CHAPTER 72

64 3 0
                                    

ATHENA POV

"Athena sana mapatawad mo ako."sabi ni John kaya napatingin ako sa kanya habang karga ang isa kong anak.

"John hindi ko alam kung mapapatawad kita sa ginawa mong 'yan sa akin at sa mga anak ko."sabi ko at nakita kong tumulo ang kanyang mga luha.

"Please kahit ano gagawin ko Athena, lalayuan ko na si Claire at Garrel mapatawad mo lang ako."sabi niya.

"Ngayon nandito na mga anak ko sa tabi ko okay na sigurong wala ka nang gagawin na ikapahamak namin." Sabi ko.

"Pangako mamahalin kita at 'yang mga anak niyo ni Demon."sabi niya at tumango nalang ako.

"Nga pala anong gusto mong ipangalan sa mga anak mo?"tanong niya.

"Demonice at si Demonic." Nakangiting sabi ko sabay tingin sa mga anak ko.

CLAIRE POV

Nagising ako na nasa tabi ko si Demon.

"Demon."mahina kong sabi.

"Ano ba ang ginawa mo? Muntik na mapahamak ang baby natin."sabi niya kaya napangiti ako ng palihim.
Mayroon pala siyang naiwang concern sa akin at sa baby namin.

It means baby namin ni Garrel.

I'm sorry Demon pero gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang pagmamahal na dapat sa akin.

"I'm sorry, akala ko kasi iiwan mo na ako kasi si Athena naman ang mahal mo hindi ba? Hindi ko kaya Demon mawala ka at iiwan mo kami ng anak mo."umiiyak kong sabi sabay hawak sa kamay niya.

Hindi ko alam ang iniisip niya dahil nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

"Please Demon gagawin ko ang lahat mahalin mo lang kami ng anak mo."sunod kong sabi at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Hindi na kita iiwan."sabi niya kaya napangiti ako ng sarkastiko.
Sobrang t*nga mo talaga Demon haha hindi ko alam kung saan ka pinaglihi pero nababawi rin naman sa ka gwapuhan mo.

Wala akong pakialam kung marami man ang nagagalit sa akin pero ang importante akin na si Demon.

"Gusto ko nang magpakasal na tayo."sabi ko sabay tingin sa kanya.

Papayag kaya siya?

Sana Claire!
Kasi kung hindi!

Buw*sit!
Hindi ko kayang isipin.

At sobrang saya ko nang makita kong tumango siya.

Kaya niyakap ko siya ulit dahil sa sobrang saya.

"Kaya dapat permahan na ni Athena ang annulment papers niyo."masaya kong sabi.

Kaya Athena pasinsya kana kasi kahit buhay ang kambal niyo akin na si Demon!

Haha hindi mo parin ako kaya!

Mabuti nalang good boy si John at sinunod ang gusto ko na tumawag sa akin malapit sa kwarto nila Athena UPANG marinig na buhay ang anak nila ni Demon haha.
Tapos ako naman ito ginawa ko kasi kapag sasabihin ni Athena kay Demon na buhay ang mga anak nila mas lalo siyang masasaktan kasi magpapakasal na kami ni Demon haha.

Kaya Athena isa ka ring t*nga na madaling naniwala kay John.

ATHENA POV

Maraming araw ang nakalipas andito ako ngayon sa kwarto habang nakatingin sa dalawa kong anak na mahimbing na natutulog, napangiti ako kasi hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na buhay sila.

"Mahal na mahal ko kayo."sabi ko.
Hindi ko pala namalayan na nand'yan si Yaya Jennifer sa tabi ng pinto.

"Ma'am may naghahanap po sa'yo sa labas."sabi niya kaya inutusan ko siyang bantayan ang kambal at doon na ako lumabas ng Mansyon.

Nang nando'n na ako sa labas agad kong nakita si Demon nakatayo.

"Anong ginagawa mo rito?"tanong ko.

"Gusto ko sanang permahan mo ito."sabi niya sabay bigay ng annulment papers at ballpen sa akin.

Hindi ako makapaniwala na napatingin sa kanya.

Sigurado ba siya sa permahan ko ito?

Nanginginig ang kamay ko hindi ko alam ang mararamdaman ko sa oras na permahan ko ito.

"Kailangan ko pa bang permahan ito?"mahina kong tanong na parang tutulo na ang aking mga luha.

Hindi man lang siya nagsalita.

"Okay naman na hindi na tayo magkasama pero sana naman huwag naman natin ipawalang bisa ang kasal natin."sabi ko at doon na tumulo ang aking mga luha.

Heto naman ako palaging weak sa harap ni Demon.

"Gusto ni Claire magpapakasal kami at saka ginagawa ko naman ito para sa magiging anak namin."sabi niya kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

May anak din kami ah.
Bakit ang manhid niya?

"Demon buhay ang-"hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla nalang siyang nagsalita.

"Alam ko Athena hindi tayo para sa isa't-isa hindi ba 'yan naman ang gusto mo noon na ipawalang bisa ang kasal natin upang makasama mo na si Deiven kaya heto ginagawa ko para rin naman sa atin 'to."sabi niya at napatingin ako sa kanya sabay tulo ng aking mga luha.

"Kung sasabihin ko buhay ang kambal natin iiwan mo ba si Claire para lang sa'min?"tanong ko at nakita kong napayuko siya sa tanong ko.

Pareho lang kami naguguluhan sa ganitong sitwasyon.

Kung hahayaan ko siyang magpakasal kay Claire kami naman itong masasaktan.

"Demon magsalita ka."sabi ko sabay tulo ng aking mga luha.

"Malabong mangyari na buhay sila at saka buo na ang desisyon ko Athena kailangan ako ng magiging anak namin ni Claire dahil isang beses na napahamak ang anak namin at ayokong mangyari 'yon tulad sa nangyari sa kambal natin."sabi niya at tumango nalang ako.
Gulong-gulo na ang mga isip namin.
Napatingin ako sa annulment papers at agad akong pumerma sabay tulo ng aking mga luha.

"Sana maging masaya ka sa kanya."sabi ko sabay bigay sa kanya at tinalikuran ko na siya.

Kung noon ikinasal kami Oo inaamin ko sobra akong nag-sisisi dahil gustong-gusto ko magpa-annul sa kanya pero ngayon ang sakit-sakit.

"Ma'am okay lang po ba kayo?"nag-alalang tanong ni Yaya Jennifer at pinaalis ko muna siya sa kwarto at nilock ang pinto.

Napatingin ako sa dalawa kong anak sabay tulo ng aking mga luha.

"Kaya kong tumayong ama at ina para sa inyo mahal na mahal ko kayo mga anak ko."sabi ko at doon na ako humagulhol.

Sana maging masaya kana Demon.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDМесто, где живут истории. Откройте их для себя