CHAPTER 95

79 3 0
                                    

ATHENA POV

"Deiven please kumapit ka."umiiyak kong sabi habang yakap yakap siya.

"Pa..tawarin mo ako Athe..na."nauutal niyang sabi kaya napatulo ang aking mga luha.

"Nag..sisisi ako kung ba..kit kita sinak..tan sa..na mapa..tawad mo ako."sabi niya at tinaas niya ang kaliwang kamay niya upang punasan ang luha sa aking pisngi.

"Hu..wag ka nang umiyak."sabi niya kaya hinawakan ko ang kamay niya.

Naging mabuti siyang kaibigan sa akin at sa mga anak ko.

Nasasaktan ako kapag mawala siya at sigurado akong masasaktan lalo ang mga anak ko.

"Hinihintay ka nina Ice at Nice kaya please kumapit ka, dadalhin ka namin sa Hospital."sabi ko habang umiiyak.

"Sa..bihin mo sa ka..nila na ma..hal na ma..hal ko sila tu..lad ng pag..mamahal ko sa'yo."sabi niya.

"Deiven."mahinang sabi ni Demon kaya napatingin si Deiven sa kanya.

"Pa..tawarin mo ako De..mon."sabi ni Deiven sabay tulo ng kanyang mga luha.

"Gina..wa ako na..man iyon kasi ma..hal na ma..hal ko si Athena ka..ya sa..na pata..warin mo ako."sabi niya at hinawakan ni Demon ang kanyang kamay.

"Hu..wag na hu..wag mong pa..babayaan sina Ice at Nic, la..long la..lo na si Ath..ena."sabi ni Deiven at niyakap siya bigla ni Demon.

Ngayon ko lang nakitang umiyak si Demon dahil sa kambal niya.

Hindi ko kaya mawala si Deiven kahit malaki ang kasalanan niya sa akin.

Kasalanan ko kasi ito kung bakit naging ganito silang dalawa ni Demon.

DEMON POV

"De..mon mangako ka sa..kin."sabi niya habang tumutulo ang aking mga luha.

Naging mabuti siyang kapatid sa akin.

FLASHBACK

"Demon please sabihin mo kina Mommy at Daddy na payagan ako gumala."sabi niya.

"Ayaw nga nila ano ka ba."sabi ko.

"Please Demon."sabi niya pero hindi ko siya pinansin bahala siya busy ako sa ginagawa ko.

"Gusto mo ibigay ko sa'yo itong damit na regalo ni Athena?"nakangiti niyang sabi sabay turo sa damit niyang kulay black.

"Binigay ni Athena sayo tapos ibibigay mo sa akin?"tanong ko.

"Sige na, pero huwag na huwag mong ipapakita sa kanya na suot mo ito baka magalit 'yon sakin haha."sabi niya haha baliw talaga.

"Kaya please tulungan mo naman ako, hindi ka pa kasi nakahingi ng favor kina Mommy kaya alam na alam kong papayag sila."sabi niya kaya tumango nalang ako.

Hehe gusto ko kasi ang damit na binigay ni Athena sa kanya.

"Thank you."sabi niya sabay yakap sa akin.

END OF FLASHBACK

"Pinapangako ko hindi ko sila iiwan at sasaktan."sabi ko sabay tulo ng aking mga luha.

Nasasaktan akong makita si Deiven na ganito.

Kakambal ko parin siya.

Mahal na mahal ko siya.

ATHENA POV

"Deiven."umiiyak kong sabi kaya hinawakan ni Deiven ang aking mukha.

"Ma..hal na ma..hal ko ka..yo."sabi niya sabay bitaw at doon na siya nawalan ng buhay kaya sunod sunod na pagtulo ang aking mga luha.

"Deiven!"umiiyak kong sabi sabay yakap sa kanya.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now