CHAPTER 9

133 6 0
                                    

9:30pm na ng gabi at andito ako ngayon palabas ng building.
Habang naglalakad ako parang may naramdaman akong may sumusunod sa akin pero hindi ko 'yon pinansin.

Agad na akong pumara ng taxi.
Napagdesisyonan kong pumunta sa bahay namin gusto ko lang kasi makita ang mga magulang ko.

"Salamat Manong."sabi ko at inabutan ko na siya ng pamasahe.

Nang makapasok na ako sa loob ng aming bahay agad kong nakita sina Mama at Papa kumakain.

Kaya tumakbo ako palapit sa kanila at niyakap sila nang sobrang higpit.

"Ma."sabi ko kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"Sino ka?"tanong ni Mama sabay tayo sa upuan gano'n din si Papa.

"Bakit ka nandito sa pamamahay namin?"galit na tanong ni Papa.

"Ako po ito si Athena! Ang anak niyo."sabi ko.

"I'm sorry Miss pero hindi ka talaga namin kilala at saka wala kaming anak."sabi ni Mama kaya doon na tumulo ang aking mga luha.
Tumakbo ako papunta sa aking kwarto at sinundan naman nila ako.

"Anong ginagawa mo riyan?"galit na tanong ni Papa habang ako naman hinahalungkat ko ang mga gamit ko.
Gusto kong ipakita sa kanila ang nagpapatunay na anak nila ako.

"Ano ba! Lumabas kana sa bahay namin!"galit na sabi ni Mama habang ako naman umiiyak.

"Nasaan na ang mga gamit ko rito! Yung mga pictures natin."sabi ko sabay tingin sa kanilang dalawa.

"Nababaliw kana Miss."sabi ni Papa at kinaladkad nila ako palabas ng bahay.

"Ma! Ako ito si Athena ang nag-iisang anak niyo!"umiiyak kong sabi habang nakaluhod sa harap nilang dalawa.

"Umalis kana! Nakakahiya sa mga kapitbahay!"galit na sabi ni Papa at pumasok na sila sa loob at nilock nila ang gate habang ako naman heto umiiyak sa labas.

Hindi ko alam ang gagawin ko.
Nakalimutan na ako ng mga magulang ko!

Tumayo ako dahil gusto kong puntahan ang lalaking iyon!
Wala siyang karapatan na pakialaman ang buhay ko!

Andito na ako ngayon sa Mansyon ng lalaking ito.

"Nasaan ka!"sigaw ko dahil sa galit sabay tulo ng aking mga luha.

"Magpakita ka!"sigaw ko.

"Ano ba ang kasalanan ko! Pumayag ako sa gusto mo pero huwag mo naman ipagka-it ang mga magulang ko sa akin!"sigaw ko habang umiiyak.

"Kalimutan mo na sila! Akin kana at sundin mo ang lahat ng gusto ko!"galit niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.

Tumayo ako at hinarap siya.

"Kung 'yan ang gusto mo! Pwes hindi ako magpapauto sa isang katulad mo KRIMINAL!"Sigaw ko.
Aalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan ng sobrang higpit ang aking braso.

Hindi ako papayag sa gusto niya!
Ano akala niya sa akin parang aso na maging sunod-sunuran niya!

"Bitawan mo ako!"galit kong sabi habang pinipilit na kunin ang kamay niya sa braso.

"Saan ka pupunta?!"galit niyang tanong kaya ngumiti nalang ako ng sarkastiko.

"Bakit naman ako titira sa Mansyon na ito kung ikaw lang naman ang kasama ko! Demonyo ang isang katulad mo! Siguro hindi mo kayang hubarin 'yang bonet mo baka pangit ka! Katulad ng ugali mo!"galit kong sabi kaya bigla niyang kinuha ang kutsilyo sa bulsa niya at pinakita ito sa akin.

"Sige patayin mo ako! Akala mo natatakot ako sayo! Mas mabuti pa nga sigurong patayin mo na ako kay sa makasama kita!"sigaw ko.

Hindi siya nagsalita kaya bigla niyang tinapon ang kutsilyo na hawak niya at tinalikuran ako.

Wow!

Napakabastos ng lalaking 'to!

"Hindi mo ako kilala! Wala kang alam!"galit niyang sabi habang nakatalikod sa akin.
Napatingin ako sa kutsilyo na tinapon niya.
Kaya unti-unti akong lumalapit doon upang kunin.

Kaya heto hawak-hawak ko na ang kutsilyo niya.

Dapat siyang mamatay!

"Kung wala kang alam! Tumahimik ka at sundin ang gusto ko!"galit niyang sabi.

Saksakin ko na sana siya nang bigla niyang hinawakan ng sobrang higpit ang kamay ko.

"May plano ka palang patayin ako!"galit niyang sabi kaya nabitawan ko ang kutsilyo na hawak ko habang mahigpit niya paring hawak ang kamay ko.

Nagulat nalang ako nang bigla siyang may kinuha sa kanyang bulsa na gamot at pinipilit itong ipalunok sa akin.

"IYAN ANG PARUSA MO!"galit niyang sabi habang ang paningin ko naman ay parang nanlalabo at nakita kong tinanggal niya ang bonet niya.

Kaya pinipilit ko ang sarili kong tingnan siya ng maigi pero blurd talaga.

At bigla nalang akong nahimatay.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDWhere stories live. Discover now