akong lumabas ng Cr upang lumabas sa loob ng office niya.

Nang makalabas na ako agad akong pumunta sa office sa namin.

"Athena bakit ngayon ka lang? Hinahanap ka ni Boss kanina pa! Akala ko nag-usap kayo!"galit na sabi ni Trisha habang ako naman ay kinakabahan.
Parang lutang ako na hindi makapagsalita sa tanong niya kaya tinalikuran ko nalang siya.

Nang makaupo na ako sa table ko hindi ko na pala namalayan na nasa harap ko na si Trisha ngayon galit na nakatingin sa akin.

"Kapag may ginawa ka at malaman iyon ni Boss ako talaga ang malalagot!"galit na sabi ni Trisha kaya napatingin ako sa kanya.

"May pinuntahan lang ako at emergency lang."sabi ko habang siya naman tahimik na nakatingin sa akin.

"Pumunta naman talaga ako sa office ni Bo.ss kaso wala siya roon kaya iniwan ko nalang ang mga documents sa table niya."sabi ko.

"Okay."sabi niya at umalis na siya sa harap ko kaya nakahinga ako ng maluwag.

Napatingin ako sa kamay ko.

Teka?

Nasaan ang bracelet na binigay ni Mama sa akin?

Tinignan ko sa ilalim ng table, drawer at iba ko pang pwedeng lagyan nito.

Pero hindi ko talaga makita.

Nasaan na 'yon?

At bigla nalang pumasok sa isip ko na baka naiwan ko sa loob ng cr kaya bigla nalang kumabog ng sobrang lakas ang aking dibdib.

What if makita iyon ng Garel na 'yon!

Siguro hindi niya naman kilala kung sino ang may ari no'n.

Pero nagdadalawang isip ako na kunin ko ba 'yon o hayaan?

Haist!

Buw*sit ka talaga Athena!

Gabi na at andito ako ngayon inaayos ang gamit ko yung mga kasama ko umuwi na sila may tinapos pa kasi ako.

At saka paano ko naman tatapusin sa mansyon ng lalaki na 'yon iwala naman akong loptop doon.

Habang naglalakad ako na bigla ako kasi biglang may kumalbit sa likod ko kaya napatakbo ako wala sa oras.

At bigla nalang akong nadapa kaya ayon sobrang sakit ng tuhod ko mayroong galos.

Buw*sit!

"Haha Ten ako to si Joseph."sabi ng lalaki kaya napatingin ako sa kanya.

Teka?

Nandito na siya?

Akala ko doon siya pinapunta ni Boss sa America doon kasi siya nakaassign.

Tinulungan niya akong makatayo buw*sit na lalaking 'to ginulat pa ako.

Si Joseph siya talaga ang Bestfriend ko noong nag-aaral pa kami.

Sabay kaming nag-aaply dito pero siya America talaga ang future niya samantalang ako hayss.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now