CHAPTER 5

153 6 0
                                    

Habang nakatingin ako sa salamin bigla nalang bumukas ang pinto.
Hayss.
Si Trisha pala akala ko si Boss.
Pero Athena mag-isip ka nga.
Si Boss pupunta rito?
Private kaya ang face no'n naku Athena.

"Bakit?"tanong ko kaya napatingin siya sa bandang ibaba ko.
Naku nakakahiya talaga basa pa ang pants ko wala pa naman akong dalang extra rito.

Na bigla nalang ako nang may inabot siya sa akin ng pantalon.

"Ano 'yan?"tanong ko pero hindi siya nagsalita at nilagay niya sa bag ko at umalis na siya.

Anong nangyari 'yon?

Kaya no choice kung hindi suotin ang pantalon na ito.

After 7 minutes lumabas na ako ng cr upang pumunta sa office nang nando'n na ako.

Agad kong nilapitan si Trisha busy na nakatingin sa computer.

"Trish nakausap mo ba si Boss? Baka kasi paalisin niya ako rito."kinakabahan kong sabi.

"Im..si...le."bulong niya kaya syempre hindi ko narinig.

"Anong sabi mo?"tanong ko.

"Magtrabaho kana baka mapapagalitan kana naman!"sabi niya kaya tumango nalang ako bago pumunta sa aking table.
Nang makaupo na ako bigla kong naalala si Kent.

Totoo bang walang nangyaring  krimen dito?
Pero totoo talaga ang nangyari pinatay ng lalaking nakabonet si Kent.
At yung table ni Kent may iba nang nakaupo roon sino naman siya?

Napatingin ako kay Julius katabi ng table ko.

"Julius."tawag ko kaya napatingin siya sa akin.

"Ano?"tanong niya.

"Wala na si Kent hindi mo ba nabalitaan?"tanong ko.

"Ano? Yung Kent? Hindi ko siya kilala bakit?"tanong niya.

"Oo nga Ten sino ang Kent na 'yan?"tanong ni Jessa.

Ano ba ang nangyayari sa mga tao rito?
Bakit hindi nila kilala si Kent.

"Si Kent yung kasama natin dito."sabi ko kaya tumawa nalang silang dalawa.

"Anong nakakatuwa?"tanong ko.

"Naku Athena kumain ka ng marami at saka sigurado kaming gutom na gutom kana kaya mamaya ililibre nalang kita."sabi ni Julius kaya tumahimik nalang ako.

Hindi ko talaga ma intindihan ang nangyari.
Pati ako naguguluhan kung totoo.
Pero feeling ko kilala ko si Kent at sigurado ako may dahilan kung bakit nagkakaganito ang mga tao rito.

Andito kami ngayon kumakain sa Restaurant kasama si Julius at Jessa.

Habang kumakain kami bigla ko nalang naramdaman na parang may tumitingin sa amin.

"Athena ano na pala ang balita no'ng kinausap ka ni Boss?"tanong ni Jessa kaya napatingin ako sa kanya.

"Wala."sabi ko nalang.

"Haha siguro nakita mo na si Boss gwapo ba?"tanong ni Jessa.

"Naku Jessa huwag ka nang mangarap na makita si Boss malabong mangyari 'yon."reklamo ni Julius.

"Kunsabagay malabo talaga 'yon."sabi ni Jessa.

"Teka hindi niyo ba talaga kilala si Kent?"tanong ko kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"Hindi eh at saka wala namang Kent na nagtatrabaho sa companya."sabi ni Jessa.

"Kung ano man ang iniisip mo Athena kalimutan mo na 'yon ang layo naman ng iniisip mo."sabi ni Julius kaya tumango nalang ako.

Pagkatapos naming kumain agad na kaming pumunta sa companya.
Si Julius at Jessa nagpaalam muna na puntahan si Mr. Lim kaya heto ako ngayon naglalakad papunta sa office namin.

Habang naglalakad ako agad akong nilapitan ni Sandro isa sa mga close na close ko rito.

"Ten kumain kana ba?"tanong niya kaya napatingin ako sa kanya may dala siyang baon haha ang cute niya parang elementary lang ha.

"Tapos na."sabi ko.

"Kain tayo nagbaon pa naman ako."sabi niya.

Sasama kaya ako sa kanya?

Pero paano kung babalikan ako ng lalaking nakabonet?

Siguro hindi na.

"Oh sige."sabi ko.

"Tara doon tayo sa office."sabi niya kaya pumunta na kami roon.

Nang nando'n na kami.

Teka?
Bakit wala pang tao rito.
Siguro naglunch ang mga tao rito.

"Ten doon tayo sa table mo."sabi niya kaya pumunta na kami roon.
Habang kumakain kami ni Sandro bigla nalang bumukas ang pinto.
After 2 minutes na tinitignan namin ang pinto wala paring may pumapasok.

"Sandali lang tingnan ko."sabi ni Sandro at pumunta na siya sa pinto upang tingnan kung sino ang tao.

Nagulat nalang ako pagtingin ko sa isang salamin na kitang-kita sa labas nakita ko ang lalaking nakabonet kaya napasigaw ako sa takot.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now